006

90 15 1
                                    

006


I felt satisfied when I stepped out of the plane. Last week ko pa gustong umuwi but I still have a work and a schedule to finish kaya hinintay ko nang matapos ang isang linggo para makabalik ng Manila. It was a long tough flight. Pakiramdam ko nga ay isang taon ang katumbas pitong oras na flight namin.




"Hahatid na kita. Let's go?", pag-aya niya. Hindi pa man ako sumasagot ay hinatak na niya ang braso ko at nag-hintay ng taxi. Yeah, taxi lang dahil aniya'y hindi naman siya mahilig sa mga kotse. He's motorcycle rider and hindi namin 'yon pwede sakyan ngayon dahil marami kaming dala.



"Address, Tine?", tanong niya. Sinabi ko sa driver ang address ng bahay namin. Wala 'kong sinabihan na uuwi na 'ko dahil gusto kong malaman kung ano nga ba talaga ang nangyayari dito.



To be honest, I badly wanna see him now. Gustong-gusto ko na siyang makita, makausap, mahagkan, at mahalikan. Sobrang taas ng tingin ko sa sarili ko bago ako makabalik. Sobrang laki ng paniniwala ko na baka sakali ay ako pa rin 'yong mahal niya.




Sa ilang buwang wala 'ko dito, natauhan na kaya siya?



Natatakot ako sa maaaring kalabasan pero wala nang atrasan 'to. Umalis ako ng wala siyang kaalam-alam. Alam kong magagalit siya sa 'kin. Kahit na inaasahan kong kapag bumalik ako ay ayos kaagad ang lahat ay hindi 'yon posible. Iniwan ko siya sa ere. I ghosted him. He will be mad at me for sure.



"Lalim ng iniisip natin ah?"



Napatingin ako kay Elijah nang sabihin niya 'yon. Tinitigan ko siya ng ilang sandali. Elijah's a good looking man, I cannot deny that fact. Soft arch thick eyebrows, monolid eyes, turned up nose, pointy natural and rosy lips, quiff hairstyle na nagfit sa diamond shape ng face niya. Moreno rin siya, well maputi siya dati but since he's always in the beach, ayan. Mas bumagay naman sa kaniya. Marami ngang babae ang nagkakagusto sa kaniya pero hindi ko alam kung bakit ako ang napili niyang gustuhin where in fact hindi ko naman siya magugustuhan pabalik.




"Is there any dirt in my face?", he curiously asked then touched his face. Umiling ako saka ibinaling sa ibang direksyon ang tingin ko.



"Nah. You're just too handsome", I honestly told him. From my peripheral vision, I can see that he was stiffened for a couple of seconds. Walang meaning 'yon para sa 'kin 'cause while in Maldives, naging diretso ang pananalita ko. Kumbaga, mas naging straightforward ako.



I must admit na marami talagang nagbago sa 'kin. Sa pananamit, sa pananalita, sa ugali, pero may isang bagay sa akin na alam kong hindi nagbago at hinding-hindi magbabago.


Iyon ay ang pagmamahal ko kay Paul.



"We're here",


My mind came back in reality when I saw our house outside the car. I felt excited and hurriedly went out. Nagulat pa ang ibang maids and guards nang makita nila ako. Mabilis kong binuksan ang pinto saka sumigaw.



"I'm home!"



Nag-echo anh boses ko sa bawat sulok ng bahay. Nakakapagtaka lang dahil parang ang dilim ng buong kabahayan at parang walang tao maliban sa mga kasambahay. Where are they?



Ilang sandali pa ay biglang lumapit sa 'kin si Manang Felicia, ang mayordoma ng bahay.



"Maligayang pagbabalik, Miss Christine. Tatlong buwan na pong hindi umuuwi ang inyong pamilya rito. Si Sir Cyan ay nasa Batanes na. Si Sir Andreus ay nasa Cagayan. Ang magulang niyo ho ay nasa Japan para sa trabaho. Hindi na po sila umuuwi nang magkakasama rito,"





How Dare You? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon