My cousin is asking me if, kailan ako magkakaboyfriend or kung may balak ako.
Ofcourse may balak ako, but sabi ko, not now..
Or di pa rin ako sure,
Since sabi ni papa wag muna daw akong mag aasawa and tulungan ko muna ang pamilya namin.
Yes, ang pagboboyfriend at pag aasawa ay magkaiba..
Advance ba ko masyado?
Yes, kasi gusto ko pagnagkaboyfriend ako, gusto ko yun na.
Ang lagi kong iniisip sa isang lalaki, if nagustuhan nya ko or nagustuhan ko sya ay yung future ko sa kanya kung bagay ba kami? kung may mararating ba? or kung magiging asawa ko ba sya? or kung bagay ba kaming mag asawa, kung family oriented ba sya? stable job?, if naging kami and magkakapamilya, kaya na ba namin?
yung mga ganung bagay..
but ayun nga super dami ng requirements and ayun syempre hindi pa pwede..
And kahit minsan gusto ko rin maexperience..
wala din nmn nagkakainteres sakin hahah
wala din nanliligaw...
Alangan nmang ako ang manligaw diba.. hahaha
And ayun nga sa sobrang dami ng requirements ko..
although alam ko naman na may lalaki namang ganun, kailangan ko ding maging sapat sa kanya..
i want to improve myself
Gusto ko rin na may mapatunayanHindi pede yung basta nakagraduate lng ako ng architecture may ipagmamalaki na agad..
wala din nmn kasi akong maiooffer sa kanya, wala akong maipagmamalaki..
bukod sa mabait at masayang pamilya
although, mahirap lang kami..
Sa pamilya ko, we all have a unstable job..
si papa, factory worker..
si mama house wife nananahi sya sa probinsya namin sa quezon, and if may time pumupunta sya dito sa cainta para bisitahin kami...
si kuya, masasabi kong medyo stable yung work nya, isa sya graphic artist sa isang computer shop, kung anu anu din ang mga naiisip nyang negosyo, but di narin ganun masyadong mahingan since may anak na sya...
ako naman isang store planning assistant sa Onesimus, isang company na nagbebenta at gumagawa ng mga barong at suites in short, more on formal clothes, hindi stable ang trabaho ko ngayon dahil sa pandemic..kaya eto, wala akong time sa Lovelife...
dahil ang priority ko muna ngayon ay ang pamilya.
gastos lng ang magkaron ng lovelife sa opinyon ko..
and kung ngayon kami magkakakilala sa gitna ng pandemic, mahihiya ako, walang wala akong ipagmamalaki sa kanya..gustuhin ko mang iimprove ang sarili ko, lifestyle ko lng ang kaya kong iimprove tulad ng..
bigyan ng maginhawang buhay or stable na buhay amg magulang ko, at ako..madagdagan ang kaalaman ko at magkaron din ng stable na trabaho.
dahil sa ngayon hindi ko yun magagawa dahil narin sa pandemic.
di ko naman pedeng ioffer o ipagmalaki na maganda ko haha or maganda ang katawan ko magaling sumayaw? kumanta?, wala ako nun lahat... hahaha
hindi ko naman sinasabi na panget ako, pero, hindi rin ako maganda.
hindi ako matangkad katunayan
maliit lng ako na aakalain mong high school lng ako, or di kaya elementary, kundi lang mataas ang tinapos ko sa pag aaral, hindi ako basta basta matatanggap sa trabahobukod sa maliit kasi, payat din ako, na dahilan narin kung bakit napagkakamalan akong high school.,
kaya sabi nga ng papa ko..
ang maipagmamalaki ko ay ang utak ko..although hindi ako katalinuhan, pero hindi rin naman ako bobo, hindi naman siguro nagkamali ang mga professor ko nung college na ipasa ako kung bobo ako sa paningin nila..
so ayun, mahaba man etong sinabi ko...
pero, eto nasa isip ko ngayongusto kong may mapagpaliwanagan kong bakit wala pa kong boyfriend... hahaha
siguro half true yung sinasabi ko minsan na, "tsaka na ko magboboyfriend pagmayaman na ko" , then sasabihin ng mga kaibigan ko na, baka matanda na ko magkaboyfriend...
since hindi nman basta basta yumayaman ang isang architect na tulad ko. yun lang hahaha
kung sino ka mang para sakin wait ka lang iaahon ko muna sa kahirapan pamilya ko.