"Crush ko yung BestFriend ko"

3 0 0
                                    

Ethan's POV

Hi I'm Ethan Anderson, Hindi ko malilimutan yung una naming pagkikita, nakita ko sya kasama nya yung barkada nya.

Tapos ako naman dumaan sa harapan nila at sa 'di inaasahan nag tagpo yung mga mata naming dalawa, wala akong nagawa para hintuan sya dahil dumating yung kaibigan ko at tinulak ako papunta sa paruroonan naming dalawa.

Lumipas ang ilang linggo pero 'di talaga sya mawala sa isip ko, hanggang sa nag aya yung kaklase ko na mag audition kami sa itaas ng aming paaralan para sa isang play na gaganapin at isa sa mga bida duon ay si Bugoy Trillion.

Nung magsimula na ang lahat isa sa mga dumalo ay 'di ko inaasahan na makikita ko duon, at yun na nga.

"Okay next  -Sigaw ng direktor" "Hi ako nga po pala si James David Garcia, Humss 11 and 17 years old -pagpapakilala nito."

Sumayaw sya, kumanta, nag acting, at nagpatawa, wala kong ginawa kundi titigan lang sya hanggang sa 'di ko nalang namalayan nasa likod kona pala sya.

Madaming hindi nakapasa at laking tuwa ko dahil isa ako sa nakapasa at ganun din si James, pagkauwi ko ay agad ko syang hinanap sa social media at nakita ko naman kaya agad na inadd ko na sya.

Dumaan ang madaming araw at nalaman kong kaarawan nya at duon kona sinimulan kausapin sya, sa paunang pagpapakilala ko ay agad ko muna syang binati dahil nga kaarawan nya.

"Happy birthday james -chat ko sa kanya na agad namang nireplayan nya" "Uy salamat -sagot nya" "kamusta pala yung workshop? di ako nakapunta di kasi ako pinayagan. -tanong ko" "ay dirin ako nakapunta gawa ng may part time job ako. -sagot nya" At dumami pa yung usapan naming dalawa hanggang sa isang araw nagkita kami sa canteen.

"Uy musta? -tanong nya" shittt? Gagiii!  "A, eh okay lang naman -sagot ko na mautal utal pa" "Sabay tayong kumain, treat ko G ka? -anyaya nya saakin na kina hiya kopa lalo" "A-ah s-sige -mabulol bulol kong sagot sa kanya" "sige wait moko dito, pupunta lang ako sa room namin para kunin wallet ko. -pag papaalam nya"

"so, ano palang grade mo? -tanong nya saakin na may kasamang ngiti" "11 din, 18 years old. -sagot ko sa kanya at bigla ko pagtataka kung ba't ko sinama yung edad ko" "ahhh hahaha. -sagot nya at natawa pa nga" "bakit? -tanong ko sa kanya" "ow, no no don't get me wrong, i was happy to see you thats why i laugh.  shit? Ano yun!? Puta kinikilig ako whaahaha.

"Order na tayo? -tanong nya" "lah tayo agad. -bulong ko." "What? -tanong nya" "Ow, i mean tatayo ka agad para umorder eh mukang pagod ka dahil tumakbo ka kanina." Shit ano bang pinagsasabe ko. "ahhh, okay 1 minute siguro pahinga muna ko.

Nagsimula na kaming kumain dalawa at andaming nakatingin saamin at yung iba kinikilig pa, binigay ni james yung tubig nya sakin at binigay nya pa yung balat ng manok, like tanginaaaa ayoko na, ano ba tong nangyayare sakin gagi.

"Oh, ayaw moba neto? -tanong nya saakin na may malungkot nyang muka" "No, gusto ko nga neto eh hehehe thanks nga pala. -sagot ko sa kanya" "No problem. -ngiti nyang sambit uli saakin."

"Salamat ulit james ah. -pasasalamat ko ulit sa kanya" "No worries kanina kapa salamat ng salamat sobra sobra na, kulang nalang suklian ko na pasasalamat mo hahaha."

Naging magkaibigan kame ni james halos naging tumagal ng 4 na taon at dun rin lalong nainlove ako sa kanya, kaso isang araw nabigla nalang ako ng may isang taong dumating sa mundo naming dalawa.

"Uy pre samahan mo naman ako sa airport ngayon. -anyaya sakin ni james" "sige, sino naman yan? Yung mama mo ba na nasa states uuwi na? Ganda ng flowers nayan magugustuhan ni tita yan. -tanong ko" "Basta basta mamaya siguradong magugulat ka. -pa mysterious nya pang nalalaman" "Sige sabe mo eh. -sagot ko."

"Babe! -sigaw ng isang babae na nagkaripas papunta sa harapan ni james" "Babe! -sigaw din ni james" Tumigil yung mundo ko at unti unting parang bumagsak ang lahat saakin na sobrang bigat, natabunan ako ng napaka bigat kaya siguro hindi ako makahinga sa sobrang sakit.

Natulala nalang ako, hindi ko alam kung paano gumalaw, paano ngumiti, paano ko sila kakausapin pero bigla nalang din napa agos ako sa mga nangyayare, kahit masakit kinaya ko naman.

"Hi, you're so cute, Ethan right? -tanong nya sakin" "Y-yes, ang cute morin kaya siguro naging kayo ni james.- sagot ko sa kanya" "Hehehe maybe or anything. Lah pabebe amp hahaha.

"Ano mag kwe kwentuhan nalang ba tayo dito? -tanong ni james samin" "let's go na -aya ni Jongga." let's go na, arte amp hahaha dumiretcho kame sa bahay ni Christine na jowa nga ni james at duon nag inuman kame.

"Ethan alam moba na loko loko tong si james, dati nung niligawan ako inaya ba naman akong kumain sa school namin nun tapos andaming nakatingin samen kinikilig saaming dalawa. -tanong saakin ni christine"
"syempre naman hahaha, kaya nga ako nainlove dyan dahil nilibre din ako sa cantee-- sorry lasing nako." tumakbo ako na umiiyak at nakita nilang dalawa yun, hinabol ako ni james at duon nya ako kinausap.

"Ethan! Anong bang problema mo! -sigaw nya saakin."

"Ikaw! Ikaw yung problema ko, hindi mo alam na sa tuwing nakikita kita simula't sapul nababaliw nako sa kilig pag nakikita kita, walang araw, oras, minuto, o segundo na hindi ka iikot at mang gugulo sa isip ko. umasa ako, umasa ako sa apat na taon na baka siguro gusto mo din ako dahil yun yung nararamdaman ko! -sagot ko sa kanya."

"Oo! Gusto kita, simula pa lang gusto na kita, Pero paano? Natatakot ako, meron akong girlfriend ethan at natatakot nalang ako sa sasabihin ng mga tao saakin. -pag amin nya."

"Natatakot ka pala, pero bakit kapa pumasok sa buhay ko? Sigurado ka sa nararamdaman mo pero hindi mo kayang ipaglaban? Mahalin mo nalang si christine wag na ako, okay lang naman sakin kahit hanggang kaibigan mo, mas tatagal pa nga to kesa sa mga relasyon diba hahaha, kaya okay nadin toh, sa paraan na hanggang kaibigan mo lang ako. -huling salita na sinabe ko sa kanya."

-15 years later-

Yun yung huling pagkikita namen ni james at huling pag uusap, wala nadin kaming connection sa isa't isa, lumipat nadin sila ng bahay at si christine naman sabe nya saakin hiwalay na sila, hanggang sa may nagpadala ng mensahe saakin na may reunion kami at yun yung batch na kaklase ko si james. Ano? Pupunta ba ako? Kinakabahan ako tanginaaaaaaaaaaaaaaa.

Pumunta ako sa isang kilalang restaurant dito sa lugar namen at dito din sakto yung place na yung reunion ay gaganapin, kinausap ko yung naging kaibigan ni james..

"uy musta na? -tanong ko kay aaron na kaibigan ni james" "eto lumalago yung business sa awa ng diyos. -sagot nya na masaya" "ayos yan, congrats pala at si james nga pala? -tanong ko sa kanya." "pinadalhan din sya nung invitation kaso ewan ko dun kung dadating. -sagot nya" "ahhhh -malungkot kong sagot"

"excuse me? Pwede bang maki upo dito? -pasok ng isa na parang pamilyar na boses"
Natulala nalang ako dahil hindi lang basta si james yun, lalo pang gumwapo shit. "hinahanap mo ba ko? -tanong nya saakin na naka ngiti" agad ko naman nikayap sya kahit napakadaming tao na ang nasa loob ng restaurant na iyon. "teka teka di ako makahinga hahaha. -pag awat nya sakin" "hahaha sorry -maiyak iyak ko pang sagot sa kanya."

"kamusta kana? -tanong nya saakin" "malungkot padin, nagsisisi dahil sa mga sinabe ko sayo nun. -sagot ko" "so, ngayon pwede naba? Single ako, ikaw ba? -tanong nya" "oo pwede na hahaha" "yes! Kami na! -sigaw nya sa harap ng madaming tao" "loko ka hahaha -makilig kilig kopang sagot sa kanya"

Masaya ako di lang dahil sa nangyare saaming dalawa, dahil nakita ko sa mga tao na masaya din sila para saaming dalawa, kaya kung ako sayo umamin kana sa crush mo wag kang mag antay ng 4 years plus 15 years loko hahahaha wag kang gumaya sakin torpe masyado hahaha, Time is gold ika nga nila.

-Ethan

I Love My Boy BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon