PROLOGUE

13 0 0
                                        

"Morrice natanong mo na ba sa assistant ni Mr. Millton kung kailan ang schedule natin sa kanya ?."

"Opo Ms. Watson bukas po ng exact 1pm ang free time ni Mr. Millton."

Tumango ako at pinabalik ko na si Morrice sa kanyang trabaho.

Tumayo ako sa swivel chair at pumunta sa glass window ko at tanaw ang buong Makati. Natulala ako saglit ng may naalala ako na nakapangiti ng mapait.

Ilang taon na ba ang nakalipas? tanong ko sa sarili ko. Tumingala ako at tanaw ang napakadaming bituin sa kalangitan habang iniisip ang mga masasayang alala namin na kasama ko sya.

Bumalik ulit ako sa aking upuan upang ipagpatuloy ang aking ginagawa.

Tumingin ako sa relo ko at di ko namalayan na alas 12 na pala ng gabi at wala nang tao sa opisina. Nagpaalam na kanina ang secretarya kung si Morrice.

Bumaba ako sa basement para sumakay na sa kotse ko upang makauwi at makapagpahinga.

Pagkauwi ko sa condo unit galing opisina dumiretso ako sa banyo para makapag half bath. Pagkatapos kung mag half bath dumiretso ako sa kusina para makapagluto.

Pagkatapos kung kumain nag toothbrush muna ako at pumunta ng kwarto para gawin ang skin routine. Pagkatapos kung maglagay ay humiga na ako sa kama at di ko namalayan na nakatulog kaagad ako ng dahil na siguro sa pagod sa trabaho.

Nagising ako dahil sa ingay ng alarm clock ko. Bumangon agad ako at dumiretso sa banyo para maligo. Pagkatapos kung maligo I blow my hair and wear a simple black and white offshoulder dress and pair with my white sandals. After my simple make up and contented with my outfit kinuha ko ang aking white hand bag at susi at dumiretso na sa basement ng hotel. At dumiretso na sa opisina ko.

Pagkarating ko sa kompanya ay sinalubong ako ng valet para kunin ang susi ng kotse ko. Pagkabigay ko ng susi ang kotse ay pumasok na ako sa loob ng kompanya at sinalubong ako ng magandang ngiti ng guard na si Mang Berto.

"Magandang umaga Ms.Watson". Bati sakin ni Mang Berto.

"Magandang umaga din sayo Mang Berto".at binigyan ko sya ng matamis na ngiti.

Pagkapasok ko sa opisina ay tumayo agad ang mga empleyado at isa isang binati ng magandang umaga at sinuklian ko yun ng matamis na ngiti. Dumiretso agad ako sa elevator at pinindot ang top floor kung saan ang aking opisina. Pagkaraan ng minuto ay bumukas ang elevator at sumalubong sakin ang secretarya kung si Morrice.

"Goodmorning Ms.Watson your schedule for today. Exactly at 8am you have a meeting to Mr.Chua at the conference room. And at exactly 9:30am you have a schedule to Ms. Dela Vega at the Taste Coffe Shop about the design of her new resort in Palawan. And a lunch meeting exactly at 11:30 in Pavillion restaurant to Mr.David about his plan to invest to the company. And at 1pm you have to go to Millton Company to meet Mr.Millton at his office and that's your final schedule for today."

Tumango ako at naglakad patungo sa mesa at umupo sa aking swivel chair. Tumingin ako sa aking secretarya.

"Okay Morrice and please make me a black coffe no sugar and leave thank you".

Tumalikod kaagad sya at ako naman ay tinignan ang mga papeles na dapat permahan.

"Here's your coffe Miss".

"Thank you go back to your work now".

Pagkatalikod nya ay tinignan ko ulit ang mga papeles. At uminom ng kape habang binabasa ang mga proposal sa aking mga cliente at pinermahan ang mga kailangan na permahan.

"Ms.Watson andyan na po si Mr.Chua sa conference room."

Tumango ako at tumayo.

"Okay give me five minutes."

"Okay Miss copy."

Niligpit ko muna ang mga papeles sa aking mesa at tumingin sa salamin upang tignan ang aking itsura kung maayos pa ba. Ng makita ko ang itsura ko na maayos pa ay pumunta na agad ako sa conference room.

Pagkatapos ng meeting ay pumunta agad ako sa coffe shop para tagpuin ang susunod kung cliente.At pagkatapos dumiretso agad ako sa restautant upang tagpuin si Mr.David.

Di ko namalayan na kailangan ko na palang pumunta sa kompanya ng Millton mabuti nalang at mabilis akong natapos kay Mr.David.

Pagkarating ko sa Millton Company ay dumiretso agad ako sa receptionist.

"Good afternoon I am Blair Watson CEO of Watson Company and i have schedule to Mr.Millton.

"Yes Ms.Watson just go to the top floor and the secretary of Mr.Millton will guide you to his office."

"Thank you."

"Your welcome Ms.Watson."

Naglakad ako patungo sa elevator at pinindont ko ang top floor. Pagkaraan ng ilang minuto nakaabut na ako sa top floor at pagkabukas ng elevator ay bumungad sa akin ang isang lalaki na malaki ang ngiti at may singkit na mata.

"Good afternoon Ms.Watson I am Cedrick Rafael secretary of Mr.Millton this way please my boss is waiting for you at his office. Follow me please."

Ngumiti ako at tumango. Sinundun ko sya at di ko alam kung bakit parang kinakabahan ako ng walang dahilan. Pagkabukas nya ng pinto sa opisina ng kanyang boss ay ang una kung napansin ay ang lalaking may matipunong katawan at nakatanaw ito sa kanyang malaking glass window at para bang may malalim na iniisip.

Tumikhim ang lalaking nasa tabi ko upang sanang kunin ang atensyon ng kanyang boss ngunit di ito tumingin sa gawi namin.Kaya nagsalita nalang ang kanyang secretarya.

"Mr.Millton Ms.Watson is here. Please excuse me."

Tumango ako sa kanya.

"Good afternoon Mr.Millton I am Blair Watson CEO of Watson Company." Pagbati ko sa kanya di ko alam kung bakit parang ang lakas ng tambol puso ko.

Pagtingin nya  sa gawi ko ay parang tumigil ang pag ikot ng mundo ko. At di ko inaasahan na sa sampung taon na nakalipas ay makikita ko na siya ulit.

Gulat ang rumehistro sa buo kung mukha ng magtapo ang aming mata.At tumitig saakin ang kanyang napakalamig na matang kulay abo.Kung ang mata na ito ay puno ng saya nuon habang nakatitig sakin ngayon ay parang kasing lamig lang ito ng yelo.

Walang gulat na makikita sa kanyang gwapong mukha ng masilayan ako na para bang inaasahan niya ang pagkakita namin ngayon.

"Good afternoon Ms.Watson long time no see".Bati niya saakin gamit ang napakalamig niyang boses.At ang walang reaksiyon niyang ngiti na para bang di niya ako nakilala..

MAKE THAT MAN BE MINEWhere stories live. Discover now