EPILOGUE

1.9K 59 14
                                    

EPILOGUE

I took off my earphones. Nilagay ko 'yon sa bag, hindi ko na pinansin kung buhol-buhol iyon mamaya pag gagamitin ko na ulit. I was about to put my phone inside my pocket when I received a text message from an unknown person.

From: +639**
Hi!

Malamang ay scammer. Sobrang uso 'yon ngayon. I decided to ignore it. Sinukbit ko ang bag ko sa balikat para pumunta sa library. I need to study for tomorrow's quiz.

"Hindi ka mag la-lunch, Denzel?" It was Jecho. One of my friends.

Umiling ako. "Alas nuebe ako nag agahan, busog pa ako." tamad kong sabi.

Tinapik niya ako sa balikat. "Aral na aral ka masyado, dahan-dahan baka lumagpas sa 100 grade mo."

"Loko! i-print niyo na lang din ako ng transes. Wala pa akong print sa oral anatomy," I told them.

"Penge one fifty, i-piprint kita. Mahal ang ink!" Alex, the other friend of mine stated.

Binatukan siya ni Jecho. "Bugok! Printer ni Denzel 'yon sisingilin mo pa."

Nasa ganoon akong sitwasyon nang tinignan ko ulit ang cellphone ko. I creased my forehead. Nauubusan na ba ng palusot ang mga scammer kaya umabot sila sa punta na ganito.

From: +639***
Type Kita!

Ngumisi ako. Anong klaseng text 'to?

Before I entered the library I texted Drake, my brother. I told him that I won't be able to go home in Bulacan next week, hectic ang schedule ko at kailangan ko pa mag hanap ng pasyente. My brother is studying in the same University but in a different department.

Since he entered college mas lalo pang lumayo ang loob sa akin ng kapatid ko. We were so close back then, I can't blame him... It was all our parent's fault.

That scammer keeps on texting me everyday. Naiirita na ako, I almost blocked that number until I decided to reply back to it because of those corny ass messages at para matigil na rin siya.

From scammer:
I hate myself.

From scammer:
I forhot to save your number.

From scammer:
Anyway, naalala ko na ngayon at nasave ko na.

From scammer:
forgot** forhot amp! HAHAHA

From scammer:
Kahit naman nakalimutan kong i-save number mo nakasave ka naman sa heart ko.

Sunod-sunod ang text niya. Wala ba siyang magawa sa buhay? Ang weird rin ng utak nila, noon ang mga text ng mga kawatan ay mag kukunwaring mag papaload o 'di kaya ay magpapanggap na nanay mo o kamag anak mo, tapos ngayon nag papanggap na rin sila bilang admirer.

To scammer:
Bagong modus ba to ng mga kawatan?

Wala pang isang minuto ay sunod-sunod na naman ang reply na nareceive ko.

"Huy! Hinaan mo nga 'yan, ingay ng cellphone mo," sinaway ako ni Alex. Nasa cafe kami ngayon at nag aaral.

"Naka set lang sa vibrate 'to, konsensya mo na lang 'yung naririnig mo.." I jokingly said.

TYPE KITA (EPISTOLARY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon