Cassandra POV
Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko kahit
alam kong nagkakasakitan na sila Jared at Arvin. Inaawat naman sila ni Warren at Jace maging ang security guard ng school namin."Babe stop it!" Muling sigaw ni Ceneth kay Jared.
"Hayop ka magpakalalaki ka naman Arvin. Alam mong may girlfriend ka nagawa mo pang mambabae at dito pa mismo sa school kung saan nag aaral ang girlfriend mo." Sigaw ni Jared kay Arvin. "Respetohin mo naman kaibigan ko, kahit di na bilang girlfriend mo kahit bilang babae nalang!" Kitang kita sa mga ni Jared ang galit niya habang pilit na inaawat siya ni Jace.
"Bro tama na, nasa school tayo." Awat ni Jace. "Warren ikaw muna maghatid kay Cassie."
Hinawakan ni Warren yung braso ko. "Ihahatid na kita, Mauna na kami." Paalam ni Warren.
Umiling ako at lumapit kay Arvin.
"Cassie anong ginagawa mo? Nahihibang kana ba?" Sabi sakin ni Ceneth noong makalapit ako kay Arvin at hinawakan yung pisngi niya kung saang parte siya nasuntok ni Jared.
"A-ayos ka lang ba?" Tanong ko kay Arvin. Pinipilit kong wag umiyak sa harap niya.
"Don't touch me!" Sigaw ni Arvin sakin at hinawi yung kamay kong nakahawak sa kaniya. "Are you happy? Nasaktan na ko ng kaibigan mo, siguro naman patas na tayo sa papanakit ko sayo."
PAK!
Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas para sampalin siya.
Napahawak naman siya sa pisngi niya kung saan ko siya sinampal.
"Nagawa yan ni Jared sayo dahil nag aalala siya para sakin, dahil kaibigan niya ko." Sabi ko sa gitna ng pag-iyak ko. "Arvin almost 13 months ko na ng tinitiis yung panlalamig at pambabalewala mo sakin simula noong sinagot kita. Hindi mo alam yung sakit na iniinda ko tuwing pinaparamdam mo sakin na kinakahiya mo ko. Hindi mo alam kung gaano karaming luha yung iniiyak ko kada babalewalain mo ko. Isang sabi mo lang na mahal mo ko ayos na tayo, pinapatawad agad kita. Pero sobra na!" Napaluhod nalang ako dahil sa sakit na nararamdaman ko.
Maraming estudyante na ang nanonood samin pero di ko sila inisip.
Lumapit naman sakin si Ceneth. "Cassie let's go, stand up please!" Sabi niya habang inaalalayan niya akong tumayo.
Tinulungan naman din ni Warren si Ceneth para itayo ako.
"L-let's break up." Sabi ni Arvin. Nakita kong medyo nangingilid yung luha niya habang sinasabi ang katagang yun na nakapagpaluha nanaman sakin.
Sa totoo lang kaya ko pa siyang patawarin kung hihingi siya ng chance sakin pero pinili niyang tapusin yung relasyon namin.
"Dapat dati ko pa ginawa to pero di ko alam kung sa paanong paraan." Muli niyang sabi. "Sawang sawa na ko sa pang iinsulto ng kaibigan ko dahil nagkagirlfriend ako ng cheap na kagaya mo. Ni hindi ko nga alam kung bakit niligawan kita noon e, mahirap ka lang."
PAK
Si Ceneth naman ang sumampal sa kaniya.
"Hey, that's too much." Lumapit naman yung babae kay Arvin. "Baby, you okay? Let's get out of here please!"
"Ang kapal ng mukha mong sabihin yan sa bestfriend ko." Sabat ni Ceneth. "Nung una palang alam mong mahirap siya, your family accepted and respected Cassie because she's your girlfriend tapos sasabihin mo yan? Edi sana di mo nalang siya nilagawan nung una palang."
Hindi naman nakasagot si Arvin sa sinabi ni Ceneth.
Masyado ng maraming nangyari sa araw na to. Gusto ko ng magpahinga dahil pagod na rin ako at masakit na ang mga mata ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/240363334-288-k704886.jpg)
YOU ARE READING
Destined to be Yours
Teen FictionSANTILLAN SERIES #1 She grew up as Cassandra Reyes but eventually became Cassandra Santillan, Read her Story! Started : September 2020 O N - G O I N G !