'Ang dami nang nagbago, ang dami nang nangyari. Sobrang lawak ng space hindi ako makatawid. Sa pagkakalayo natin nagkaroon ng isang malawak na space sa pagitan nating dalawa. Puwang na hindi napupunan. Sinusubukan natin pareho pero nauuwi pa rin sa away, inisan, pikunan. Sa huli pareho tayong nasasaktan. Nagpapagalingan pero pareho naman tayong natatalo.
Kung kayo talaga, kayo talaga. Pero kelangan munang ipaglaban at gumawa ng paraan. Para sa huli, ano man ang kahihinatnan, masasabi mo pa din sa sarili mo na ginawa mo ang part mo at hindi mo inasa na lang kapalaran. Sa Encantadia nga nagbabago ang propesiya. Nagbabago din ang kapalaran.'
"Korek! kana naman dyan Author, nagbabago ngang kapalaran at sana yung kapalaran ko magbago rin! "
"Destiny, tara ng magbihis at rumampa, tama na yang pagbabasa mo sa wattpad dyan! Dika ba nagsasawa?"
"Eva, my friend! Hinding hindi po ako magsasawa kakabasa ng wattpad nuh! Gaganda kaya ng mga love stories dito, libre na maaaliw kapa!"
"Sus, mag love life kana kasi para hindi ka puro imagination na lang hahaha."
"Gaga! Ala ngang nagkakamali sa beauty ko eh! Kung meron lang bakit hindi! Basta ba karapat dapat syang itapat sa ganda ko eh! di gogogo ako."
"Naman! Wag kasi masyado choosy girl, tsaka lingon lingon lang sa paligid baka nasa tabi tabi lang si Mr. Right mo! Good luck na lang sayo!"
"Salamat Eva, true fren ka talaga!"
At nagyakapan pang dalawa. Habang nagtatawanan patungo sa cottage nila. Nasa Dalampasigan Beach Resort sila ngayon, Holiday Vacation nilang mga staff ng isang private hospital.
"Wowwowwow! Girl, ang sexy mu naman dyan sa soot mong bikini, my gosh! Kung ako lang ang biniyayaan ng ganyan ka dyosang ganda, Aysus! Everyday rampa to the max ako!"
Nilapitan pa ni Eva si Destiny saka sinipat ang suot nitong two piece bikini, inaayos ayos pa nito saka panay ang kurot sa braso ni Destiny sabay tatawa at minsan napapalatak pa nga.
"Eh Eva, hindi ba masagwang tingnan sakin? Kasi tingnan mo oh! halos kita ng lahat ang kayamanan ko!"
Naiilang na hinila hila ni Destiny ang bra nyang masikip kaya naiipit ang kanyang dibdib. First time nyang magsuot ng ganito ka daring na bikini kaya di sya sanay, kaso sayang naman kasi kung itatago lang nya eh minsan lang naman sila magka outing ng ganito ka bongga.
"Di ah! Ang ganda ganda mo kaya! Saka bagay naman sayo kaya ok lang yan girl! Tingnan moko kahit malaki bilbil naka swimsuit pa rin. Pake ko sa kanila hindi ko ikinahihiya ang binigay ni Lord sakin, I'm proud to say that... Ang beauty ko ay thank you Lord hindi thank you Doc... Kaya ikaw dapat proud ka rin sa biyayang yan!"
Mahabang speech ni Eva na ikinatawa ng malakas ni Destiny.. Magaling talaga magpayo tong si Eva, saka maganda pang pag uugali nito. Positive thinking din parati, kaya gustong gusto nya itong kasama kasi nahahawa sya sa pa good vibes nito palagi.
"Tara na nga mag picture muna tayo sa labas bago tayo rumampa sa beach. Whoop.. excited nakooo! Ay teka lang Destiny, lagyan mo pala muna ako ng sunblock ha! Lagyan din kita pagkatapos ko! Salamat."
"At salamat din sayo!"
⚔⚔⚔
"Aeris, ba't ganyan yan? Kelan pa yan nandito ha?"
Napabuga naman sa hangin si Aeris at humarap kay Zylven at Mark. Pero bago nya sagutin ang tanong ni Zylven sinulyapan nya ulit si Prick na patuloy ang paglaklak sa isang bote ng alak habang nakatingin sa karagatan.
"Isang linggo na! At nag aalala nako mga Bro, hindi sya ok, at delikado kapag nag iisa yan, kaya di dapat natin sya iwan, ngayon nya mas higit na kailangan ang tulong natin."
BINABASA MO ANG
Angel of Mine🗡Assassin Series5 ✔💯
Novela Juvenil⚔ Prick Lefur ⚔ Prick, is a bomb expert of Hainsha Organization, A Russian nationality, who preferred to be an assassin secret agent. He is a member of the group of Keros Kitsume, the boss of Asia. Kabilang din sya sa samahan ng mga baliw! Panglim...