Chapter 39

81 10 4
                                    


Ilang araw syang binabagabag ng mga nagawa nyang pagkakamali.

Habang Hawak hawak ang cellphone ay napagdesisyunan nyang kausapin si Echo at sabihin dito ang totoo.
Naisip nyang Mas magandang unahin nyang sabihin sa lalaki ang nangyari bago nya ito aminin kay Malaya.

Tinawagan nya ito.

Echo: hello?

JAM: hello? May I speak to Echo.

Echo: This is him. how may i help you?

JAM: Hi. This is JAM.

Pagkarinig palang ng pangalan na iyon ay agad ng nagtiim ang bagang ni Echo.

Echo: Anong kailangan mo?

JAM: pwde ba kitang makausap? Tayong dalawa lang sana. It's about Malaya.. And you.

Echo: Where?

Pagkatapos ng tawag na iyon ay agad umalis si Echo upang makipag kita.

Habang nasa sasakyan ay di nya maiwasang kabahan.

"Ano kaya ang pag uusapan namin?"

Tanong nya sa sarili.

Maya maya pa ay nakarating na sya sa lugar na tinutukoy ni JAM.
Isang bar. Bar ni Chad to be exact. Pumasok sya at nilinga linga kung nasaan banda ang kausap.

Nang matanaw nya ito agad syang lumapit.
Nasa wine bar ito habang umiinom ng brandy.

Echo: JAM?

Dahan dahan lumingon si JAM, habang si Echo naman ay nakatingin sa kanya. Napatulala si Echo nang makita ng malapitan si JAM. Ngayon nya palang ito nakita ng personal.

Parang bigla syang nabingi at Di nya marinig ang sinasabi ng kausap sa di nya malamang dahilan ay parang nagsslow motion ito sa harapan nya.

Sa isip isip nya "Ang gwapo naman pala ng lalaking to. Ganda ng kutis ah.. Nag gluta ka ba kuya. Makinis ka pa kay Malaya. Ang pula ng lips nya. Parang.....parang....ang sarap humalik.." bumalik sya sa realidad ng marinig nya ang pagkatok ni JAM sa lamesa.

JAM: are you alright? Bakit ka nakatulala?

Echo: ang gwapo ang hot..(medyo pabulong nyang sabi)..ha? Ahh.. Ano?(lilinga linga nyang sabi) ako ba? (Sabay turo sa sarili)

JAM: who else?? Ikaw lang naman ang kausap ko?

Echo: tama tama.. Ako nga lang kausap mo..hehe..

Umupo si Echo sa tabi ng lalaki. At umorder ng isang baso ng wine. Napapikit si Echo hindi dahil sa halimuyak dala ng wine kundi sa bangong nanggagaling sa katawan ng lalaking kaharap.

Echo:( kausap ang sarili) naku po... Napaka bango naman ng lalaking to. Amoy baby. Hmmmmm.. Umayos ka self. Bakit parang bumabalik ka sa pagiging beki. You have to compose yourself. Wag kang marupok sa gwapong katabi mo. Sa tangkad neto baka majombagan ka.. (Sabay dere deretso nyang lagok ng wine.

JAM: (biglang napatingin kay Echo at nagulat sa biglaang pag inom nito ng wine) hey,slowly. (Tska nya hinawakan ang kamay ni Echo para pigilan ito sa paglagok ng alak.)

Echo: (napatigil sya sa pag inom dahil sa mainit na kamay na nakahawak ngayon sa kanyang kamay. Tinitigan nya iyon at tska dahan dahan tumingin kay JAM)

JAM: (napatitig din kay echo at biglang tinanggal ang kamay nya) sorry. I didn't mean to..

Echo: ayos lang tol. (Sa loob loob ay ayaw nya pang ipatanggal ang kamay nito) ano bang pag uusapan natin?

JAM: ( bigla din nyang nilagok ang isang basong brandy) I have to tell you a very important thing. No, I mean i have to confess something.

Echo: (confess? Hala?? May gusto ka ba sakin pogi? Ginagamit mo lang ba si malaya? My ghaaad beki ba type mo? Umayos ka ng sagot mo.) sabi nya sa sarili.

That's My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon