Natasha's POV
Salamat sa saglit
Salamat sa sakit
Akoy di magsisisi kahit di ka na sa akin
Kung bukas man ako ay lilingon
Makikita sa tabi,
Na minsay sandali kang naging
Akin.
Nakapikit lang ako habang nakikinig sa kanya at umiiyak. Pakiramdam ko ito na ang huling gabi naming dalawa.
Pakiramdam ko hindi na kami magkikitang dalawa.
Patuloy pa rin siyang kumakanta habang ako ay patuloy na umiiyak, kay sarap marinig ang kaniyang boses. Kay sarap sa piling ang makasama ang taong mahal mo.
"Magkakaroon kaya tayo ng panghabang-buhay Natasha" di ko na namalayang tapos na pala siyang kumanta.
Pinunasan ko ang aking luha at tumingin sa kaniya ng diretso.
"Oo naman, magkakaroon tayo ng panghabang buhay Louis" seryoso kong saad habang hawak ang kanyang mga kamay.
"Mahal na mahal kita Natasha" sinserong sabi niya sa akin.
"Mahal na mahal rin kita Louis" onti onting lumalapit ang aming mukha hanggang sa magkalapat ang aming mga labi.
-Kinabukasan-
Pagkagising ko ay nakita ko si Sab na tulala at mukhang wala sa sarili. "Oh Sab bakit tulala ka riyan" nagulat pa siyang bumaling sa akin.
"Ah Nat may nahanap na akong puso para sayo" seryosong sabi niya at nagulat pa ako.
"T-talaga? Mabuti naman kung ganun, teka kailangan malaman to ni Louis alam ko magiging masaya siya, nasaan si Louis nakita mo ba?" Tuwang tuwa kong sabi sa kanya pero hindi siiya nakatingin sa akin at mukhang malungkot.
"N-Nat" nagsimula ng tumulo ang kaniyang mga luha ako nama'y naguguluhan.
"Bakit, bakit ka umiiyak? Tara na puntahan natin si Louis" pero hindi siya sumagot at nagpatuloy sa pag-iyak.
"Wala na si Louis Nat" ano raw? Wala? B-baka naman umalis lang? Baka nagpahangin?
"Saan nag punta? Hihintayin ko na lang" nagsimula na akong kinakabahan ngunit isinantabi ko na lang iyon.
"Nat, p-patay na si L-louis" onti onting bumagsak ang aking mga luha kasabay ang panghihina na ang aking mga tuhod hanggang sa tuluyan akong mapaupo sa sahig.
"H-hindi, n-nagbibiro ka l-lang diba?" ngunit hindi siya sumagot at patuloy na umiiyak. "D-diba Sab? Sabihin mo nagbibiro ka lang di ba?" Patuloy akong umiiyak hanggang sa naramdaman kong onti onting bumabagal ang paghinga ko.
"Nat, anong nangyari sayo?" Nag aalalang tanong sa akin ni Sab.
"Hindi pa patay si Louis, sabi niya hindi niya ako iiwan, s-sabi niya sabay k-kaming l-lalaban" patuloy na humahagulgol habang sapo sapo ang aking puso.
BINABASA MO ANG
Ako Sayo Ikaw ay Akin (COMPLETED)
Short Story"Magkakaroon kaya tayo ng panghabang-buhay Natasha?"