Chapter 2
“Bakit pinakawalan ang mga suspect?”nanggagalaiti ako sa galit.
Umuwi lang ako para magpalit ng damit ko, pagbalik ko wala na sila Daryl Wong at Rogue Santorini.
“we can’t detained them here, partner. Alam mo iyan, walang nakasampang kaso sa mga iyon kaya wala tayong habol”paliwanag lang ni Colt.
Naiinis na lumabas ako ng opisina ko para humingi ng permisong mag-imbistiga sa labas. Lalo na sa mga suspect na basta nalang nakaalis.
“One more thing para isang pagalit ka nalang, Trina’s body was cremated already. As her parents reported this afternoon”
Napahinto ako ng dahil sa narinig ko.
“And why do they do that? Hindi ba nila alam na murder ang kinamatay ng anak nila na pwedeng ipa- autopsy ang katawan ng anak nila para malaman kung ano ang ikinamatay niya and maybe we can gather some specimen that can lead us to her killer”frustrated ako, sinong hindi.
“They say, patay na ang anak nila. So their daughter will rest, case close”sabad ng isang antipatiko.
Paglingon ko si Rogue ang nakita Kong nakasandal sa hamba ng pintuan. Nagulat ako, siya ba ang narinig Kong nagsalita. Hindi ba imported ang lalaking ito? Marunong pala siyang magtagalog.
“But can you open some old case detective? Let’s say mga two or three years ago. Same date April 1, three cases just like the case of Trina Millano. Murder but the family didn’t say any about the case and they just litterally dismissed the case”dagdag Pa nito.
Nilingon ko pabalik ang partner ko.
“Anong pinagsasabi ng lalaking ito? And why the hell are you here in my office?”sigaw niya kaya Rogue.
Ngingiti-ngiti na naman itong lumapit sa’kin. Iba talaga ang ngiti nitong imported na ito. Nakakalusaw ng ulirat, takte hindi ako ipokrita okay. Babae din naman ako, may damdamin at may kahinaan ding taglay.
“I’m saying that, this case is a kind of serial killing. And it happen two or three years ago”anito habang papalapit sa kanya.
“I don’t believe you”
“you don’t have to believe me, beautiful. You just need to make this case open. Malamang nabayaran na naman ang pamilya ng biktima”pangungumbinsi nito.
Pinaningkitan ko siya ng paningin.
“Or should you say, nabayaran mo ang pamilya ng biktima. Hindi ibig sabihin na nakalaya ka ngayon hindi ka na itinuturing na suspect. Mr. Santorini ipapaalala ko lang sayo, isa ka sa mga pinaghihinalaan ngayon na killer ni Miss Millano. Kaya maghinay hinay ka ng mga salitang—“
Kumumpas ito na para bang nagtataboy ng langaw.
“kung guilty ako, malamang nagtatago na ako. But look at me beautiful I’m here in front of you and telling you what you should do”pagyayabang nito.
“Ang presko mo, ahh”angas din naman ng kasama ko.
Napailing nalang ako kasi nagsimula na silang magpayabangan.
“Ilang babae na ba ang nabaliw sayo ha?”dyosko, bakit ba ako napapalibutan ng mga baliw.
“Ahh wag ka ng magtanong, kasi hindi mo kayang bilangin. I don’t even think that you actually know how to count”sagot naman ng isa.
Hindi ko kaya ang kahanginan ng dalawang baliw na ito. Nagderetso nalang ako palabas ng sarili Kong opisina at iniwanan ang mga baliw na nagtatalo doon.Pero habang naglalakad ako palayo sa mga gagong nagtatalo Pa din bigla naisip ko ang mga sinabi ng baliw na Rogue na iyon.
He had a point, kung guilty siya malamang nag-alsabalutan na ang lalaking iyon at hindi na nagpakita sakin.