Five

1.4K 54 15
                                    

PARA akong naiipit sa nag-uumpugan na dalawang malaking bato. Literal na iyon ang nararamdaman ko ng mga oras na ito.

Nasa backseat ako ng sasakyan ni Rogue samantalang si Rogue ang driver at nasa passenger seat naman si Colt. Kung may makikita lang ako na parang kidlat habang nagtitinginan si Colt at Rogue malamang nakuryente na ako dito.

"Paki-explain partner bakit kasama natin ang mayabang na ito?"baling sakin ni Colt.

Nakabuka na ang bibig ko para sagutin siya ng agawin ni Rogue ang atensiyon ni Colt.

"Excuse me, hindi ako mayabang. I just stating a fact, and to answer you dick head. I'm with my baby where ever she will go, to make safe and protect her from a parasite like you"

Nagpigil akong magtawa sa sinabi ni Rogue, bakit ang conyo ng dating sakin ng mga sinabi niya.

"Partner, totoong pinatulan mo ang pangit na ito?"muling baling sakin ni Colt na mukhang hindik na hindik naman ngayon habang nakatitig sakin.

Basta nalang inihinto ni Rogue ang sasakyan, then the next thing i know nakababa na ang dalawa at nahila na palayo ni Rogue si Colt ang bilis ng kilos ni Rogue na nakabalik ng sasakyan sabay paandar ng mabilis.

"Hey! Why did you do that?"gulat kong tanong sa kanya ng medyo nakabawi ako sa pagkabigla ko.

Nakita sa rear mirror na nakasimangot si Rogue habang nakakunot noo na din siya.

"He call me pangit? Do i look pangit to you baby—"

"—Isa mo pang baby diyan bibigwasan kita."banta ko naman.

Mas lalong nalukot ang mukha ni Rogue habang nagmamaneho siya. Tapos bigla na naman siyang huminto.

"Can you move here, nagmumukha akong driver. I'm your boyfriend—"

"Hoy ikaw, tigilan mo ako sa ganyan ganyan mo. Sinong nagbigay sayo ng pahintulot na tawagin ang sariling mong boyfriend kita."tapos naalala ko Pa ang panghahalik niya kaninang umaga.

Putik, first kiss ko iyon tapos sa impakto lang na ito mangyayari ang pinakahihintay Kong first kiss.

"I'm your boyfriend remember, I told you I like you. So I'm now your boyfriend"

Binatukan ko nga bago ako bumaba ng sasakyan. Ang feeling ng tarantado, akala mo pogi eh Greek god nga pala ang itsura niya.

Ayoko na sana sumakay sa sasakyan niya kaso wala akong choice kundi ang makisakay dahil iyong sasakyan ko nasa restaurant Pa na kinainan namin kagabi.

"Dalin mo ako doon sa restaurant kung saan tayo nakita kagabi-"

"You want another date. Okay baby kahit maaga Pa I'll date you today"

Ayoko ng makipagtalo, naiinis na ako sa impaktong ito. Nauubos ang energy ko habang tumatagal na nagkikipagtalo ako.

Hanggang sa makarating kami sa restaurant hindi ko siya kinibo. Kahit na ang daldal niya sobra. Kung ano-ano ang mga sinasabi niya na hindi ko na maintindihan. Kalalaking tao ang daldal sobra, daig Pa ang babae.

Nakita ko agad ang sasakyan ko, kaya ng makahinto na si Rogue bumaba ba ako agad.

"Hey! Baby anong ginagawa mo dyan?"saway sakin ni Rogue.

Pinakita ko sa kanya ang susi ng sasakyan ko sabay dila sa kanya at pasok sa loob ng sasakyan. Kinakatok Pa niya ang bintana ko pero hindi ko siya pinagbuksan.

Nastart ko na ang sasakyan ko ng mahagip ng mata ko si Daryl Wong na papasok ng loob ng restaurant. Wala naman sanang kapansin-pansin sa kilos niya. Kakain lang naman ito sa loob.

Prank Gone Wrong (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon