KABANATA 2

19 4 0
                                    

Dedicated to TipOfpen
Enjoy reading!♥️

°°°

Folk's POV

"Waiter!" Tawag sa kaniya ng isang babaeng customer na nakaupo hindi kalayuan sa kaniya.

Kaagad naman siyang tumalima papunta doon hawak ang tray at menu.

"Yes? Can I take your orders,Miss?" Magalang na tanong ko sa kaniya.

"Ahm...waitt." Pambibitin nito sabay baling sa menu na nakalapag sa mesa nito.

Habang hindi pa ito nakakapili ay binigyan niya muna ng pansin ang itsura nito.May kulay puti itong scarf sa nakalugay nitong buhok.Nakasuot din ito ng kulay berdeng off shoulder at faded  jeans.Hindi din nakaiwas sa paningin niya ang dalawang libro na katabi lang ng shoulder bag nito.

Ah Bibliophile

"Chicken tinola na lang,unlimited rice at saka isang basong tubig.Thank you!" Nakangiting sagot nito sa akin.

Inilista ko ang mga inorder niya sa maliit kong notebook na kanina ay nakalagay sa bulsa ng pantalon ko.

"Right away,Miss!" Sabi ko at iniwan na siya doon at nagtungo sa kusina ng resto kung saan naabutan niya sina Mika,Yhenna,at Jefril na busy sa pagluluto.Sila kasi ang kitchen chefs.

Hinubad ko ang apron na suot at ipinatong ito sa pinakamalapit na mesa.Napalingon ako kay Sir Ashton,ang assistant manager nila,nang tumikhim ito sa likuran ko.Kaagad naman akong umayos ng tayo at magalang na yumukod sa kaniya bago ibinigay rito ang listahan ng mga inorder.

Napabuntong hininga ako nang umalis na ito at naglakad patungo sa mga nagluluto.

"Nakakagulat talaga 'yong lalaking 'yon." Bulong ko sa sarili.

Tahimik na tao ang assistant manager nila.Kung magsalita man ito ay hindi masyadong mahaba.Nagtitipid yata ito ng laway.

Tiningnan niya ang bagong relong pambisig na binili niya noong nakaraang araw. Alas otso na pala.
Oras na para umuwi na kami.

"Tapos na kaya 'yong tukmol na 'yon?" Tukoy niya kay Jomar.

Naglakad siya patungo sa banyo para umihi.Matapos umihi ay pinuntahan niya ang kaibigan na kasalukuyan pang nanghuhugas ng mga pinggan kasama si Jannisa.Parehong dishwasher ang dalawa.

" 'Di pa kayo tapos dyan?" Tanong ko sa kanila habang nakahalukipkip.

Sabay silang napalingon.

" 'Di ba obvious,bro?" Pamimilosopo ni Jomar.

Sarap talagang sapakin ng tukmol na 'to.

" Bilisan niyo dyan para makauwi na tayo." Sabi ko na lang.

" Walang tayo,bro." Sagot naman ng kaibigan niya.

Aba't ang tukmol na 'to,gusto atang talagang masapak

Walang emosyon siyang ngumiti.

"Joke lang 'yon bro! Sorry na."

Narinig nilang napahagikhik si Jannisa.

"Bilisan mo na nga lang dyan kundi mauuna na akong umuwi sayo."

"Oo na! Ito na,bibilisan na."

Working students kaming dalawa ni Jomar dito sa La Rosas Restaurant. Mahigit tatlong buwan na din kaming nagtratrabaho dito tuwing alas sais hanggang alas otso ng gabi.Dito kami nag-apply dahil bukod sa malaki ang sweldo ay malapit lang din ito sa IU na mas kilalang Itlog University.

Oo,sobrang nakakatawa ang pangalan ng paaralan na pinapasukan namin.Wala din kaming kaalam-alam kung paano at bakit gano'n ang pangalan nito.Mahilig ata sa itlog 'yong nagpatayo sa paaralan namin.

Parehong fourth year student kami ni Jomar.Graduating na.Negosyo ang kinuha kong kurso at edukasyon naman ang kinuhang kurso ni Jomar.
Pareho din kaming maagang naulila sa magulang.Nag-iisang anak din kami.Nagkakilala kami ni Jomar noong high school pa lamang kami at ngayon na nasa bente at bente uno na ang edad namin.Mag-aanim na taon na din kaming nagsasama sa iisang bubong sa inuupahan naming bahay dito sa Manila.

"Arat na!"

Nagulat ako ng bigla na lang umakbay sa akin si Jomar.Binalingan ko siya at nakitang nakapagpalit na ito ng damit.Nakangiting aso pa ang tukmol sa'kin.

Matapos makapagpaalam ay lumabas na kami doon at naglakad palabas sa resto.Nahagip ng paningin niya ang babaeng customer kanina na ngayon ay may kausap ng  babaeng may kulay berdeng buhok na nakalugay at may tattoo na butterfly sa braso.

"Sino tinitingnan mo?" Bulong sa kaniya ni Jomar.

"Wala naman." Sabi ko na lang at nauna ng lumabas sa resto.

°°°

A/N: Sorry kung ngayon lang nakapag-update.
Hope you'll understand! ♥️

Folk Yu ( F Boys Series #2 )Where stories live. Discover now