KABANATA 4

9 4 2
                                    


Dedicated to AnicaBamWrites
Enjoy reading!♥️

°°°

Folk's POV

"Bro." Tawag sa'kin ni Jomar.

Binalingan ko siya sa tabi ko.
Nakaupo kasi kaming dalawa sa sementadong upuan malapit sa canteen.Alas tres na ng hapon.Parehong ng bakante ang klase namin dahil na rin sa urgent meeting ng mga guro.

"Bakit?"

"May sasabihin ako baka kasi hindi mo pa alam." Sabi pa nito.

"Ano ba 'yon?" Tanong ko sa kaniya kapagkuwan ay sumipsip sa Minute maid ko na apple flavor.

" Ayon kay Sir Ashton,bibisita daw ang General Manager natin sa resto mamayang gabi! Excited na ako bro!" Puno ng excitement ang boses nito.

"Bakit ka naman naeexcite dyan?"

"Ah basta bro,mamaya sigurado akong magugulat ka at the same time matutuwa ka kapag nakilala mo na ang amo natin." Nakangiting aso na sabi ni Jomar sa'kin.

Kumunot ang noo ko sa kaniya.

Anong pinagsasabi ng tukmol na 'to?

"Paano mo naman nasabi 'yan? Kilala mo na ba ang amo natin? Sa pagkakaalam ko, hindi pa naman natin nakikilala o nakikita ang may-ari ng resto." Sabi ko at tinaasan siya ng kilay.

"Ang outdated mo talaga bro.Basta mamaya makikilala mo din siya." Tinapik niya ako sa balikat bago inubos ang kaniyang banana que.

Ilang minuto din ang pinalipas namin do'n bago napagpasyahan umuwi na.

Pagkarating sa inuupahan naming bahay ay sumalubong sa amin ang nakangiting si Aling Lagring.

"Ay mga hijo,buti at nakauwi na kayo.Kumusta ang eskwela?" Masayang tanong nito sa amin.

Lumapit kami sa kaniya at nagmano.

"Okay naman po,Aling Lagring." Si Jomar ang sumagot.

"Ay mabuti naman kung gano'n." Sabi ni Aling Lagring at binigyan kami ng matamis na ngiti sa labi.

Matandang dalaga si Aling Lagring.Ibig sabihin wala itong naging asawa at anak.Wala din itong ibang kamag-anak dito sa Manila.Bukod sa amin ay wala na itong kasama sa buhay.

Nagpapasalamat kami sa kaniya dahil pinaupa niya kami sa isa niyang bahay.Dalawa kasi ang bahay nito.Parehong simple pero maliit lang ang espasyo.Ang bahay na inuupahan namin ay nasa likuran lang ng bahay nito na halos magkadugtong na.

"Nga pala Aling Lagring,magkano na po ang babayaran namin sa upa? Balak sana naming bayaran sa nalalapit na Sabado." Sabi ko.
Sa nalalapit na Sabado na kasi ang sahod namin.

"Ay ano ba kayo mga hijo? Huwag niyo munang isipin 'yan saka na kapag nagsweldo na kayo.Ayos lang sa'kin.Ang mabuti pa pumasok na tayo para makapagpalit kayo ng damit at makapaghapunan na.Nagluto pa naman ako ng Lumpiang Shanghai,alam kong paborito niyo 'yon." Nakaplastar sa mukha ni Aling Lagring ang kasiyahan habang sinasabi iyon.

"Pasok na po tayo!" Aya ni Jomar at sabay-sabay na kaming naglakad papasok sa bahay ni Aling Lagring.
Inalalayan pa namin si Aling Lagring dahil medyo may katandaan na nga at mahina na itong maglakad.

Matapos ang masayang salo-salo ay naghanda na kami ni Jomar para pumasok sa part-time job namin.

°°°

Sorry ulit kung ngayon lang nagkaupdate! Hope this chapter makes you smile!♥️😊

Folk Yu ( F Boys Series #2 )Where stories live. Discover now