Nung panahong wala pang katana may nagngangalang Katana Castro. Is batang pinanganak sa gyera, lumaking walang magulang sapagkat namatay sa pakikipagdigma at tanging ang pinakamamahal na lolo na lamang niya ang kanyang kasama.
Lumaki siyang tutul sa pamamahala ni Haring Relukas na ayaw sa mga taong walang yaman. Ito ang pinagsimulan ng napakamahabang gyera sa kanilang kaharian.
Ang gyera ay tumagal ng 18 taon at si Katana ay 18 taon na rin. Nagsawa si Haring Relukas sa napakatagal na gyera kaya ginusto niyang magpulong.
Ang lolo ni Katana na si Lolo Atopas Castro ang representante ng mga mamamayan ngunit ang pagpupulong ay hindi naging maganda, namatay si Lolo Atopas dahil sa matinding galit ni Haring Relukas dahil sa hiling nito na maging pantay ang pananaw ng hari sa mga mamamayan na marangya o walang yaman man.
Sa tindi ng galit ni Katana ay ipinangako niyang papatayin ang hari gamit ang kanyang sariling gawa na sandata.
Makalipas ang apat na taon, ang gyera ay patuloy parin at dumating nga ang prinsipe, si Prinsipe Floresio ang nag-iisang anak ni Haring Relukas.
Habang mag-isang naglalakad sa bayan ay may nakabangga ang prinsipe na isang babaeng naka pula ang sarong at humingi ito ng paumanhin na sinabayan narin nangpakikipagkilala.
"Magandang umaga Ginoo, pasensya ka na at nabungo ko kayo. Ako nga pala si Katana."
" Akoy maayos lamang." Hindi makagalaw ang prinsipe ng tiningnan niya ang dalaga dahil sa taglay na kagandahan ng dalaga.
"Ako nga pala si Ginoong Hesio, Binibini." Hindi pwedeng ipakilala ni Prinsipe Floresio ang kanyang tunay na pangalan sapagkat kaaway ng mga mamamayan ang kanyang ama.
Dumaan ang panahon at si Prinsipe Floresio at si Katana ay palagi nang nagkikita. Napalapit na sila sa isa't-isa at nakuwento ni Katana ang kanyang gawang sandata.
"Ano yang hawak mo?" keryusong tanong ng prinsipe kay Katana.
Ipinakita ni Katana ang mataas pero makurbang espada. " Ito ay sandata na ginawa ko."
"Para saan?" nantiling keryuso ang prinsipe.
Tiningnan ni Katana ang prinsipe sa mata at tumulo ang luha niya. " Para sa taong pumatay sa napakamamahal ko na lolo."
Naramdaman ng prinsipe na nasasaktan si Katana dahil sa sinabi nito kaya hindi na niya ipinagpatuloy pa ang pagtatanong.
Ramdam din ng prinsipe ang pagkamuhi ni Katana sa taong pumatay sa lolo nito at pinangako sa sarili na tutulungan niya si Katana sa paghihiganti nito.
Lumipas ang panahon nagkalapit ang kanilang damdamin ni Katana at naging sila nga. Pero sa hindi malaman na dahilan ay nalaman ni Katana na si Ginoong Hesio ay si Prinsipe Floresio pala ang anak ng taong nagpatay sa kaniyang natatanging pamilya.
Galit ay nangibabaw sa damdamin ni Katana at dahil dito ay ginamit niya si Prinsipe Floresio upang mapalapit kang Haring Relukas.
Sa tindi ng pagmamahal ni Prinsipe Floresio kay Katana ay pinapasok niya ito sa palasyo. Balak ipakilala ni Prinsipe Floresio ang kanyang kasintahan sa kanyang ama.
Matinding galit ang naramdaman ni Katana nang nakita niya ang hari na pumatay sa kanyang lolo at sa tindi nito ay hindi niya napigilan na suguron agad ito dala ang kanyang sandata.
Nagulat ang hari at si Prinsipe Floresio sa biglang pagsugod ni Katana ngunit sa bigla ng pagkagulat ng hari ay nakuha pa nitong kumuha ng espada sa kawala na nasa tabi niya at sinaksak ito kay Katana.
Hindi na saksak ni Katana ang kanyang sandata sa hari dahil sa mabilis na galaw nito at siya ang nasaksak.
Hindi makapaniwala si Prinsipe Floresio sa nakita, ang kanyang napakamamahal na kasintahan ay sinugod ang kanyang ama pero ang higit na nakapagpagulat sa prinsipe ay ang hawak ni Katana na sandata.
Alam niya ang dahilan kung bakit iyon ginawa ni Katana. Kilala niya rin ang kanyang ama na mamamatay tao.
Kaya sa kagustohan niyang matigil na ang kasuklaman ng kanyang ama at sa tindi ng pagmamahal ni Prinsipe Floresio kay Katana ay kinuha niya ang sandata ni Katana at sinaksak ito sa puso ng kanyang ama.
Dahil sa matinding galit dahilan ng pagkamatay ng kanya napakamamahal na kasintahan ay kanya pang tinulak ang sandata sa dibdib.
Sa ginawa ng Prinsipe ay doon din nagtatapos ang 22 taon na gyera sa kanilang kaharian. Matinding kasiyahan ang natamo ng mga mamamayan dahilan para e boto nila ang prinsipe upang maging hari.
Sa kabila ng kasiyahan ng mga mamamayan ay nagluluksa naman ang prinsipe dahil sa pagkawala ng kanyang mahal na si Katana dahil sa kanyang pagluluksa ay pinangalanan niya Katana ang sandata na ginawa ni Katana.
Doon nanghaling ang sandata na Katana.
end~
~~x
YOU ARE READING
[S.W. (19-1)] Ang Alamat Ng Katana
AléatoireSchool Work 2019 Entry # 1 Alamat I wrote this for a project and decide to share it all to you. I creat this short story around 2019 when I was still in grade 9 for my filipino project, Hope you all love it 💕 ~~x