Is this the start?

13 0 1
                                    


Naggayak na ako papunta sa school.Naligo ulit ako para fresh.Nag text si Pat na daanan ko na lang daw sya sa bahay nila para sabay na kaming pumasok.

"Hija,pagpasensyahan mo na si Patricia at makupad kung kumilos". nakangiting pagsalubong sa akin ni Tita Marticia.

"Okay lang po, sanay na po ako sa kanya". sabi ko naman habang papasok sa loob ng gate.

"Anong mas bagay ba, nakapony or nakalaglag lang?" tanong ni Pat habang inaayos nya ang buhok nya sa harap ng salamin.

"Anong full name nung Simon? yung nag back up dancer kahapon". pag iiba ko ng usapan.

"Ahh yun ba, Jules Simon Velasquez bakit?" sagot naman ni Pat habang nag popony ng  hair nya.

"Ah wala naman".  tipid kong sagot.


*Flashback*

A-ah eh? Anong ginagawa nya dito?


Hindi pa sana ako tutuloy sa counter ng tawagin ako ni Kuya Paul. Isa sya sa mga tauhan dito.

"Lei bagong string na naman? Naputol ulit?". natatawang sabi nya sa akin.Nakuha naman nun ang antensyon ni Simon. "Halika, bayaran mo na yan sa counter". hinawakan ni Kuya Paul ang kamay ko at ginawi ako sa counter. Katabi ko na si Simon ngayon.

"Hi Lei, nice to meet you again". nilahad nya ang kamay nya na para bang nag-aalok ng pakikipag kaibigan  na hindi mo matatanggihan dahil sa maamo nyang mukha. "Im Jules Simon ikaw yung nabangga ko kahapon right? Hindi ako nakapag paumanhin ng maayos dahil nagmamadali ako but by the way im really sorry, hindi ko sinasadya yun". pagpapaliwanag nya at tinanggap ko na rin ang kamay nya.

"Im Rhoane Lei, okay lang yun Jules Simon". maikling sabi ko naman at may kung anong kaba akong nararamdaman habang kausap sya.di ko mapaliwanag basta ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Jules na lang". sabi naman nya at kinuha na ang binili nya. "I need to go". at umalis na sya.

*End of Flashback*



Naglalakad na kami ni Pat patungo sa school.Mainit na ang panahon at wala pa kaming dala na payong.Nakakapaso sa balat ang mainit na sikat ng araw.Tinignan ko naman ang sintas ng sapatos ko dahil natanggal ito kaso tinatamad pa akong ayusin kaya mamaya na lang sa room.



"Goodafternoon". bati samin ng security guard." Yung sintas mo baka matisod ka". sita naman sa akin ng sekyu.



"Hoy Rhoane mauna na muna ako isintas mo na yan baka mamaya madisgrasya kapa dyan e". sabi naman ni Pat at nagtungo na sa classroom nya.



Sabi ko nga isisintas na hays.Pinatong ko ang paa ko sa gilid ng semento para mas madali ko itong maisintas.
Inalis ko na sa pagkakapatong ang paa ko ng bigla akong ma out of balance.





WAHHHHHHH!






Napapikit agad ako sa takot na baka sa kung saan ako bumagsak.





eh?




naidilat ko ang mata ko dahil






ma- mmay s-sumalo sakin.


Not so fastWhere stories live. Discover now