Catch Me!

12 0 0
                                        


"Okay ka lang?"

Inayos ko agad ang sarili.

"Buti naman nasalo mo ako akala ko mababagok na ako dyan". sabi ko habang nakaturo sa sahig. sa tigas nyan baka mag ka amnesia pa ako huhu.

"Mag ingat ka kasi!" pasigaw nyang sabi.

"Oo na!papasok na ako sa room ko bye!!". pasigaw ko din na sagot sa kanya. tss akala mo ikaw lang ha

Nasa room na ako at inayos ang attendance.Sa akin kasi binilin ni Ma'am ang attendance namin. Agad kong naalala ang muntikan ko ng pagbagsak sa sahig.Paano kapag nabagok ako at makalimutan kong mag check ng attendance? Haynako buti na lang nasalo ako ni Pat.

Nagsimula na ang klase at ganun parin ang takbo nun.May mga students na nag iikot para humanap ng mga may intersado sa sports and etc.Pinag iisipan ko kung sasali ba ako sa sports or sa spa (special program in arts) na lang.Marunong akong tumugtog ng gitara at marunong din na kumanta pwede rin sa pagguhit dahil may talent din ako sa bagay na yun.Wala pa akong masyadong experience sa pagsali sa patimpalak kaya pinag iisipan ko kung eto na ba ang tamang panahon upang maka experience ng ganito.So grab the chance na lang.Tatanungin ko muna si Mama kung papayagan nya ako sa pagsali ko.

Agad akong napabuntong hininga narealize ko na may mga bagay ako na kayang gawin pero hindi ako magaling sa bagay na yun.Yung bagay na gustong gusto mo talaga, na magaling ka sa bagay na yun at pwede mong ipagmalaki sa lahat.Marunong ako tumugtog pero hindi magaling,gumuguhit ako pero hindi kasing ganda katulad ng sa iba, kumakanta ako pero hindi ko kayang umabot ng matatas na nota.Gusto ko rin magkaroon ng isang talento na maari kong ipagmalaki sa iba. Pero habang iniisip ko ito ay naalala ko ang sinabi ni Mama na kapag may bagay na gusto kong gawin ay gawin ko yun para sa sarili ko huwag kong ipagkumpara ang sarili ko sa iba dahil mas lalo lang akong makakaramdam ng pagkababa.

-Music Class-

Nakatayo ako sa harap ng pinto habang tinitignan ang tarpaulin sa harapan nito. "Musika ay ating Pagyamanin". nagdadalawang isip parin ako kung sasali ba ako o hindi. natatakot ako at kinakabahan. Alam mo yung feeling na parang pag sumali ka dun eh hindi ka makasabay sa iba at mag mukha kang tanga? Pero eto ang bagay na gusto ko kaya susubukan ko. Hinawakan ko ang doorknob at nagulat ako ng biglang bumukas ito kahit hindi ko pa pinipihit. Agad namang inilabas nun si Jules Simon.

"Lei".nakangiting bati nya at may halong gulat sa mukha."Sasali ka?". tanong naman nya.

"A-ah oo pero magpapaalam pa ako kay Mama bago sumali".nahihiyang sabi ko naman. Nahagip ng mata ko ang loob ng room.Maganda sa loob nito may mga designs na mga nota ang pader na kulay puti ay may mga gitara sa gilid.

"Bro, maghahanap na daw". sabi naman ng lalaking gumawi sa pinto. kasabay nun ang pagtulak nya sa pinto na naging dahilan upang makita ko ang mukha nya. Matangkad sya at moreno may mapulang labi at naka salamin sya. Mukhang nerd na pogi.

"Hi Miss, interesado ka dito?". agad naman nyang hinawakan ang wrist ko at dinala ako papasok sa loob ng room. "Guys may bago tayo".buong galak na pahayag nya sa mga kasama. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 22, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Not so fastWhere stories live. Discover now