Prologue

1 0 0
                                    

Prologue: CCTV

Papunta kami ni Chel sa library. Dahil exam na next week ay panay aral kami. Wala rin naman kaming ginagawa. It's a prank! May dalawa pa kaming project.

"Sab, kanina pa may tumatawag sa'yo." si Chel.

Tinignan ko ang cellphone ko. Unknown Number. Lagi nalang itong tumatawag. Ilang beses ko nang sinagot ang tawag nya, pero wala namang sumasagot. Ang tanging naririnig ko lang ay kaluskos o tunog kapag tumatakbo.

"Sasagutin mo ba? Sino ba kasi 'yan? Oy, ikaw ha. May tinatago ka na sa akin." humarang sya sa dinadaanan ko at habang ang dalawa nyang kamay ay nasa magkabilang bewang nya. "Ano kaba, Sab. Childhood Friend mo ako. Dapat walang taguan ng sekreto!" lumapit sya sa akin. Hinawakan nya ang dalawa kong kamay. "Well, maliban lang kung 'yong sekreto mo ay bawal talaga sabihin. Maiintindihan ko naman."

Binitawan nya ang kamay ko at nginuso ang cellphone kong naka dalawang ring na ngayon. "Go! Sagutin mo. Baka may sumagot na." nginitian ako ni Chel.

Sinagot ko ang tawag. "Hello? Sino po ba ito? Magpaki—"

"FR10L5"

"Huh?" pati si Chel ay nag tataka na rin.

"Anong sinabi mo?" inulit nya ang sinabi nya kanina at pinatay na ang tawag. Tatawagan ko sana sya ulit kaso naka off na.

"Anong sabi nya? Gwapo boses? Yummy ba?" kinotongan ko sya. Napa 'aray' sya. Nalakasan ko ata.

"Ang sabi nya...ano nga ulit 'yon? FR...FR—Hindi ko maalala!" napasimagot si Chel.

"Idiot." sinamaan ko sya ng tingin.

"Hindi tayo aalis dito, sge ka."

"Sge."

"Ano na? Baka gusto mong bilisan. Nananakit na mata ko, gusto na mag-review.".

Pilit kong inaalala lahat. Bakit ba kasi ang malilimutin ko sa maliliit na bagay.

FR...may number 'yon, e. FR10L5? Inalala ko 'yong usapan namin kanina. FR10L5. Tama! FR10L5.

"FR10L5." nilingon ako ni Chel na may ka text. Tignan mo 'to sya nagsasabi na bawal sekreto pero sya itong may sekreto. Impostor!

"FR10L5? Ano 'yon? Code?" tumango-tango ako.

"Halatado namang code."

Sinulat ni Chel sa maliit nyang notebook ang sinabi ko kanina. Hindi ko alam sa babaeng ito kung bakit lagi syang may dalang maliit na notebook. Paiba-iba pa ang kulay araw-araw. Kahapon pink ngayon maroon.

"Hindi ko ma gets!" si Chel.

Tinignan ko ang code na nakasulat sa notebook nya. "Ako rin."

FR10L5.

"Magtanong kaya tayo? Para malaman na natin kung anong meaning nito. Saka para hindi na tayo—"

"Hindi natin alam kung anong gustong ipakita sa atin nong tumawag. Malay mo, kung ano-ano pala 'yan. Edi napahamak pa tayo."

Tinignan ko ng mabuti ang code. "Para sayo, ano ang F at R kapag code ang pinag uusapan?"

"Fried Rice."

Walang kwenta 'tong kasama ko. Bwiset.

"Minsan kasi kapag ganyang usapan. Direksyon ang pinupunto nya. Gano'n napapanood ko at nababasa ko, e. Subukan nalang natin."

"So, ang F at R ay?" nagkibit balikat sya.

"F? Front? Edi deretso ang lakad natin. Tapos ang R ay Right? Kakanan tayo? Oo, tama 'yon!"

Tinignan ko ulit ang code. FR10L5.

"Front. Right...10? Left. 5? Para saan ang mga numbers?"

Sana may tumulomg sa amin. Ang hirap naman nito! Mas mahirap pa ito sa exam namin, e. Being a Nurse is what I want not to predict codes.

"Gets ko na! Hakbang!"

Woah. Kakanood ni Chel ng mga anime at movies natututo sya maging codes predictor.

Nagumpisa na akong humakbang. Sinunod ko ang nakasulat sa notebook. Kinuha ko mula kay Chel.

Binagal ko lang ang hakbang ko para hindi ako malito. Direstso lang ang mabagal kong lakad. Hinatak ako ni Chel papuntang kanan. "Sa R na tayo. Ilan nga ulit hakbang na gagawin natin?" tinignan ko ang naka sulat sa notebook. "Sampu." tumango sya at nauna nang humakbang. Sinusundan ko lang sya habang parang bata sya kung humakbang. Todong todo ang pagtaas ng paa nya. Kala mo batang aakyat sa bundok para mag camping, e.

"Pagkatapos natin humakbang ay liliko tayo sa kaliwa. Tapos limang hakbang, right?" Kahit na medyo naguluhan ako ay tumango nalang ako. Dahil sa sagot ko ay napailing si Chel.

Sa kaliwa namin ay hagdan. Inakyat namin ang unang palapag ng hagdan. Tapos hinarap namin ang kaliwa namin at humakbang ng lima. Nahihiya pa ako dahil nakatutok na sa amin ang CCTV. Sa mga oras na ito ay ang crush ko ang nagbahantay ngayon. Muka kaming tanga!!!

Nang naka-hakbang na kami ng lima ay napunta kami sa harap ng lamesa. Tinignan ko ang paligid. Nasa pwesto kami ng mga Girlscout! Kakatapos lang ng meeting nila kanina kaya walang tao ngayon dito. At ang lamesa na nasa harap namin ay ang lamesa na— oh, no. NO! Cringe!

"Sab, look! May rosas dito, oh!" Kinuha ni Chel ang rosas sa may drawer ng lamesa. Kinuha ko iyon kay Chel. Hinawakan ko ang mga petals nito. Tunay sya at hindi plastik. Sana all.

"Edi ayan iyong gustong ibigay sa'yo ng caller mong kalbo? Sana all."

Tinignan ko ang CCTV. Nakatingin na iyon sa amin. Damn! Mapagkakamalan pa ata kaming magnanakaw dito! Dali-dali kong kinuha ang pulsuan ni Chel at hinatak sya pababa. Nakakahiya!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 18, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon