CHAPTER 8

0 0 0
                                    

Psalm's P.O.V

Hi po! I'm Psalm,read as sam. I'm 18 yrs. Young, kaklase at tropa ko sina Ian,Vincent, and Stephen. Isama nadin natin si Ethan,tropa ko din pero di kami classmate.

Simple lang ang estado ng buhay namin. Nagtratrabaho si dad sa isang kompanya. Tapos si mama namn nagtratrabaho siya as a waitress sa isang restu ng tita ko

Nagtataka ba kayo kung bakit ako na simple lang ay fiance ang isang katulad ni Denise Villuaneva?
Ganito kasi yun. Uwian na nun sa school, wala namn akong kotse so naglalakad lang ako pauwi ng bahay

Sa di kalayuan,may babaeng sumisigaw at humihingi ng tulong,agad agad akong nagpunta sa pinanggalingan ng boses at doon ko natagpuan si Mrs. Villuaneva, pilit binabawi ang bag niya sa lalaking kumuha nito

Kaya ayun tinulungan ko siyang makuha ang bag niya. Di namn kami nabigo,agad din akong tumawag ng police para mahuli yung holdnapper

Nag daan pa ang mga araw lagi ko na lang nakikita si Mrs. Villuaneva,hanggang hiningi niya sa akin na ipakilala ko daw siya sa parents ko dalang pagpapasalamat na din daw

Naging mabuting magkaibigan ang mama ko at si Mrs. Villuaneva, binigyan pa nga niya ito ng trabaho sa kompanya niya pero si mama ang ayaw. Kontento na daw siya sa pagiging waitress

Hindi ko alam kong anong nakain nilang dalawa at pilit nila kaming pinagkasundo ni Denise! May topak siguro yung dalawa🤣 ngayon ay may sarili pa kaming bahay!

Wala din namn kaming nagawa

Pero inaamin ko may gusto ako kay Denise na di ko maipaliwanag. Para bang sa lahat ng babae sa Mundo sa kanya ko lang yun nakita.

Aist! Nababaliw na siguro ako
.
.
.
.
Ngayon ay kasama ko si ano na nga bang pangalan nito? Mmm. Stacy ba? Stacy na nga cguro. Yun na nga inihatid na namin ang mga kaibigan niya. When it's Denise, Stacy and I na ang naiwan sa kotse. Si Stacy na ang nag drive. Tutal namn siya ang may pinakamalayo na bahay, siya din namn ang may ari ng sasakyan

"Thanks for the ride,mauna na kami!" Pasasalamat ko kay Stacy,habang inaalalayan si Denise bumaba sa kotse

"Always thank you!" Masayang sabi sakin ni Stacy

Isasara ko na sana ang kotse ng makitang nakatitig lang sakin si Stacy

"Hmm?" Baka kasi may gusto siyang itanong eh! Di ko pa namn nalilinaw sa kanya ang sa amin ni Denise

"Ah-eh..fiance ka ba talaga ni Denise?..I mean,parang malabo kasi, I know so much about her,kaya nagtataka lang ako kung bakit...ganito" pahina ng pahina ang boses niya siguro di niya rin alam ang mga sinasabi niya

"Ah..Yes? I just know it yesterday" Pati ako di ko rin alam kung pano sasabihin. Ang mahalaga alam na niya na Fiance ko si Denise then later on ipapakilala ko na din siya sa tropa

After a short conversation tuluyan ko ng isinara ang kotse. Inaalalayan ko si Denise papasok sa gate at papasok ng bahay. Tulog na pero naglalakad pa?
Kahit amoy alak at magulo ang buhok hindi ko maitatangging maganda parin siya, though may pagka lalaki siya kung umasta I still admire her. Turn off lang sakin yung mga cutting classes niya and ofcourse yung bad altitude niya but still I like her.

Kinuha ko ang susi ng kwarto sa bulsa ng jeans ko. Pagkabukas na pagkabukas ng pintuan inakay ko kaagad si Denise sa kama. Lasing na lasing na talaga

Napabuntong hininga na lang ako ng maisip na kailangan palang palitan ang damit niya. Di ko na kailangan pang mag remove ng make-up kasi wala namn siyang make-up,I think hindi siya mahilig roon, I also admire her for that, stay beautiful in simple way

Yumuko ako habang ang isang tuhod ay naka tukod sa tiles at ang isa ay naka bend. Dahan dahan kung inalis ang rubber shoes sa paa niya pati na rin ang black niyang mga  medyas. Pagkatapos kumuha ako ng maligamgam na tubig sa may kitchen,kumuha na rin ako ng towel sa may banyo at tubig  sa ref incase when she's wake up and to make her sober up

Pinunasan ko ang muka, leeg, at kamay niya. Wala akong planong punasan ang katawan niya. Hindi ko din namn mapupunasan ang mga binti at paa niya dahil sa kadahilanang naka jeans din siya. Aalis na sana ako ng marinig siyang dahan dahang bumangon sa kama

"Hey! You ok?" Tanong ko sa kanya habang lumalapit  sa may kama

Lumingon siya sa kin nagtataka ang mga mata. Yeah right! Hindi pa pala niya alam na dito na kami titira simula ngayong gabi. Tuluyan na akong nakalapit sa kanya uupo na sana ako sa kama ng umiwas siya ng tingin at umusog papalayo sakin. Kaya imbes na umupo sa kama tumayo na lang ako sa harapan niya

"Can you change your clothes?" Tanong ko na lang para namn bumalik ang mga tingin niya sakin at ng  mabihisan niya na din ang sarili

Tumango namn siya kaya ibinigay ko sa kanya ang maletang inihatid ng bodyguard nila kanina. Agad niya namng hinalungkat ang laman nito at ng makahanap ng isusuot tumuloy tuloy na siya sa banyo. Parang hindi naka inom ha?

Kumuha nadin ako ng damit sa sariling maleta at lumabas sa kwarto agad akong nagpunta sa living room kung saan may isa pang comfort room. Pagkatapos kung maligo, ginamitan ko na ng blower ang buhok ko para namn agad na ako makatulog.

Pagkatapos,bumalik ako sa room namin para ayusin ang mga gamit at damit ko na nasa maleta palagay sa walk'n closet sa may bandang gilid ng kama. Malaki ang space kaya sigurado namn ako na magkakasya ang mga damit namin dito ni Denise. Nilagay ko na din sa may malaking salamin na may table ang mga cream at pang skincare ko pati mga pabango

Saktong pagkatapos ko lumabas nadin si Denise na nakaligo na pala. Agad akong umiwas ng tingin, hindi parin kasi ako sanay na may kasamang ibang babae sa bahay. Nung nag bloblower na din siya sa sariling buhok lumapit ako ulit sa maleta ko para kunin ang mga ibang utensils dun, pumasok ako sa bathroom at inilagay ang mga gamit ko doon like body soap,shampoo, shave at iba pa

DENISE'S P.O.V

Hindi parin ako makapaniwalang nagawa ng nanay kong ipagtabuyan ako sa bahay at patirahin kasama ang lalaking to. I feel akward ofcourse! sino ba namng matino ang magiging masaya kung ganito diba? I think no one!

Pagkapasok niya sa bathroom minadali ko ang pagpapatuyo ng buhok ko. Pagkatapos inilabas ko na din lahat ng laman sa mga maleta ko. I smile bitterly,hindi ko man lang alam na may nag-impaki na pala ng mga gamit ko, and hindi ko mn lang alam na titira na ako sa ibang bahay simula ngayong gabi

Anong kasalanan ang nagawa ko before para magdusa ako ngayon ng ganito?

I shook my head, madami nga pala akong kasalan na nagawa before kaya I think it's one of my karma. Katakot pala talaga ang karisma!

Pumunta akong walk'n closet,napawaang ang labi ko ng makita ang naghehelirang mga sapatos. Akala ko ba hindi mayaman ang isang to? Bakit ang dami niyang collection ng sapatos dito? Naka arrange ang mga ito through colors and brands. May Adidas, Nike, Gucci, Under Armour at marami pang iba. May mga sapatos din akong nakikitang sinusuot iyon ng mga NBA players. I beat hobby niya ang pagkukulekta ng mga sapatos. Hindi ko na lang ulit tiningnan ang mga iyon,inabala ko na lang ang sarili kong mag ayos ng mga damit. Agad na din akong lumabas ng narinig ang pagbukas ng pinto sa bathroom

Nilagay ko din ang mga pang skincare ko sa may malaking mirror na may table pati ang mga pabango ko. I get my toothbrush and other hygine utensils sa maleta para dalhin sa banyo. Napabuntong hininga ako pagpasok sa banyo habang tinitingnan ang sarili sa malaking salamin. Ang akward ng atmosphere ngayon. Parang hindi ako nakainom dahil biglang nawala ang pagka lasing ko

"Just think that he's not here" pabulong kong sabi sa sarili nang- uuto

Alam ko namn na hindi to panaginip kahit gusto kong isipin na panaginip na lang sana to. Hay! Siguro kailangan ko na ngang tanggapin na ganito ang kahihinatnan ng magulo at walang thrill kung buhay. Badtrip lang!

~to be continued~

FALLING INLOVE WITH MY ENEMY         Enemy Series No.# 1 (Zaiyieh)Where stories live. Discover now