DENISE'S P.O.V
Nagpunta akong Wonder Garden, malapit lapit lang namn ito sa school, gusto kong mapag-isa. Ang daming pumapasok sa isip ko, minsan naisip kung, Sana nasama na lang ako sa aksidenteng yun. Sana masaya ako ngayon kasama ang daddy ko. Hindi tulad ngayon na halos ituring ko na ang sarili kung walang pamilya except sa nga tropa ko. Nakaupo ako ngayon sa may Fish Spa, di ko tuloy ma enjoy ang kiliti na dulot ng mga isda dahil sa malalim kung pag iisip
"Oh!" Napatingala ako sa lalaking may hawak na tubig, inaabot ito sa akin
"Anong ginagawa mo dito?" Binalik ko din agad ang tingin sa Fishpond. Umupo siya sa tabi ko. Di nako umusog dahil wala nang space. Andito kasi ako sa may pinaka dulo ng fishpond nasa gilid ko ang pader na humaharang sa garden
"Nakita ko kasing lumabas ka ng exit kaya, sinundan na kita dito" inilagay din niya ang mga paa sa tubig, nahati tuloy ang mga isdang kumikiliti sa mga paa ko ang iba'y nagpunta na sa mga paa niya "Ba't ka nag cut?" Tanong niya
"La lang" sagot ko habang nakatingin parin sa mga paa ko
"May problema ba?" Tsk! Tinanong mo pa! Di ba obvious?
"Ano sa tingin mo?"
"Sa tingin ko....hmmm...may problema ka!"
"Alam mo namn pala ba't nagtatanong kapa?" Matalino ka diba? Ba't mo tinatanong ang obvious namn ang sagot?
"Gusto ko lang maka sigurado?"
"Ngayon, sigurado kana?"
"Mmm hindi pa" nilingon ko siya, akala ko ba alam niyang may problema ako? Tapos ngayon di na siya sigurado? " Di ko pa kasi alam ang problema mo"
"Sino ka namn para sabihan ng problema ko?"
"Sinabi ko bang sabihan mo ako ng problema mo?"
Napatahimik ako dun ha? Oo nga namn! Tinanong ba niya? Tsk!
"Ngayon pwede ko na bang itanong ang problema mo?"
Napalingon ulit ako sa kanya. Sasabihin ko ba?
" Wala"
"Anong wala? Di ba may problema ka?"
"Pwede bang tigilan na natin ang problema problema na yan?" Nakakasawa din pala
Tumayo ako at pumuntang dirty Ice Cream. Gagaan kaya ang pakiramdam ko pag kumain ng Ice Cream?
"Isang Flavored Ube nga po" sabi ko sa matandang nagtitinda
"Isa lang? Wala ka bang planong ilibre ako?" Sabi ni Psalm na sumunod pala sakin
"May pera ka. Edi ikaw ang bumili" sabi ko sa kanya habang ang mga mata ay nasa mga Ice cream
"Grabe ang damot!" Tsk! Parang bata!
"Dalawa po manong" sabi niya sa matanda
"Anong flavor iho?" Tanong ng matanda
"Kung ano pong inorder niya" sabay turo niya sa akin
Inabot na nga ng matanda ang Ice Cream sa amin. Umupo ako sa may bench malapit sa garden, maganda ang garden dito may ibat ibat hugis at kulay ang mga bulaklak, pag lumakas ang ihip ng hangin. Maaamoy mo yung mabangong hangin dulot ng mga sari saring bulaklak
"Ba't mo ko sinundan dito?" Tanong ko sa kanya pagkaupo niya sa may gilid ko
"Nakakasawa palang always present sa klase no? Ngayon naiintindihan na kita" tsk! Walang kwentang rason
YOU ARE READING
FALLING INLOVE WITH MY ENEMY Enemy Series No.# 1 (Zaiyieh)
Random-I'm Andrea Benuaventura, Bitch? Yes! I am. -Ethan Chin Devier, a Campus heartbreaker. 'I hate everything' 'I treat girls like toys'