PROLOGUE

0 0 0
                                        

[ PROLOGUE ]

"Dada, asan po ba ang mommy ko?" Tanong ng anak kong babae.

"Nasa Pilipinas nag-t-trabaho sa susunod na taon maaari mo na syang makita." Sagot ko dito.

"Da, maganda po ba si mommy? Mabait, matalino na gaya nyo? Pero Dada gwapo ka po ha." Sabi nya na ikinatawa ko naman.

"Oo anak," sabi ko sa kanya "at dahil doon nagustuhan ko sya." Dagdag ko pa.

"Dada, exited na ako makita sya!" Sabi nya at pumapalakpak pa."

"Mister may pasyente po." Sabi ng secretary ko.

"Papasukin mo na." Sabi ko sa kanya.at umalis naman sya. "Anak doon ka muna sa play room mo may pasyente lang si Dada." Baling ko sa anak ko.

"Sige po Dada good luck!" Sabi nya pa sabay suntok sa ere. At tumuloy na sa kanyang play room magandang bata mabait at masayahin ang anak ko nakakatuwa.

"Upo po kayo." Sabi ko sa isang matandang lalaki at sa babaeng kasama nya.

"A-alegre?" Sabi ng matandang lalaki at napalingon naman ako.

"Kilala nyo po ako?" Tanong ko pabalik sa kanya.

"I-ikaw nga! Nagagalak ako makita ka muli. Ako ito ang iyong propesor Nicolas." Sabi nya at nagulat naman ako. Sa tagal ng panahon na kita ko muli ang masungit kong professor nga naman HAHAHA.

"Prof! Ano po ang ginagawa nyo bakit po kayo nandito ano pong sakit nyo?" Sunod sunod na tanong ko.

"May sakit na ako sa puso at mahina na ang mga buto ko maaari mo ba akong pagalingin?" Sabi nya at may nakita akong namumuong luha sa mga mata nya.

"Opo naman, libre na po ang serbisyo ko sa Inyo dahil kung wala kayo wala din ako sa pwesto ko ngayon." Sabi ko sa kanya ng may ngiti sa labi.

"T-talaga salamat!" Sabi nya at nakipag kamay.

"I-iha sya ang Isa sa mga mag-aaral ko." Sabi ni prof sabay tiro saken.

"Liam- Liam Alegre." Pakilala ko naman saka tumayo at nilahad ang kamay ko.

"Mari-mariella Crisostomo." Sabi ng babae sabay tanggap sa pakikipag kamay ko sa kanya.

"Tapos na ang usapan natin iho uuwi na ako, babalik ako bukas at doon ako mag-papasuri." Sabi naman si prof at doon ako natauhan na nakahawak padin pala ako sa kamay ni Mariella.

"P-pasensya." Sabi ko sa babae sabay bitaw at doon bumaling Kay prof. "Opo, Pero bakit po bukas at hindi na ngayon?" Tanong ko .

"Pagod na ako at wala pang tanghalian." Maikling Sabi ni Prof.

"Ganon ho ba? Maari po bang sumabay kami?" Tanong ko at doon bumakas ang pagtataka sa mukha nya.

"K-kami?" Tanong ni Mariella.

"Opo, Yri Tara dito kakain tayo sa labas." Sigaw ko at nakita ko ang gulat sa mata ng Babae.

"Dada sino po sila?" Tanong ni Yri.

"Yri, sya si prof. Nico at si tita Mariella." Pakilala ko sa kanya. "Prof Mariella si Yri nga pala anak ko." Sabi ko naman.

"A-anak?" Gulat ba tanong ni Mariella.

"Hi po tita at p-prof?" Patanong na ani sya sakin. "so Dada teacher mo po sya dati?" Baling nya saken

"Yes baby," sagot ko sabay ngiti.

"Dada can we eat na po ba? I'm hungry na kase." Sabi ni Yri sabay pout.

"Prof. sumabay na po kayo samin my treat." Sabi ko at tumango naman silang dalawa.

-nawa'y nagustuhan nyo ang prologo na isinulat ko, salamat Yammies!!-

HIDE AND SEEK Where stories live. Discover now