[Unang araw]
LIAM'S POV
Nandito ako ngayon sa gate ng school na nag-ngangalang San Diego De Koleheyo University. Pangalan palang maganda na pano pa kaya ang mga tinuturo dito. Naka suot ako ng uniporme pang studyante, Polo na white w/ kurbata (necktie), black slacks, tas black shoes. Mukha nga kaming mag oopisina, ang mga kababaihan naman na nakikita ko ay naka maikling palda na parang skin tone at blouse w/ necktie din, naka mahabang puting medyas at black shoes.
"Iho naliligaw ka yata ang building na ito at para sa mga gusto maging teacher. Ngunit nakita ko na ang I.D mo ay pang med student. Malalate kana pumunta kana doon." Sabi ng Isang lalake na hindi ko kilala at doon ko nalaman na teacher sya sa suot nya na damit.
"Pasensya na po, salamat po." Sabi ko dito at alis na.
Nag-lakad lakad ako at naka-kita ako ng Isang studyante na katulad ng color ng I.D lace ko.
"Miss, Asan ba ang room 4?" Tanong ko sa kanya at kita ko mukha nya ang pag-tataka.
"Kasunod ng room na nasa ito." Turo nya sa nasa gilid ko na room nakita ko doon ang number three, sorry hindi ko nakita.
"Salamat." Sabi ko at saka umalis sya tsh bastos. Nakita ko syang pumasok sa room na nasa gilid ko hmm.. mukhang dito ang room nya.
Pumasok ako sa room na itinuro nya ngunit hindi ko napansin na may nag tuturo na palang teacher sa unahan.
"Oh iho magandang umaga."bati ng lalaking guro sa akin mukhang nakita ko na sya! Ay oo sya yung teacher kanina na nag sabi saken na malalate na ako.
"Sir, Good morning. Sorry I'm late." Sabi ko at hindi padin ako naupo dahil hindi nya sinasabi.
"Upo na." Sabi nya saka ako umupo.
"Uulitin ko, ayaw na ayaw ko ang nahuhuli sa klase. Pano kung naging ganap na doctor na kayo!? At nalate kayo ano mamatay ang pasyente nyo nyan!" Sorry Sir. "Prof. din ang tawag sa mga guro sa kolehiyo kaya wag nyo ako sini-sir." Dagdag nya pa.
"Sige simulan natin." Sabi nya sabay sulat kalalaking tao sulat babae! HAHAHA.
"Anong timutulala nyo dyan!? Pag nag sulat ako ay mag sulat din kayo!" Sigaw nya kaya nataranta ang lahat kumuha ng kanya kanyang notebook.
***
Natapos ang klase namin sya pala ang prof sa major mukhang mas matagal ko syang makikita ah. Nandito ako ngayon sa canteen kumukuha ng foods para lang palang nag f- grocery dito tsh.
"Ate ito po ang bayad." Sabi ko sa kahera sabay abot ng bayad.
Kinain ko ang tapsilog na order ko at ininom ang iced tea na binili ko. Masarap naman kaso magulo ang mga students tulakan sa pila kagulo tsh. Tinapos ko pang-kain.
Naglalakad ako papalabas ng naramdaman kong may dumiin na malambot na bagay sa braso ko.
"Bastos!" Sigaw nya kaya mapatigil sa pag-gigitgitan ang mga students.
"Nag-tutulakan sila kaya hindi ako dapat masisi." Maikling sabi ko at nilagpasan ang babae. Dibdib nya pala ang napadiin sa braso ko hmm.. malambot at malaki! HAHAHA!
"Ngiting-ngiti ah malambot ba?" Tanong ng babaeng pinag-tanungan ko kanina.
"Tsh." Saka ko sya nilagpasan.

YOU ARE READING
HIDE AND SEEK
RomanceISANG URI NG ISTORYA KUNG SAAN NAG TAGUAN ANG MAG ASAWA. -LIAM