Prologue

6 0 0
                                    

"Harriet!"


Patayo na sana ako sa kinauupuan ko dito sa cafeteria nang may tumawag sa akin. I looked around and saw Mira. Hinihingal siyang lumapit sa akin.


"Ano'ng problema?" Agad kong tanong sa kanya.


"Walang problema! Masaya lang ako!" Kinikilig niyang sagot pagkaupo niya sa silyang katapat ko. Para siyang bulate na binudburan na asin at kapansin-pansin din ang pamumula ng kanyang maputlang mukha.


"At bakit naman?" Nakangiti kong tanong ngunit tila alam ko na ang dahilan.


"I'm happy kasi... Cole confessed that he really loves me. Finally, we're official." Mas lalo siyang namula kaya natawa na ako.


"Sabi ko naman kasi, kayo naman talaga ang magkakatuluyan. Ewan ko ba kung bakit ang gulo n'yo pareho. Ako kaya ang #1 fan ng MiraCole love team."


"Eh nakakahiya naman talagang gumawa ng first move. Ayoko ng maging marupok ulit."


"Ikaw marupok? Totoo naman ah!" Agad akong napahimas sa braso ng hampasin niya ako. Grabe talaga ang babaeng 'to. Ang payat-payat pero ang bigat ng kamay.


"Ang sakit ah. Ganyan ba talaga kapag may love life?" Pang-aasar ko pa lalo.


"Eh, kinikilig lang ako. Sorry. Hehe" Napailing na lang ako sa kaniyang inasal.


"Thank you, Harriet. Dahil sa'yo kaya masaya kami pareho ni Cole. You're the reason why we met." Marahan niyang pinisil ang kamay kong nasa lamesa. "Tama nga siguro sila. Para kang si Cupid. Nagkakatuluyan ang mga pinapares mo."


Natawa ako lalo. Kasi hindi naman siya ang unang beses na nagsabing inaagawan ko ng role si Kupido.


"Grabe ang papuri. May bayad 'yon kaya!" Natawa naman siya at muling hinampas ang braso ko. "Nakita ko lang naman kasi na mahal n'yo naman ang isa't isa."


"Kaya sana sa susunod, ikaw naman ang panain ni Kupido." Seryoso naman niyang saad na agad nagpabago sa mood ko.


"Aba! Kaming mga kaibigan mong ipinares mo ay happy ang love life. Syempre dapat ikaw din." Depensa pa niya.


Ngumiti ako bilang tugon. Little did she know...




Cupid already shot my heart.

When Cupid Shot My HeartWhere stories live. Discover now