" Jace!" Napalingon ako sa lalaking
tumawag sa pangalan ko." Oh?" Kibit balikat kong tanong saka itinuloy ang ginagawa kong pagkukumpuni ng sasakyang inaayos ko.
" Nandiyan na naman si Ms ganda!" Kinikilig nitong Sabi.
Na naman?
" Sabihin mo wala ako.." nagpatuloy lang ako sa pagaayos.
" Eh tol...nandito na eh..." Napatigil ako.
" Hi babylove!" Masiglang bati nito sa akin.
Tsk.
" Anong kailangan mo singkit?" Nagpatuloy na ulit ako sa pagtatrabaho.
" Well I just wanna invite you for lunch..." Nakangiti nitong Sabi.
" Busy ako..." Napasimangot naman siya doon.
" Pare pagbigyan mo na, ilang araw ka nang niyayaya ni Ms ganda eh.." Isa pa tong makong nato.
" Bumalik ka na nga sa trabho!" Singhal ko kay Hiro.
" Gusto mo lang masolo si Ms ganda eh.." abat! Akmang babatuhin ko na ito ng kumaripas ito ng takbo, Siraulo talaga.
Humarap ako sa babaeng malaki ang pagkakangiti sa akin.
" A..yo..ko.." madiin kong sabi.
" Lagi mo na lang akong tinatanggihan nakakainis ka na.." may irita nitong Saad.
Magalit ka sa akin, sige lang.
" But...your hot when you do that.." Nako naman! Nangaakit naman siya.
Masama ang tingin na pinupukol ko sa kaniya.
" Sige na kasi..." Parang batang nangungumbinsi ng magulang na wika niya.
" Ayoko nga..." Umangkla siya sa balikat ko.
" Bakit ba ayaw mo akong makasama ha?" Di paba obvious sa kaniya?
" Alam mo ang sagot sa tanong mo..." Tinanggal ko ang kamay niya sa braso ko.
" Is it about my status?" Napatigil ako sa sinabi niya.
" Dahil ba sa mayaman ako at ikaw mahirap lang ganon ba?" Tinitigan ko lang siya.
" May Girlfriend ako.." Malamig kong turan sa kaniya.
Nakita ko naman sa mga mata niya na nasaktan talaga siya sa sinabi ko. Tumalikod sa ako sa kaniya at akmang maglalakad na ng yumakap siya sa likod ko, napatigil ako doon.
" I like you Jace....No I think I love you already.." nagulat ako sa sinabi niyang iyon.
" Hindi mo ako mahal..." Humiwalay siya sa pagkakayap sa akin at pinaharap ako sa kaniya.
" I love you!" Sigaw niya sa akin.
" Hindi mo-"
Nanlaki ang mga mata ko ng halikan niya ako sa labi, Hindi ako nakagalaw dahil don nakapikit siya ngayon at patuloy lang akong hinahalikan. Unti unti naman akong pumipikit dahil parang nagugustuhan ko ang halik niya, mayamaya lang ay yumakap siya sa batok ko at madiin akong hinalikan hindi ko alam kung bakit ako tumutugon sa halik niya. Pero Hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi rin siya halikan, kaya hinawakan ko siya sa bewang para ilapit siya nang husto sa akin. Mapusok ang halikan naming dalawa ng,
" Ahemmm!" Napahiwalay agad ako Kay singkit.
" F*ck!" Napamura si singkit.
" Nakakaistorbo ata ako..." Ngisi pa ng mokong na kaibigan ko.
" Anong kailangan mo?" Tiningnan niya ako ng nakakaloko.
" Nandiyan yung jowa mo sa labas..." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
" Oh...nandiyan na pala yung girlfriend mo." Nakangising sabi ni singkit.
Alam niyang may Girlfriend ako pero nilalandi pa rin niya ako ang sabi pa niya na hindi pa naman daw kami kasal kaya may pagasa pa siya, nahihibang na siya hindi naman ako gwapong lalaki na hahabulin niya nang ganito at higit sa lahat babae ako, well nagkakagusto ako sa babae kaya nga may Girlfriend ako.
Kung hindi ko nga lang siya tinutulungan sa mga lalaking gusto siyang harasin ay hindi siguro niya ako pagiinterasan ng ganito. At lalong lalo na hindi sana ako nagkakaroon ng problema sa relasyon ko sa girlfriend ko dahil sa kaniya.
" Tell me babylove.... who's the best kisser?" Nangaakit na wika ni singkit.
Shit!
Ginugulo ng babaeng ito ang isip at puso ko..ano bang nangyayari sa akin?!