Jace
Pagkarating ko sa apartment ko ay agad na akong nahiga dahil sa pagod ko sa pagtatrabaho sa talyer na pinagtatrabahuan ko, habang nakahiga ako ay hinubad ko na ang damit ko at pantalon at ang natira na lang na ay ang sando ko at boxers. Tinatamad akong maligo ngayon dahil sa sobrang pagod mayamaya lang habang nakapikit na ako ay narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto ko.
Hindi ako nagmulat dahil alam ko naman kung sino iyon.
" Babe..." Ramdam kong hinawakan niya ako sa pisnge.
" Hmmmm.." nakapikit pa rin ako.
" Kumain ka muna naghanda ako nang makakain mo.." Sabi niya.
Napamulat ako at nakita ko ang magandang mukha ng girlfriend ko na si Laila nakangiti ito sa akin.
" Pwede bang ikaw na lang kainin ko?" Biro ko dito, napatawa naman siya sa akin.
" Tumayo kana..." Sabay hila niya sa akin patayo ng kama.
Napaupo akong nakatitig sa kaniya.
" Ikaw na Lang.." pamimilit ko.
" Tumigil ka nga diyan!" Sabay Tayo niya at lumabas na sa kwarto.
Wala na akong nagawa kaya napailing na lang ako at lumabas na sa kwarto at pumunta sa hapag para samahan siyang kumain.
Habang kumakain ay nakatingin lang ako sa kaniya.
" Kumain ka nga!" Saway niya sa akin dahil nakita niya akong nakatitig sa kaniya.
Napatawa ako at kumain na lang ang sarap lang niya kasing tingnan habang kumakain eh haha.
" Nga pala babe may lakad kami nila Shane bukas baka hindi Kita mapuntahan para ipagluto ka.." Sabi niya.
" Hindi okay lang sa akin kakain na lang ako sa malapit na karinderya sa talyer huwag mo na akong alalahanin pa.." ngiti ko dito.
" Okay..."
Pagkatapos kumain ay humiga na kaming dalawa sa kama ko, dito daw niya gustong matulog ngayong gabi kaya nandito siya pabor naman sa akin iyon dahil makakasama ko.
" Babe.." tawag pansin niya sa akin.
" Ano iyon?" tanong ko.
" I'm sorry.." napalingon ako sa kaniya.
" Bakit ka nanghihingi ng sorry?" Tinitigan ko siya.
" About sa family ko...sorry kung hindi pa kita napapakilala.."
Mas inilapit ko siya sa akin.
" Okay lang ano kaba.." sanay na akong tinatago.
Alam ko naman na hindi ako nababagay sa tulad niyang may kaya sa buhay, pero dahil mahal ko itong babaeng katabi ko. Ayos na sa akin ang nakakasama ko siya kapag pumupunta siya dito sa apartment ko.
" You know that I love you right? Just give me time para ipakilala ka sa family ko..." Nakatingin na lang ako sa kisame habang sinasambit niya ang mga salitang iyon.
Alam ko rin na namang bawal itong relasyon namin dahil pareho kaming babae, at higit sa lahat ang layo ng agwat ng estado namin sa buhay. Siya pinanganak na mayaman, ako? ayon sakto lang ang kinikita para mabuhay.
" Hindi naman kita minamadali sa bagay na iyan..." Mas humigpit ang hawak niya sa bewang ko.
" I know, baka kasi naiinip kana tapos bigla mong maisip na hindi ako ang babaeng-" hinalikan ko siya para manahimik na siya sa mga bagay na hindi naman mangyayari.