"Always enjoy the game you started because you might not know who owns the victory until the end..."
***
The PartnerUMAGANG-UMAGA ay kaaway na naman ni Annie ang vending machine. Nang maglagay kasi ito ng barya ay hindi naman ibinigay ang coke zero na kanyang pinindot. Ilang beses na niyang hinampas ito ngunit wala pa ring lumalabas.
"Stress ka girl?" napahinto sa kanyang tapat si Gret na may hawak na kape. Pagtingin ni Annie ay napansin niyang may kataasan ang pagkakahawak nito ng ng kape niyang galing pang starbucks sa ibaba. Batid niyang bukod sa kape ay pinapasikat ni Gret ang bago niyang nail art at ang sing-sing nitong may pulang bato na pagkalaki-laki.
"Ninakaw na naman nito ang pera ko, asar," sabay sipa niya sa machine.
"Starbucks coffee, you want?" masyosyal pang sabi ni Gret.
"No thank you. Mag-nescafe 3 in 1 na lang ako, palibhasa 'yang lalagyan lang naman binabayaran mo diyan eh," pagtanggi ni Annie at nagsimulang maglakad dahil mukhang hindi na niya makukuha ang inumin niya.
"Ang kuripot nito, eh tataas na naman ang sahod mo dahil sa promotion mo," katuwiran ni Gret nang sumabay ito sa kanya.
Kahapon lamang nalaman ni Annie ang nakatakdang promotion niya. She is very happy about it, it is quite stressful and she's got a big responsibility but this is her ultimate goal—that is to advance to her career by her hard work. Annie could take the easiest way to soar in her career by asking her parent's help since they have connections and business of their own. Ngunit nang makapagtapos si Annie ay nagkaroon siya ng pangarap na magtrabaho sa ibang kompanya at magsumikap mag-isa.
"Congrats, Annie!" saad ng mga empleyadong nakakasalubong nila sa lobby. Mukhang alam na rin ng iba ang promotion na nakatakda para sa kanya. Having Laila eases the entire department and despite of the fact that she's glad of her achievement, Laila's departure from work could be a great adjustment for them.
"Oh, Annie, nandiyan ka na pala. Can we talk?" nang makarating sila sa tapat ng pintuan ng HR Department ay saktong nakarating naman doon si Laila.
Sumunod si Annie kay Laila sa pagaakalang sa conference hall ang kanilang patutunguhan ngunit napansin niyang ang dinadaanan nilang hallway ay ang patungo sa opisina ni Freed.
"Miss Laila?" tanong nila nang makarating sila sa tapat.
Pero ngumiti lang ito at binuksan ang pintuan.
"Mr. Freed, here's Annie..." napatingin naman kaagad si Annie kay Freed dahil wala siyang ideya kung bakit siya dinala ni Laila rito.
"I feel bad about you going to the Business Summit alone. Since Annie will take my position, how would you like if she's your partner for tonight?"
"Ha?" napaawang ang bibig ni Annie.
"Ah...I think I told you I was fine going alone but yeah I think going to the event with a partner is better," napangiti naman si Freed.
"Pasensya ka na, Miss Annie, dinadagdagan ko ang trabaho mo. Ako kasi ang sumasama kay Sir Freed nitong nagdaang taon sa event na ito. Every year na mayroong ganito at medyo nakokonsensya ako'ng walang kasama si Sir Freed," napahalakhak naman si Laila at si Freed. Pilit namang ngumiti si Annie ngunit hindi siya pabor."Thank you, Laila..." ani ni Freed.
"Iwan ko muna kayo para makapag-usap kayo," paalam naman ni Laila bago ito umalis ng silid.
Minsan naiisip ni Annie na pro-freed ang boss niyang si Laila dahil madalas siya ang nagiging ugat ng pagpunta ni Annie sa opisina ni Freed—bagay na iniiwasan niya. Annie might have surrendered her lust to Freed but she doesn't want to break her image in the company.
![](https://img.wattpad.com/cover/221511990-288-k20572.jpg)
BINABASA MO ANG
Freed's Playroom [R-18]
Storie d'amoreSINFUL SECRETS #2 Freed Eravido has a gentle personality which makes him a total package as an ideal type of boss. On the evening of his birthday celebration, Annie drank to her heart's extent as she couldn't forget how her ex-boyfriend cheated on...