18: Jana

6 3 0
                                    

"Good morning, Jana," nakangiting bati sa akin ni Nathan.

Tumatama ang liwanag sa mukha ko habang nananatili akong nakahiga rito sa kama ni Daniel. Hinawakan ko ang kamay ni Nathan at hinila siya sa akin.

"Ano ba 'yan, Jana babes. Hindi ako ready para rito, e."

Napahalakhak ako. "Ikaw, ang dumi nang iniisip mo. Payakap lang."

"Okay. Hindi ka na makakahinga rito." Niyakap niya ako nang mahigpit.

Natatawa ako nang mas lalo pa niya iyong hinigpitan. Nanginginit ang katawan ko sa mainit niyang yakap.

Magpapasko na mamayang gabi. Parang kailan lang na excited akong makasama si Daniel sa disperas ng Pasko. Malabo na ngayon. Nagpapasalamat pa rin ako na narito pa rin siya. Kahit hindi ko siya makakasama ng pisikal, alam kong ligtas naman siya sa loob ko.

"Anong ginawa n'yo ni Daniel kagabi?" pangungumusta ko.

Kumalas na siya sa pagyayakapan naming dalawa. Ngumiti ako sa kanya at naupo sa kama. Tumabi siya sa akin habang sumandal naman ako sa balikat niya.

"Hindi ko kasama ang lalaking 'yon kagabi," may halong tampong sagot niya.

Nangunot ang noo ko. Tiningnan ko ang notebook sa nightstand at hindi ko na pinansin ang isinagot ni Nathan. Lumawak ang ngisi sa labi ko.

"Kasama naman pala si Kylie, e. Bakit ka nagtatampo?"

Hianrap niya ako. Naka-pout siya at parang iiyak na. Ngumuso rin ako at pinisil ang pisngi niya.

"Ang point ko, Jana babes. Wala na siyang time para sa bromance! Alam mo ba, ako na lang ang nag-iimom dito sa condo! Si Daniel laging umaalis. Kung nakikita mo lang ang suot niya tuwing lalabas, masusuka ka!" maktol niya.

Humagalpak ako ng tawa. Nathan's face is priceless.

"May gusto ka ba kay Daniel? Para kang t-in-wo time!"

Mas lalong humaba ang labi niya. Hinila niya ako palapit at hinigpitan ang yakap sa akin.

"Na-mi-miss ko lang ang bonding namin ni Pareng Daniel...pero napag-isip-isip ko rin naman..."

"Ang alin?"

Ramdam ko ang tawa ni Nathan. "Makakasama ko pala siya sa pagtanda."

Sabay kaming tumawang dalawa. Hanggang sa napatitig ako sa notebook. Particularly, in Kylie's name. Natigil ako.

"Bakit, Jana babes?"

Binasa ko ang labi ko at tahimik na nag-isip. Bakit hindi ko inisip ng bagay na iyon?

"Jana?"

Tumingin ako kay Nathan. Bumuga ako nang malalim na buntong-hininga at hinawakan ang kamay niya.

"If we get married, what will happen to Daniel and Kylie? Titira na ako kasama ka. Paano si Daniel? Paano siya? Paano kung makabuo tayo ng pamilya?"

"Jana, huwag mong isipin 'yan."

Umiling ako. "Paano makabubuo ng pamilya si Daniel? Makukulong siya sa buhay ko, Nathan. Paano kung hindi siya maging masaya?"

Lumapit si Nathan sa akin at kinalma ako. Namamawis ang kamay ko sa mga posibilidad na mangyari.

"Paano kung huwag na lang tayong magpakasal, Nathan?"

Tumigil siya sa paghaplos ng likod ko. Hindi ko mabasa ang reaksyon ni Nathan. Ayaw ba niya? Okay lang ba sa kanya?

"Naiintindihan kita, Jana. Iniisip mo lang din si Daniel, pero sa tingin mo ba ayaw niyang makasal tayo? Okay lang sa kanya, 'di ba? Ibig sabihin noon kaya niya itong i-handle. Siguro naman ay mayroon na siyang naiisip na solusyon kung paano kayo mag-ko-comprise. 'Yon lang naman ang mahalaga, e."

They're MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon