||FA|| (2) : Justine Syke

16.7K 568 29
                                    

//Eris//

Ilang linggo na din ang nakalipas simula 'nong nagtransfer 'yang gwapong nilalang na 'yan dito. Si Justine ang tinutukoy ko. Halos buong 4th year yata may crush sa kanya eh. Well, i-exclude mo kami ni Rae.

"Ohmygash! Ang gwapo n'ya talaga!"-Rae, binabawi ko na 'yong sinabi ko sa last sentence. Ako lang pala ang hindi nahuhumaling sa gwapong nilalang na nagnga-ngalang Justine.

"Jusme Rae. Pati ba naman ikaw?" Iritadong tanong ko. Pa'no parang kanina naiinis pa s'ya sa mga Fangirls ni Justine. Tapos ngayon? The Perk! Is he wearing something, something like Talismans, that make girls attracted to her? I should confront Justine about this.

Then the bell rang. "Tara na nga!" Sabi ko sabay hila kay Rae. Nakatulala kasi, and about Raf, he's no other than the Vice President of Justine's Fanclub. Baliw 'yun eh.

Our classes gone well, then natapos na ang oras. Naglabasan na kami sa classrooms namin.

Naisipan kong umuwi ng maaga kaya naman tinext ko agad si Kuya Ronald para sunduin ako. After several minutes dumating din s'ya.

"Kuya daan muna tayong mall, may bibilhin lang ako." Sabi ko kay Kuya Ronald pagkasakay ko. Tumango lang ito at nagsimula nang mag-drive.

~~

Nasa mall na ako ngayon, inaya ko si Kuya Ronald na samahan ako pero tumanggi lang ito. Kaya iniwanan ko s'ya ng five hundred pang miryenda, sabi ko kasi sa kanya baka matagalan ako.

Pagkapasok ko sa Department Store kumuha ako ng cart at agad akong tumungo sa mga shelf ng mga chocolates. Kumuha lang ako ng kumuha hanggang sa mangalahati ang laman nito.

Next stop ko ay ang mga chichirya. Piatos at Cheese Curls lang ang mga kinuha ko. At dumiretso na ako sa counter para mabayaran. May card naman ako na connected sa card nina Mommy.

'Nong natotal na lahat, i costed 1,647.35 pesos. Dahil sa tatlong plastic ito, tinext ko sa Kuya Ronald upang kunin ito dahil dadaan pa ako ng Bookstore. Hinintay ko na lang s'ya at 'nong nakuha n'ya na ito sabi n'ya i-uuwi na lang daw muna n'ya ito at sinabihan akong itext na lang daw s'ya kung uuwi na ako. Malapit lang kasi ang Mall sa'min. Mga 15 minutes na biyahe lang.

Hindi na ako nagpalipas pa ng minuto, naglakad na ako papuntang Bookstore. Pagkarating ko, dumiretso muna ako sa shelf ng Teen Fiction.

Kumuha ako ng libro ng 'My Husband is a Mafia Boos' (MHIAMB) 'yong apat na volume. At ng 'Campus Royalties'.

Pagkatapos ay kumuha ako ng sketchpad at dumiretso na sa counter upang magbayad. Nang makabayad na ako tiningnan ko na ang oras, 7:12 pa lang. Kaya I decided na kumain na lang muna sa McDo.

Umorder ako ng isang BFF Fries at Sundae. Humingi din ako 20 pieces na ketchups. Ewan ko masyado akong addicted sa ketchup ng McDo.

After mga 20 minutes natapos din ako at may natirang limang piraso ng ketchup. Nilagay ko na lang ito sa bulsa ko, at bumalik ako sa counter upang umorder ulit ng isang large fries, tapos humingi ulit ako ng walong ketchup.

"Salamat po!" Masiglang sabi ko sa ateng nasa counter. Sumagot lang ito ng 'Please Come Again' tapos umalis na ako.

Pagkarating ko sa Parking Lot agad kong itinext si Kuya Ronald.

-Sending Error- tatlong beses ko pang inulit pero, wala talaga. Tss, wala pa naman akong extra money para pamasahe. Haiist!

Fallen AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon