GRACE POV
I lan lamang ako sa mga mapapalad
na estudyanteng nakatapos ng kolehiyo.
Naranasan ko din ang iba’t-ibang drama ng buhay
bago marating ang kinatatayuan kong pwesto
sa loob ng mala-sardinas na MRT.
Ngunit hindi nagtatapos sa MRT ang aking kalbaryo.
Sasabak din ako sa dagat ng mga taong
naghihintay ng masasakyang dyip.
Matututo kang makipaghabulan, patintero
at sumakay habang umaandar ang dyip.
(Ang galing ko diba, handang handa ako sa bakbakan.)
Minsan ay swerte ng maituturing
kung may manong na magbibigay ng upuan sa iyo.
At kung mamalasin ka nga naman,
ay madalas kahit isang dyip
ay wala kang masasakyan.
At dahil kukulangin ang pera mo
kung magtatricycle o taxi ka,
wala kang magagawa kundi
maglakad hanggang sa kakayanin ng mga paa at binti mo.
Habang naglalakad ay nagmamadali ako
para sa aking job interview. “Nakakahiyang ma-late,
pero mas nakakahiya kung hindi ako makakarating dun”,
sabi ko sa sarili.
Mabuti na lang at marami-rami din kaming applicant.
Hindi nila napansin na late na ako dumating.
Ibinigay na sa amin ng HR ang tatlong folder
at isang makapal na libro.
Grabe, nakagraduate na ako at lahat… Exam nanaman ang sasalubong sa akin..
Inabot na kami ng isang buong araw
kakasagot ng mga katanungang
may kinalaman sa Math, English, Science at Values.
Dahil pinaghandaan ko ito,
hinulaan ko na lang ang mga sagot sa tanong,
para matapos na ako kakasagot.
BINABASA MO ANG
FINDING my own STARS
Teen Fiction“Libre lang ang mangarap.” Ang saya isipin, Sana ganoon din kadali ang maabot ka. Basta, pangako ko sa sarili ko.. balang araw mapapasakin ka rin.