GRACE POV
Binigay na sa akin ang listahan ng mga requirements:
Cedula, Barangay Clearance,
Police Clearance, lahat ng Clearance..
NBI, NSO, Occupational Permit at marami pang iba..
kailangan ko daw makumpleto iyon
bago makapagsimula sa trabaho.
Isa lang naman ang kinatatakutan ko... O.O
Yun ay ang pagkuha sa dugo,
feeling ko inuubos ng nurse ang dugo ko.
Pinipiga pa niya ang braso ko..
Gaano kadaming dugo ba ang kakailanganin niya
para magawa ang test?
Nanghina ako matapos kunin ng nurse ang dugo ko,
pakiramdam ko
gallon gallon ng dugo ang kinuha niya sa akin.
Napaisip ako bigla,
"itanong ko narin kaya kung ano ang blood type ko.
Nagtataka kasi ako
kung bakit amoy kalawang ang dugo ko."
Kakaisip ay hindi ko napansin ang lalaking papalapit sa akin.
“Ms. Tinatawag ka na nung isang nurse” sabi niya sa akin
“Ay pasensiya na.. salamat” nagmamadaling sabi ko sabay alis.
Nakakahiya, ang pagkakataon nga naman…
Kung kalian lutang ako saka pa may lalapit na pogi sa akin…
Tsskkk… minus points
Kinabukasan, ipinakilala na ako sa buong department.
Mukha naman silang mabait at may isang pogi dun sa sulok.
Unang araw ko pa lang sa trabaho
ay pumukaw na ng pansin ko si Marco.
Matangkad siya, tahimik, mukhang matalino
at sobrang pogi niya sa paningin ko.
“Ay teka, siya yung pogi dun sa clinic.”
“Nakakahiya, sana hindi na niya naaalala yung nangyari” bulong ko saking sarili.
Hindi sinasadyang magkrus ang mga mata namin, habang kumukuha ako ng tubig sa corridor.
“Mag hello kaya ako sa kanya?” tanong ko saking sarili
“Paano kung hindi naman siya sumagot? Siguradong magmumukha lang akong ewan dito.” dagdag ko pa
“Hay, this is your chance to meet him! Go girl!” sabi ng konsensya ko
At dahil naunahan ako ng kaba, matamis na ngiti lang ang nagawa ko.
“Tapos na siyang kumuha ng tubig. Nakakainis hindi ko man lang siya nakausap.” sisi ko saking sarili
MARCO POV
“She looks familiar. Yes, she’s the girl I met at the clinic.” iniisip ko habang nakangiti
“I wonder if she still remember me?” pagtatanong ko saking sarili
Pinagmamasdan ko lamang siya habang kumukuha kami ng tubig sa corridor.
At napatingin ako sa aking relo.
Malapit nang matapos ang break, kaya bumalik na ako agad sa aking pwesto. Gustuhin ko man na magtagal pa sa corridor, ay siguradong mabibigyan ako ng memo.
GRACE POV
“Sana makausap ko na siya sa susunod.” Binubulong-bulong ko habang naglalakad
“Mam, may bago po tayong seating arrangement.” sabi ng janitor sa akin
“Ganun po ba kuya? E saan na daw po ang pwesto ko?” tanong ko
_________________________________________
SUSPENSE muna….. pls. pakivote at basahin nyo rin po ang iba ko pang ginawang story… pwede rin po kayo magcomment.. Maraming Salamat po.. <3 ^__^
![](https://img.wattpad.com/cover/30597725-288-k543630.jpg)
BINABASA MO ANG
FINDING my own STARS
Teen Fiction“Libre lang ang mangarap.” Ang saya isipin, Sana ganoon din kadali ang maabot ka. Basta, pangako ko sa sarili ko.. balang araw mapapasakin ka rin.