Obob na Tank

83 7 0
                                    

JILYAN's POV

Mabilis na natapos ang isang buong week. TGIF! Yes, friday na at ang mas nakakatuwa pa, half day lang kami ngayon dahil wala yung teachers namin na pang hapon, may seminar daw. Sana every day seminar! Bulong ng tamad kong utak hahaha

Habang nag aayos ng gamit para umuwi ay nagkakagulo tong magagaling kong kaklase, tuwang tuwa kapag walang klase kasi makakagala. Mukang gala talaga tong mga to eh tsk!

"Ano guys san tayo mag lunch? Medyo nagugutom na mga alaga ko sa tyan huhu" Tanong ni Aljon

"Mag mall tayo tapos dun na tayo kumain" suggestion naman ni Kyzha

"Tara tara! Tapos maki wifi tayo dun ML tayo" singit naman ni Seth na agad binatukan ni Kare "Aray ko naman! Sadista talaga tong babaeng to!"

"Eh pano puro ML yang nasa utak mo! Imbis na magbonding tayo ML pa gusto mong unahin!" pagalit ni Kare kay Seth

"Bakit?! Bonding din naman natin yung ML ah? Tss.." Singhal ni Seth kay Kare

"Hoy hoy hoy! Kayong dalawa talaga para kayong aso't pusa! Tumigil kayo sa kakaaway nyo kung hindi di ako sasama sa inyo!" inis na turan ko sa kanila..

"Ay wow naman kami pa talaga tinakot mo ha? Hahaha magtigil na kayo Kare at Seth, baka di pa sumama tong si Beshy walang manlilibre satin hahaha" agad ko naman tinignan ng masama si Kyzha sa sinabi nya

"Joke lang besh! Kaw naman di na mabiro haha" sabi nya na napa peace sign pa. Bruha talaga minsan tong bestfriend ko e hahaha tsk

"Oh sya, tara na at ako'y talagang gutom na gutom na. Sa mang inasal tayo ah para unli rice haha" si Aljon

"Member ka talaga ng TeamAwa (timawa) e noh?" sabay sabay kaming nagtawanan sa hirit ni Kare hahaha bully talaga itong bansot na ito

--
6pm na, oras na para umuwi.. Grabe, napagod ako kakalakad wala naman kaming binili. Panay kain lang ang ginawa namin at picture picture syempre. Nagsukat kami ng mga damit pagkatapos ay nagpicture suot ang mga damit na yon pero di naman namin binili hahaha wala lang, nakisukat lang. Di naman masama di ba? Hahaha

Habang papunta sa kanya kanya naming service ay nagbilin si Seth, "guys ML tayo pag uwi ah! Mag end season na next week kailangan natin magpataas ng rank"

"Sige pre, text text na lang mamaya pag uwi.. Bye bye sa inyo! Ingat kayo!" Sagot ni Aljon habang kumakaway pa bago sumakay sa sasakyan nila

Sabay sabay din naman kaming nagbabye nila Kyzha at Kare sa kanilang dalawa pagkatapos ay nagyakapan bago tuluyan sumakay sa kanya kanya naming service.

--
Pagdating sa bahay ay agad akong nagbihis at pagkatapos ay hinanap ko si Mama. 8pm na, wala pa sya? Natraffic din siguro..

Habang naghihintay kay Mama ay naisipan kong magbukas ng social media at ichat yung mga kaibigan kong adik sa ML para ayain silang maglaro na..

"Mga besh ano na? Di pa kayo nakakauwi? Tara let's play na" chat ko sa gc namin

"Wait besh kain lang ako saglit" reply ni Kyzha

"Charge ko muna phone ko" si Kare

"Ayy sige sige, yung dalawa nasan na?" tanong ko sa kanila

"Maya maya mag online na din mga yun" sabi ni Kyzha

"Okay sige chat na lang kayo pag G na ha" sabi ko at saka nag scroll scroll na lang sa facebook.

Ten minutes ang lumipas pero di pa sila nagchachat kaya naisipan kong maglaro muna mag isa.

Classic na lang muna para kahit matalo di mababawasan ng star hehe

Picking na ng hero, usually mage ang ginagamit ko. Paborito kong gamitin si Pharsa kasi sabi nila magaling ako pag yun ang gamit ko hehehe kaso naunahan na ako. May nag mage na kaya nag marksman na lang ako. Gamit ko si Lesley tapos mga kakampi ko sina Cecilion, Helcurt, Atlas at Layla. Wait, may Layla?! Ang obob naman nito. Nakitang may MM na nag MM pa ulit? Tsk! Ano ba yan!

"MM party ba ito?" Chat ko sa team mates ko. Wala lang, naiinis ako e.

"Hehehe" reply nung Layla user

At nakuha pa talagang tumawa? Lakas din ng sapak sa ulo neto! Kanser amp

Di ko na lang sya pinansin dahil baka maapektuhan pa ang laro ko matalo pa kami.

Sa halip ay nagchat na lang ako para sa tank user "Tank pasama sa red"

"Huy tank" chat ko ulit dahil di nya ako pinapansin.. Mas sinasamahan nya pa yung obob na Layla na yun di naman kumukuha ng buff. Hays!

Kanina pa ko dito sa harap ng creep na to. Di ko mapatay patay kainis! Request back up na ko ng request back up pero di pa rin ako pinupuntahan. Gigil ako sa tank na to ang obob mana kay Layla!

"Gg sa kakampi mga obob" chat ko ulit sa kanila

"Chill ka lang Lesley" sabi nung Cecilion user

"Obob tank p*ta" reply ko sa kanya

"Wag ka OA laro ka na lang jan" sabat nung tank user

"Obob ka wag ka na magML"

"Makapang tt kala mo naman rank to hahahaha"

"Edi wow" sabi ko na lang kahit inis na inis na ko. Bwiset na to sarap sapakin e tsk

You have been slain.. Nabalik lang ako sa ulirat ko nung narinig ko yun. Napatay tuloy ako, bwiset kasing tank to e!

Yes kasalanan nya, ininis nya kasi ko!

"Nu ba yan lesley" chat nung buset na tank user

"Obob ka kasi!" Reply ko sa kanya

"Hahahahahaha sabi mo e" pang aasar nya na naman ginigigil talaga ko nito e

Badtrip na talaga ako kaya di na ako nagreply pa at nagfocus na lang sa laro..

Malapit na maubos ang tore ng kalaban. Nakakadami na din kami ng napapatay. 5 7 12 ang score ko samantalang 9 1 9 naman kay tank. Magaling naman pala tong bwiset na to mali nga lang ng sinamahan. Dapat ako sinamahan nya di yung Layla na yun edi sana ako ang mvp mamaya pag nagkataon. Tsk!

Pasugod na sana kami sa base ng kalaban ng biglang tumawag si Seth dahilan para mag lag ang laro ko at mapatay ako ng kalaban

"Kaya pa lesley? Hahahahaha" pang aasar na naman nung bwiset na tank

Magrereply na sa na ako ng biglang....

VICTORY!

Tapos na ang laro, panalo kami.

These allies are great!

"Ang bobo ko naman, MVP lang" sabi na naman nung tank user na yun.

K0722 commended you..

Yabang! Sabi ko na lang sa isip ko. Di ko na sya nireplyan kasi mejo napahiya ako. Ang galing nya. Tank hero ang gamit nya tapos sya mvp? Wews! Edi sya na..

ML With YouWhere stories live. Discover now