Follow Back

113 11 12
                                    

JILYAN's POV

Pagkatapos ng laro na yun ay nag log out na ako ng ML ko. Sinabi ko kila Seth na hindi na ako sasali sa kanila maglaro. Ewan ko ba, nawala ako sa mood. Naiinis ako! Buset na tank yun ang yabang. Psh!

Nagbasa basa na lang muna ako ng mga chika sa twitter, wala pa din kasi si Mama nasan na kaya yun? Tsk pasaway! Gabi na di pa umuuwi ng bahay sarap igapos! Char joke lang baka ako ang igapos ni Mama haha

Habang nag i scroll sa twitter ay tumawag sa gc ng squad namin si Kyzha

Akala ko ba naglalaro itong mga to?? Bakit natawag? bulong ng isip ko

Nag join ako sa group video call kahit na wala ako sa mood. Baka umokay ako pag nakausap ko mga kaibigan ko hehe

"Oh? Akala ko ba maglalaro kayo?" bungad na sabi ko sa kanila

"Usapan kasi TAYO maglalaro di ba? As in TAYONG LIMA" nang aasar na tugon ni Kare. Diniinan pa talaga yung salitang "tayo" kaya umirap na lang ako. Pero hindi sya yung inirapan ko ha.hehe

"Bakit pwede naman maglaro ng kayo lang ah?"

"Eh bakit ba kasi ayaw mo? Naglaro ka nga nung wala kami tapos ngayon na sasali na kami biglang ayaw mo na" pagtatampo ni Seth

"Wala na ko sa mood" tipid na sagot ko

"Si Jilyan wala sa mood? Aba bago yan ah! Hahaha madalang ka mawala sa mood, pag may menstruation lang. Nagkaron ka na? Halos sabay sabay tayong nagkakaron nila Kare di ba?" dire diretso namang sabi ni Kyzha

"Wala! Naiinis lang ako!"

"Kasi talo kayo sa laro nyo kanina? Hahahaha" pang aasar naman ni Aljon

"Wag mo masyadong dibdibin yun classic lang naman e, di ka nabawasan ng star hahaha" dugtong pa nya at tinignan ko naman sya ng masama..

"Nakakatawa yon Aljon?" inis na sagot ko naman sa kanya

"Kung di yun dahilan e ano nga nangyari? Bakit wala ka sa mood beshy?" Si Kyzha

"Wala yun, buset sya.."

"Sya??" Sabay sabay na tanong nilang apat

"Ay wow? Kailangan sabay sabay?" Hirit ko pa at nagtawanan naman sila. Natawa na rin ako haha abnoy talaga tong mga kaibigan ko

"Sinong SYA beshy?" May jowa ka ba? Di namin alam yan ah? Ikaw ha di ka nagkukwento sa amin!" sunod sunod na naman na sabi ni Kyzha. Ang daldal talaga! Haha

"Sino yan Jilyan Pilones, ha?! Kikilatisin muna namin dapat yan!" masungit na sabi ni Aljon. Protective talaga yan sakin. Pag may nagbabalak manligaw sakin kinikilala talaga nila. Ini stalk pa nga sa social media e hehe

"Wala nga! Kung anu ano agad iniisip nyo e. Yung kalaro ko lang sa ML kanina"

"Ano mayron sa kalaro mo besh?" Kyzha

"Eh paano nakakainis!" Parang batang sumbong ko sa kanila

"Ano ba nangyari? Tinrash talk ka? Haha" Seth

"Hindi nuh! Ako nang trash talk sa kanya hehe"

"Ikaw pala nang trash talk bakla, eh bakit ikaw pa yung naiinis ngayon? Gulo mo din eh" Karina

"Pano kasi sinabihan ko syang bobo kahit magaling naman pala sya"

"Awit hahaha bakit mo sinabihan ng bobo?" Seth

"Ganto kasi yun, lesley kasi gamit ko tapos sya tank. Nagpapa sama ako sa kanya mag buff di nya ko sinamahan! Request back up na ako ng request back up sa kanya pero di nya ko pinapansin. Mas sinasamahan nya pa yung Layla" kwento ko sa kanila

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 03, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ML With YouWhere stories live. Discover now