Chapter 2

206 16 2
                                    

Sam

“Sam wala pa. Magbibilang ako diba?” sabi ni Eli kaya napakunot ang noo ko.

“Wala naman akong ginagawa. Baliw ka ba?”

Narinig ko ang mumunting halakhak nung tatlo sa likod ko. What now bitches?

“Ulit nga. Bibilang ako ah. Wag kang paladesisyon.” sambit pa ni Eli na kita sa mukha na gustong gusto na niyang tumawa.

“I swear to god, Eli.”

At sa wakas, tumawa na nga silang apat. Tuwang tuwa sila guys. So napagtripan na naman ako?

“Pasend ako Eli.” natatawang sabi ni Francine habang pinapanood yung video ng pagmumukha ko.

“Seriously guys?”

“Well pinagtripan ka lang naman nila, Sam.” biglang sambit ni Ana kaya natigilan yung tatlo. Nakita ko din ang pagtabig ni Camilla sa tagiliran ni Ana.

These witches.

“Stop doing that, Camilla. And Sam, diba sabi ni Eli kelangan niyo magwacky or magpakita ng ugly face and shits pagbilang niya ng tatlo?”

Dahan dahan nilang tinago ang mga phone nila at umiwas ng tingin sakin. Medyo nagegets ko na.

“So ayun. Hindi ka pa nagpopose diba? Then sabi niya di pa siya nagbibilang. In short, gusto niyang sabihin na ang panget mo Sam.” sambit ni Ana at ngumiti.

Oh. I see.

“Nice one, Ana.” nakapoker face na sabi ni Eli.  

“Thanks! I'm gonna excuse myself muna dahil need ko na kumain. Anong oras na din. Bye bitches!” masayang sambit nito at bineso kami isa isa. Umalis nadin ito pagkatapos.

“Parang gusto ko na din kumain. Kayo ba Francine? Camilla?” rinig kong sabi ni Eli. May balak pang tumakas.

“Nagtext si Ana. Babalik siya kasama na yung foods natin. Stay here.” sabi ko kaya agad silang napabalik sa mga upuan nila.

“Si Eli talaga may pakana ng lahat, Sam. Dinamay niya lang kami.” depensa ni Francine. Nakita ko ang panlalaki ng mata ni Eli.

“Excuse me? Umayaw ako una palang dahil alam kong magagalit si insan noh.” sagot naman ni Eli.

Tinignan ko si Camilla at hinintay ang sasabihin niya. Mukhang may idedepensa din e.

“I think I just saw one of the Salazar siblings....”

Sino daw?

“WHO? BAKIT DI KA NAGSABI YOU SELFISH HUMAN BEING.” sabi yan ni Eli at halos may lumabas na laser sa mga mata niya.

“Sina Theo? Walang silang pasok Saturday ngayon.” biglang sambit ni Francine kaya napatingin kaming tatlo sa kanya.

Theo? Sino naman yun?

“Sali ako sa topic niyo.” singit ko at ngumiti sa kanila.

“Oh right. Hindi mo pala kilala ang Salazar siblings. Kakatransfer mo lang pala yesterday.” sambit ni Francine at umayos ng upo. “Pano ko ba to sisimulan.”

“Ako na Francine. Baka puro si Theo lang ikwento mo.” singit ni Eli at ngumiti ng nakakaasar kay Francine. Inirapan lang siya ni Francine.

Napatingin ako sa katabi ko na si Camilla na kasalukuyang nakatulala sa kawalan. Napano naman to?

“Earth to Camilla?”

“Ay. Istorbo ka kinakasal na kami e.” sabi nito at tumayo. Hindi ko alam kung anong sinisilip niya sa labas.

She's Taming The Salazars || seulrene ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon