Chapter 3

169 13 0
                                    

Zac

“Manang parequest naman.” nakangiti kong sabi kay Manang ng makababa kami.

“Yung mga pusa ba yan ha Zac?”

Napakamot ako ng ulo at tumango. “Yung tubigan kasi nila Louis malapit na maubos. Papalagyan ko po sana.”

“Sige ichecheck ko mamaya. Dalian niyo nalang dyan baka malate kayo.”

“YES! Thank you Manang! Alabyu!”

Yeheyyyy! Di na mauuhaw mga babies ko.

“Paxton sabay sabay na tayo.” rinig kong sabi ni Theo.

Hindi ko narinig na sumagot si Paxton dahil dire-diretso lang siya palabas. Sumunod na din ako sa kanya.

“Paxton sabay sabay daw tayo.” tawag ko kay Paxton na kasasakay lang ng kotse niya.

Normally kasi sabay nga kaming umaalis ng bahay pero hiwa-hiwalay kami ng kotse. May sarili kaming kotse bakit ba. Mag-aral kasi kayo ng mabuti para bigyan kayo ng parents niyo. Joke. 

“Mauuna na ko. Susunduin ko pa si Ynna.” sagot yan ni Paxton at pinaandar ang kotse niya. Gaya ng ginawa niya kahapon, humarurot na naman ang kupal.

“Bakit hindi mo pinigilan?!” sigaw sakin ni Theo at mabilis akong binatukan.

“Humarurot siya anong pipigilan ko don?” reklamo ko at hinimas ang ulo ko. Sinisimulan ako ng mga mabubuti kong kapatid ah.

“Lika na nga.” inis nitong sabi at sumakay ng kotse niya. Sumakay na din ako.

Napatingin ako kay Theo. Di pa kasi niya inistart yung kotse. Nag-aalala na naman ang kupal. Masyado niyang dinidibdib yung pagiging santo niya.

“Malaki na yon si Paxton. Yaan mo na siya.” sabi ko at nilabas ang headphones ko.

Wala lang lalagay ko lang sa ulo ko para wala akong marinig na sigawan mamaya. Mababasag na naman eardrums ko mamaya. Hays.

Hindi ko siya narinig na nagsalita pa dahil pinaandar na niya yung kotse.

Makapagchat nga muna sa gc. Gising na kaya mga alipin ko.

Samahan ng mga Walang Kasama sa buhay

Wag na kayo maingget sa name ng gc namin. And nga pala gc lang namin tong magkakaibigan. Pake ko sa gc namin sa room.

katiemiese
: goodmorning slapsoils. papasok ba us?

valbon
: may pasok ba?

kitkat
: wala. pauso lang yang si butera

zacpogi
: mga hindot lunes ngayon. may 1 hour and 30 minutes nalang kayong natitira

kitkat
: GAGO???????

katiemiese
: zac is not studying naman. don't make tiwala to her 

katiemiese
: where is paxton?

valbon
: TANGINA LUNES NA BA?!

Tangina ng mga to. Bat nga ba nagbukas pa ko ng gc?

valbon
: gaga ka butera pinsan mo si paxton. wag mo ng pantasyahin

kitkat
: tsaka may ynna na yon. wala kang laban don

zacpogi
: e kung naliligo na kayo mga ungas. bala kayo walang kopyahan ng notes

She's Taming The Salazars || seulrene ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon