CHAPTER 12

126 5 5
                                    

“mahalin mo ang anak ko…” ang lumabas sa bibig ni chairman choi..nagulat si ping sa mga narinig niya ngunit wala itong maisagot sa chairman.

“bakit? Ayaw mo sa anak ko?” tanong ulit ni chairman chio.

“mawalang galang na po chairman..pero….” hindi na niya naituloy ang isasagot dahil papalapit nap ala si youngdo…

Kararating lang nila youngdo at mickey galing sa airport at ito ang nadatnan ni youngdo sa dining.Ang kausap nang dad niya si gabby.Hindi niya alam kung ano ang pinag uusapan nila pero alam niyang hindi gagawa nang mabuti ang dad niya.

Lumapit si youngdo at hintak niya ni gabby.Nagulat si gabby sa naging reaksyon nito.

“youngdo…sandali lang” higit higit siya ni youngdo papalayo sa table kung saan nag uusapan  sila nang chairman.Walang imik si youngdo at naiwang nag iisa ang dad niya sa dining.

Pero bago pa dumating sila youngdo sa hotel matagal nang kausap nang chairman si gabby.Maraming katanungan hindi nasagot si gabby at marami din syang nalaman tungkol sa katauhan ni youngdo.Hindi alam ni gabby kung bakit siya kinausap nang chairman…at sinabing mahalin daw niya si youngdo? Pero bakit? At para saan? Ang mga tanong na hindi masagot ni gabby.

Hatak hatak pa rin ni youngdo ang kamay ni gabby.Saka na lang binitawan nang makarating sila sa likod nang hotel.

“youngdo! Bakit ba? Anong problema mo?” ang naiinis na tanong ni gabby habang sapo-sapo ang namumulang niyan kamay.

Hindi makasagot si youngdo dahil hindi niya alam kung paano ipapaliwanang ang lahat.

“kilala mo ba si chairman choi? Bakit ganun na lang ang reaksyon mo kanina?” kunwaring wala pang alam si gabby.Dahil ang gusto niya si youngdo ang aamin kung sino talaga siya.Matagal na niyang alam ang lahat..pero naghiihintay pa rin siya sa paliwanag ni youngdo.

“gab…” nagaalangan pa rin si youngdo..

“ano? Sabihin mo na…”

Ngunit biglang tumunog ang phone ni gabby…at tumatawag pala si ethan.

“oh..pong(ethan)…bakit? dito pa ako sa work but off ko na rin naman..”

“im going there..wait for me…”

“ok hintayin kita dun sa harap nang 7/11..bilisan mo ha”

At sabay tago nang phone niya…

“oh ano? Sasabihin mo ba? O saka na pag ready ka na…” paulit ulit na tanong ni gabby sa kanya.

“anong sinabi sayo ni chairman?” balik tanong ni  youngdo.

“ahhh yun ba? Wala naman..di yun importante…”

“are you sure na wala siyang sinabi sayo?

“wala nga…siya sige na….uuwi na ako..saka na tayo mag-usap.” At sabay talikod ni gabby sa kanya.

“ayaw mong aminin ha? Bahala ka sa buhay mo! Mahalin daw kita sabi nang dad mo? Huh! Sorry my mahal na akong iba” mahinang sabi ni gabby habang papalyo kay youngdo.

At naiwang mag isa si youngdo na nagaalangan pa rin kung paano niya aaminin ang lahat.Ang di niya maintindihan ay kung bakit kinausap nang dad niya si gabby.At iyon ang aalamin niya.Dahil lama niyang hindi gagawa nang mabuti ang dad.Natatakot siya sa maaring kahantungan nang pag uusap na yon.

Naghihintay si Gabby na tulala sa tabi nang 7/11.Hindi niya napansin na dumating na pala si ethan.Kung hindi pa siya binusinahan nang ilang beses.At nang marinig dali dali itong pumunta sa kotse at saka pumasok.

JOURNEY OF LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon