CHAPTER 13

138 6 0
                                    

Pagkatapos nilang mag-usap….bumalik si youngdo sa hotel..dahil may usapan sila ni ping…..to have dinner together.

Hindi sinabi ni ping kay ethan na may usapan sila ni youngdo dahil alam niyang hindi siya papayagan…kaya gagawin niya nang hindi nagpapaalam kay ethan.Dahil marami siyang sasabihin kay youngdo at marami din siyang dapat marinig dito.

Dumating si youngdo sa hotel at nakitang naghihintay nga si ping sa kanya sa may labasan….

“sana mapatawad mo ako gabby sa maririnig mo mamaya sa kin…di ko naman ginusto to…di ko akalaing ganito ang mangyayari dito sa akin sa pilipinas…..ang mahalin ka…” sa loob-loob ni youngdo habang papalit siya kay gabby.

Tumayo agad bigla si ping nang Makita si youngdo…”oh….nandito ka na pala…kanina pa ako naghihintay sa yo dito..saan ka ba galing.?”

“tara na…” sabay kuha niya sa kamay ni ping.

“teka!...saan ba tayo pupunta?”

“kakain…” ang maikling sagot ni youngdo.

Ipinasok niya sa kotse niya si ping at isinara ang pinto…Habang nasa daan…walang imik si youngdo…si ping naman pilit na binabasag ang katahimikan…

“ahhhh..youngdo…saan ba tayo pupunta? Wag na tayong lumayo ha…ditto na lang tayo sa malapit…” sabi ni ping.

“bakit? Para sunduin ka agad nang bestfriend mo?” parang di maganda ang timpla nang mood ni youngdo.

“ah….eh…magagalit kasi yun eh kapag gabi na ako uuwi…tska…..” biglang nagulat si ping nang mabilis na mabilis na pinatakbo ni youngdo ang kotse niya….

“ayokong marinig ang pangalan niya! Pwede ba? Gabby?” makikita sa mga mata ni youngdo ang galit.kaya natatakot si ping sa mha oras nay un.

“bakit ka ba ganyan? Anong problema mo?” nangangatal na tanong ni ping.

“wala akong problema! Bakit ganun ha?! Lahat na lang nang malapit sa akin…inilallayo sa akin?! “ may mag luhang namumuo sa mga mata ni youngdo…naiiyak siya dahil sag alit na matagal nang nasa puso niya…

“ipara mo muna ang kotse…please…pag usapan natin yan…youngdo” pilit na pinapakalma ni ping si youngdo.

Huminto ang kotse sa tabi nang tulay…pilit na itinatago ni youngdo ang mukha niya kay ping…ayaw niyang makitang umiiyak siya…dahil kahit ganun siya katapang…may kahinaan din naman siya…

“youngdo….alam ko…mabigat ang dinadala mo ngayon…u can cry….isipin mo na lang na wala ako dito…gagaan ang loob mo kapag inalabas mo yang sama nang loob mo…” ang comfort naman ni ping.

At doon…hindi na napigilan ni youngdo ang umiyak….nang malakas…lahat inilabas niya…sama nang loob sa ama…at sa katotohanang….ang taong mahal niya ay may mahal nang iba.

Halos ilang minuto ding hinayaan siyang umiyak ni ping…naawa din naman si ping sa nakikita niya…at doon bumalik ang pinag usapan nila ni chairman choi.

Flashback…………

“mahalin mo ang anak ko…..” sabi ni chairman choi sa kanya.

“pero chairman…..”

“yun lang ang alam kung paraan para sa anak ko..para lumigaya siya”

“mahirap po yang pinagagawa niyo sa akin chairman..hindu po natuturuan ang puso…mabait po ang anak nyo…masipag po siya..maalalahanin at mapagmahal…hindi nyo lang po nakikita ang lahat nang iyon…chairman..” ang sabi ni ping habang nakatitig kay chairman.

JOURNEY OF LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon