Pauwi na ako galing school nang makita kong may nakaparadang sasakyan sa tapat ng bahay namin. Nang makilala ko kung sino ang may-ari nito ay mabilis akong tumakbo papasok sa bahay. Naabutan ko siyang nakaupo sa tapat ng computer, katabi niya ang kapatid ko at mukhang naglalaro sila."Anong ginagawa mo rito?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
Lumingon silang dalawa sa akin. Tumayo si James at ngiting-ngiting lumapit sa akin. "Ate! Ikaw huh... hindi mo sa akin sinabi na close kayo ni Kle— Kuya Klein pala," masayang pahayag ng kapatid ko. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Dahang-dahang lumapit sa akin si Vincent. "Hi," nauutal na bati niya at kumaway pa nang bahagya.
"Bakit ka nandito?" tanong ko.
"Uhm..." Nakatingala akong nakatitig sa kanya, hinihintay ang sasabihin niya.
Ang tagal niyang sumagot kaya nilapag ko muna ang backpack ko sa sofa at muling humarap sa kanya. "Bakit?" muling tanong ko. Hindi niya malaman ang sasabihin dahil panay ang tingin niya sa kanan at kaliwa, napakamot na lang siya sa leeg niya at yumuko.
"Ate, ano ka ba? Bakit ka naman ganyan makipag-usapan kay kuya." Tumingin ako kay James na nakatayo sa kaliwa ko. Kinunutan ko siya ng noo dahil naguguluhan ako, mukha namang naintindihan ang ekspresyon na pinakita ko kaya nagsalita ulit siya. "Ate... si Kuya Klein, siya yung sinasabi ko sayong idol ko... 'yung pinapanuod ko sa TV." Tinuro niya pa si Vincent na nakayuko sa tapat ko habang nasa likod ang dalawang kamay.
"Wait... ikaw 'yon?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya at itinuro pa siya.
"Seryoso ka, 'te? Hindi mo alam?" hindi rin makapaniwalang tanong sa akin ni James.
"Pwede ba, James?!" sigaw ko sa kanya. Umalis siya sa harap ko, mukhang napahiya sa ginawa ko. Tumingin ako kay Vincent na nakayuko pa rin sa harapan ko. "Bakit hindi mo sinabi?!" naiinis na tanong ko sa kanya.
"Kleir, bakit ka sumisigaw?" Hindi ko namalayan ang pagdating ni Mama, tumalikod ako at humarap sa kanya upang magmano at halikan siya sa pisngi. "Bumili lang ako ng lulutuin para sa hapunan natin." Tumango ako at lumapit naman si Mama kay Vincent. "Iho, dito ka na maghapunan." Tinapik siya ni Mama sa balikat at nagtungo na sa kusina.
Nagkatinginan kaming dalawa at bahagya siyang ngumiti sa akin. Hinila ko siya palabas ng bahay namin para kausapin siya. "Bakit ka pumunta rito?" mahinahong ngunit seryosong tanong ko sa kanya.
"Are you mad?" malungkot na tanong niya sa akin hindi ako sumagot, bagkus, umupo ako sa mahabang upuan na nasa tapat ng bintana nitong bahay namin, umupo rin siya malapit sa tabi ko. "I'm sorry," sabi niya at yumuko.
"Bakit hindi mo sinabi na ikaw pala yung tinutukoy ng kapatid ko?" Humarap siya sa akin.
"I asked you.. kung kilala mo ako then you answered no."
"Pero, bakit hindi mo pa rin sinabi?""Because I want you to know me who am I. Ayokong makilala mo ako dahil lang sa nakikita ako sa TV na naglalaro ng basketball o kung ano pa, and hindi ko sinabi dahil baka layuan mo ako." Naguluhan ako sa huli niyang sinabi kaya napakunot ang noo ko. "Look, If you're mad because I didn't bother to tell you who I really am and coming in your house without telling you then I'm sorry. I'm very sorry." Tinitigan ko ang mukha niya at nararamdaman ko na sincere siya sa sinasabi niya.
"Hindi naman ako galit," malumanay na sabi ko at bahagya naman siyang ngumiti sa akin. "Nagulat lang ako dahil nandito ka tapos ikaw pala 'yung sikat at idol ng kapatid ko." Nakakagulat lang talaga na bigla siyang pumunta sa bahay, hindi naman kasi kami super close. "So... bakit nga pala nandito ka?" dagdag ko pa.
BINABASA MO ANG
Klein & Kleir
Teen FictionVincent Klein Madrigal. A star player and captain of Eastwood Basketball Team. One day, they were on their way home from the venue of their game, he suddenly looked on the bus next to the coaster they were riding. When he saw the girl opposite his w...