MITCHIE'S POV
So yeah.. on the way na kami sa new house. Mamimiss ko yung pinakamamahal kong kwarto! hays, after all these years na ikaw lang ang nalalabasan ko ng sama ng loob tapos iiwan lang kita?! nagi-guilty tuloy ako huhu..
"Basta sakin yung malaking kwarto!" sabi ni Mikiel, ang napakabait kong kapatid.
"Haha. edi sayo na.. go!" sabi ko na napatingin nalang sa labas ng bintana. As if naman na ibibigay sayo ni mader yun!
Nauna na kami ni tito tska ng kapatid kong mabait kasama ang mga bagahe namin, susunuod nalang daw sila mom and dad kasi hindi na kasya.
"Ang taba kasi ni ate kaya hindi na kasya sila daddy" medyo natatawa niyang sabi.
"Excuse me! sa sexy kong to? ha? hiyang hiya naman ako sa tyan mong six packs!" I bursted out laughing, totoo naman.. tabachoy kasi eh xD
"Tama na kayong dalawa.. masyado niyo nang mahal ang isa't isa." sabi ni tito habang natatawa sa sinabi ko.
At sa wakas! after 2342746 hours nakarating din kami sa destination namin! kaming dalawa lang naman ni kapatid napanganga nang makalabas ng kotse.
"To-totoo ba to?" naka-ngangang sabi ni Mikiel.
"Hindi ata.. gisingin mo ulit ako" nakatulalang sabi ko sa bahay.
"Mga bata pasok na.. para kayong taga-bundok, di pa ba kayo nakakita ng bahay na may second floor?" binuksan na ni tito yung gate pati pintuan.
"Papasok na ko bleeh!" sabay takbo niya sa loob. Ako? ayun nakatingin parin sa bahay.
"Chie! tulungan mo ko magbuhat ng mga kahon tama na ang kakatulala diyan!" sigaw ni tito na paakyat ng hagdan sa loob.
"O-opo!" pumunta ako sa loob ng kotse para kuwain yung ibang kahon.
Nang bubuhatin ko na yung kahon.. may napansin akong lantang puno na ilang lakad lang ang layo samin.. ang ganda, kaya nabitawan ko yung kahon at naglakad papunta dun.
"Wow.. ang ganda." nakatingin lang ako kung saan saan pero ang naka-attract talaga sa mata ko eh yung.. puno na sinasabi ko.
"Bakit kaya may ganito dito.. alam ko summer ngayon ah.. di-electric kaya yung mga puno dito?" nakatingin lang ako sa halaman na nalalaglag mula sa puno. Umupo nalang ako sa nagiisang bench malapait dun sa puno. Napatingin ako sa langit, ang ganda rin.. match sila ng puno na malapit sakin ngayon. Nagulat nalang ako ng biglang.....
*CLICK*