Ako ay si Rufino Magos. Marahil, nabasa na ninyo sa mga
aklat ng kasaysayan ang aking pangalan, ako ang batang
kasama ni Dr. Pio Valenzuela nang nagpunta siya sa Dapitan
kasama ang isang bulag. Ang pakay namin sa Dapitan ay
makausap si Dr. Jose Rizal para mamuno ng rebolusyon.
Gusto kong ikuwento sa inyo ang mga pangyayari noong
rebolusyong 1896, at ang buhay ni Supremo, si Gat Andres
Bonifacio. Maraming mga naisulat tungkol kay Gat Andres, ang
mga iba ay malapit sa katotohanan, ang mga iba naman ay
sadyang mga kasinungalingan. Gusto ko lamang ituwid ang mga
pangyayari. Palagay ko naman na ako'y may karapatang
isambulat sa inyo ang mga pangyayari, dahil ako ay naroon.
Maaring sabihin ninyo na ang aking istorya ay isang bahagi
lamang ng katotohanan. Inaamin ko na may bahid ng pagkiling
ang aking kuwento, ngunit sino sa atin ang walang
kinakatigan. Totoo iniidolo ko si Gat Andres. Kailangan ng
mga bata ang isang idolo, lalung lalu na sa panahon na may
mga kakulangan ng mga bayani.
Ang kuwentong ito ay sa pananaw ng isang bata na mapalad na
nabuhay noong mahalagang yugto ng ating kasaysayan....
Scene 1_
[Setting: marketplace. People are going about their
business, buying and selling goods, or just standing around.
Pinoy is somewhere in the center, selling fans. Background
music, combined with the sounds of a busy marketplace.]
Babae 1: (seeing Pinoy) Nalakasipag na binatilyo.
Babae 2: Ikatutuwa siya ng kanyang ina.
[Pinoy hears them and approaches them]
Pinoy: Magandang araw po, mga senyora. Hindi ho ba't
sadyang kay init ng panahon.
Babae 1: Oo, iho, tama ka. At alam kong
papakinabangan ko yang paninda mo, hindi ba?
Pinoy: Opo, opo.
Babae 2: Magkano ba?
Pinoy: Isang peseta lang po.
Babae 2: Aba'y napakamura naman pala. Heto ang limang
peseta at bigyan mo kami ng dalawa. Sa iyo na ang sukli.
Pinoy: Maraming salamat po.
Dona V: Que Barbaridad Fausto. Napakabagal mo naman
maglakad. Dalian mo at mahuhuli tayo sa handaan ni Dona
Betsay. O, Neneng lakas lakas mo naman ang pagpaypay.
Tingnan mo at tumatagaktak ang pawis sa noo ko. Aba'y baka
mapatakan ang aking kuwintas at singsing. Galing pa ito sa
Barcelona at Madrid.
Pinoy: Senora bili na po kayo ng pamaypay!
YOU ARE READING
Ang Bata at Ang Supremo
Historical FictionAko ay si Rufino Magos. Marahil, nabasa na ninyo sa mga aklat ng kasaysayan ang aking pangalan, ako ang batang kasama ni Dr. Pio Valenzuela nang nagpunta siya sa Dapitan kasama ang isang bulag. Ang pakay namin sa Dapitan ay m...