Zane P.O.VOne week na simula ng mag aral ako dito. Wala pa akong naging Kaibigan dahil nagbanta yun M3(miss) NA MUKHANG HIPON / M3NMH :3 yan ang tawag ko sakanila. Tinakot nila yung mga studyante na ang sinumang makikita na kumausap saken eh maalalagot daw sakanila kaya eto ako ngaun sa library haha tambay lang dahil vacant eh. Ilag na saakin yung mga studyante. Hmp. Eto daw yung nakukuha ko dahil kinalaban ko daw yung tatlong babaeng yun . Kala naman nila kung sino tsk.
Dahil ang vacant ko ay 2hours at ang boring dito sa library naisipan kong pumunta kay sir TJ. Nitong mga nakaraang araw si sir TJ ay parang naging kuya ko na. Sya ang gumagabay saakin dito sa school. May tanong kase ako kaya itatanong ko sakanya baka alam nya . Tsaka ngaun ko lang naisip yung tanong na yun eh haha makaklimutin na talaga ata ako :3
*tok **tok* *tok*
"Come in" sabi nya kaya binuksan ko na yung pinto.
"Oh Ikaw pala Zane maupo ka " sabi nya ng makita kung sino ako
" sir--" putol na sabi ko
" sabi ko sayo tawagin mo akong kuya :) " sabi nya saakin. Hindi ko alam kung bakit pero sabi nya saakin na simula daw ngaun eh tawagin ko daw syang kuya :3 kaya no choice ako
" kuya TJ sino po ba yung tatlong babae na nakaaway ko nung first day? Bakit takot sakanila yung mga studyante?" Sabi
ko"Yung tatlong babae na feeling Reyna dito? " sabi ni KUYA TJ
"Opo" sabi ko habang natatawang sa sinabi nyang feeling reyna
" sila yung may pinakamalaki na shares dito sa university. Ang leader sakanila ay si Preenie De Guzman ang mataray , masungit at mainitin ang ulo. Mabilis syang mainis. Kawawa ang taong mapagbubuntungan nya ng inis. Ang kanyang titulo ay "the queen". Si Ressy Santos ang pangalawa na may malaking shares sa university. Sya yung englishera at laging sossy ang kanyang dating. Ang tawag naman sakanya eh " the most sossy" . Si Lexy Castro ay ang babaeng mahilig mag make up. Wala syang pake kung makapal o hindi , ang gusto nya lang eh maging maganda sa mata ng mga studyante. Ang tawag sakanya ay " the most sexy" dahil hindi mo maipagkakaila na ang sexy ng katawan nya. Kita mo naman siguro yun diba? " sabi ni kuya saakin
Tumango nalang ako Bilang pag tugon sakanya. Kaya pinagpatuloy nya ng kanyang sinasabi.
" sila ay magkakaibigan mula nung bata pa sila. Apat silang magkakaibigan. Tunuring nila ang isat isa na parang magkakapatid pero may nangyari kaya nahiwalay sakanila ang isa nilang kaibigan. " - kuya TJ
" ah ganun po ba. Eh ano naman po yung sa tunog ng bell na ting! ting! "- me
"Ah yun ang sign na ibig sabihin kailangan na pumunta ng mga studyante sa gym. " - kuya TJ
" eh? Sila nagpapapunta? Ano naman ginagawa nila dun?" Sabi ko eh sa na curious ako eh
" Utos ng principal. Sila lang ang nakaassign na mag tawag. Pag may nalate sila ang mapapagalitan. Kaya ganun na lang sila makareact. And they get what they want. Alam nila yon. " - sir TJ
" so ano na nangyari du--- " putol nanaman na sabi ko -__-
" Oras na para sa klase mo Zane haha masyado ka atang nadala ng curiosity mo ." - kuya TJ
Tinignan ko ang orasan at ayun time na nga para sa next kong subject buti sinabi ni sir-- este ni kuya TJ fufufu :3 haha masyado nga ata akong nacurious.
" sige po aalis na po ako " sabi ko sabay talikod
" lahat ng ginagawa nila ay may dahilan kaya wag mo silang husgahan. " sabi ni kuya TJ bago ako makalabas ng pinto.
" ha?" Sabay lingon kay kuya TJ pero nag shrugs lang sya kaya tuluyang na akong umalis.
Kevin P.O.V
Nasan na kaya sya. Tsk. Kanina ko pa yun hinihintay dito sa room eh. Tapos na ang vacant namin wala pa sya dito.
" bwiset yung babaeng yun di porket transfer student sya dito eh pwede na syang Pumunta sa office ni sir " sabi ng isa naming babae na kaklase I bet na si Zane yun haha sya lang kase ang transfer student dito eh :3 at sya ang laging usap usapan dito sa campus.
Lumabas na ako para hanapin si Zane dahil malapit ng magklase pero pag bukas ko ng pinto ay may nabunggo ako. Ge. Eto nanaman tayo. Tsk. Ang Tagal naman mag react kaya tinignan ko kung sino si Zane pala. Tignan mo nga naman ang tadhana haha sya nanaman yung nabunggo ko.
"Sorry Zane haha hahanapin Sana kita akala ko nakatulog ka na sa library. " sabi ko dahil minsan nasabi nya saakin na lagi syang nandun sa library tuwing vacant.
" Ikaw pala yan Kevin . Ok lang noh. Kinausap ko lang kase si sir TJ eh. " sabi nya ng nakangiti kahit simple sya maganda naman yung ngiti nya. Corni ko hahahah
" nga pala may sasabihin ako sau pagkatapos ng klase natin " sabi ko sakanya sabay talikod para pumunta na sa upuan.
Zane P.O.V
Malapit nang matapos ang klase . Ano kaya yung sasabihin ni Kevin? Psh. Oo nga pala nakalimutan kong sabihin sainyo na kaibigan ko na si Kevin.
* flashback *
Nandito ako sa canteen para bumili ng pagkain. Pumwesto ako sa dulo sa my tabi ng bintana para wala gaanong makapansin saakin.
" hi miss. Pwedeng umupo? " sabi nya
" sige lang " sabi ko dahil busy ako sa pagkain ko. Gutom na kasi ako eh :3 di ako nag breaktime kaya ayan -___-
" ako nga pala si Kevin Gonzales "sabi nya kaya napatingin ako sakanya
" ah. Ikaw si MR.READY pfft~ ahah " haha bigla akong natawa yung naalala ko yung itchura nya . Haha
" MR.READY?" Takang tanong nya saakin
" ikaw yung nabunggo ko nung first day . Yung may pinaghahandaan ka ata at ganun ang impression mo haha sabi mo pa nga akala mo magwawala ako eh XD " sabi ko sakanya
" ah. Hehe ganun kasi yung iba eh." Sabi nya sabay kamot sa ulo haha ang kyut nya tignan :3
" ako si Zane Cruz" sabi ko sakanya sabay ngiti tapos lantak ulit ng kinakain ko gutom nga ako diba? Haha
" nga pala bat sakin ka nakikishare? " sabi ko
" bakit di ba pwede? " tanong nya
" hindi naman kaso agaw attention ka eh. Tignan mo andaming nakatingin satin " sabi ko ng nakapout kase namn eh pumwesto nga ako dito para di makakuha ng attention eh tsk.
" haha " tawa nya kaya inubos ko na yung pagkain ko sabay alis na sa canteen pero bago pa ako makalabas ng canteen sumigaw sya.
"Basta friends na tayo Zane! " sigaw nya saakin kaya napatingin yung mga studyante lalo saakin. Nakakahiya kaya umalis na kaagad ako tsk. Sapilitan na pala ngaun ang pagkakaroon ng Kaibigan haha. Lol ang weird nya :3
* end of flashback *
" class dismissed " sabi ng prof namin meaning uwian na kaya inaayos ko na yung gamit ko.
" Tara sa library. " sabi ni Kevin kaya sinundan ko sya
" bakit mo namang naisip sa library tayo mag usap?" Tanong ko sakanya .
" diba yun yung favorite place mo haha loner ka kase eh " pangaasar nya saakin tsk. Baliw na sya
Nakarating kami sa library ng walang nagiimikan.
" oh ano sasabihin mo parang seryoso mo eh" sabi ko sakanya pagkaupo ko.
" ah- eh ano " sabi nya ,nu bayan di pa sabihin kaagad -_-
" pwede straight to the point na " sabi ko may gagawin pa kasi ako pupunta ako kay sir este kay kuya TJ hehe
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
A/N : next chapter po yung kasunod XD tamad ako mag update XD lol lalo atang pumangit yung story :3
Salamat pa rin sa pagbabasa nyo neto ^_^ kahit di maganda haha :D
BINABASA MO ANG
Oh My Boy Meets Oh My Girl (slow update~~~)
HumorIsang babaeng tinaguriang "Nerdy Girl" dahil sa kanyang salamin na suot suot at sa kanyang pananamit na rin na walang ka fashion- fashion. Isang lalaking tinaguriang "Mighty Boy" dahil sya ang kapatid ng may-ari sa isang university na pinapasukan ni...