Prologue

28 6 11
                                    

It was already 8 am in the morning nang biglang may pumitik sa noo ko. 

"Hoy gaga, anong oras na, antok na antok ka ghorl?" pagmulat ko, pagmumukha agad ni Hazel yung bumungad sakin.

"Antok pa ko. 5 minutes pa please." Ang lamig sa loob ng room ng hotel namin at ang sarap sa feeling ng comforter. Legit na nakaka comfort.

"Hindi pwede. Bumangon ka na diyan mag aayos pa."

Nagising nalang ang diwa ko at bumangon na 'ko.

"Oh Avi? Bat parang maga ata yung mata mo?." naka ngising tanong ni Eli.

"Awts. Okay lang yan Avi. Wag ka masyadong malungkot sa mga kinakasal. Ikakasal ka rin naman soon. 'Di ka pa naman masyadong matanda." Singit ni Adi.

"Pa'no ikakasal? Wala ngang jowa e." Dagdag ni Hazel.

"Ito kayong lahat." Then i raised my middle finger. "Hindi ba pwedeng naiyak lang ako sa pinanood natin kagabi?" Sabi ko sakanila sabay irap.

"Nako umagang umaga ginaganyan niyo si Avi." Pag aawat ni Vicki sa amin. Lumapit sa'kin si Vicki at binigyan niya ko ng hug with matching head pat.

"Alam niyo, para kayong mga tanga." Talagang kina-career nila ang pang-aasar sa akin huh.

Sabay-sabay na kaming pumunta sa cafe ng hotel para mag kape and mag brunch. Sa reception nalang kami babawi baka hindi pa magkasya mga damit namin. Isa pa naman ako sa mga bridesmaids. Hindi na rin kami nagpa-food service kasi gusto rin namin ma explore yung hotel and maaga pa naman.

2 pm ang kasal kaya picture picture muna kami.

After namin sa cafe ay bumalik na kami sa room namin at isa-isang naligo. Nag pe-prepare na kami para sa kasal ng friend namin mamaya. Sa hotel na rin ang venue ng kasal nila kaya hindi masydong hassle.

Sasabay na rin daw silang apat sakin magpa make-up para sulit daw bayad ni Madeline sa make up artists niya kahit ako lang naman ang bridesmaid niya sa aming lima.

Naghihintay na lang kami ng tawag ni Mads kung turn na namin mag pa ayos. Nasa hotel lang rin ang room ni Mads kung saan kami aayusan kaya madali lang makapunta.

Maya-maya ay nag ring na ang phone ko at tiningnan ko kung sino ang tumatawag. Si Madeline ang tumatawag. Ang friend ko na bride. Pinapapunta na kami sa room niya para ayusan ng make-up artist namin at para na rin sa pictorial.

Hindi naman kalayuan ang room namin sa room niya. Mga dalawang floors lang naman ang layo. Nasa 7th floor kami at siya naman ay nasa 5th floor. Sumakay na kami sa elevator para bumaba. Kaming lima lang ang sakay nito. Pero itong gagang Eli na ito, pinindot ang lahat ng floors. Sabi niya YOLO daw.

"First time mo makasakay sa elevator?"

"Hindi bakit? Pero first time ko'ng makapindot pindot dito." sabay dila niya sakin. Minsan isip bata talaga 'to e. Sarap isilid sa sako.

Bumukas ang pinto ng elevator sa 6th floor. May nakatayo at nag-aabang rin doon na isang lalaki. Malamang sasakay rin ng elavator pababa.

Papasok na sana ito ng bigla kaming magkatinginan. Napatinggin din sakin sila Vicki. Hindi ako nakagalaw at patuloy lang ako na nakatitig sa lalaki.

Sumarado na ang pinto ng elevator at hindi siya nakapasok.

"Nakita mo yon Avi? Woah!" Gulat na tanong sakin ni Vicki.

"Ikaw? First time mo makakita ng ex?" Pambawi sakin ni Eli.

"Awts. Di na gumalaw si Avi." Sabi ni Adi.

"It really hurtz mhie." Pang aasar rin ni Hazel.

After 6 years. Ngayon nalang ulit kita nakita ng personal. I missed you so much, Kade.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 01, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wishing An Upside DownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon