CHAPTER 3

2 1 0
                                    

'Ang galing talaga ni Laina mag broadcast'

Nagpahinga muna ako saglit ako kumuha ng water sa dispenser, buti na lang may plastic cups, hindi ko kasi dala ang water bottle ko.

Magkalapit lang halos ang water dispenser at ang lugar kung nasan sina KC at ang iba pa niyang kasama sa team. 

Nakatitig lang ako sa kaniya habang umiinom ng tubig.

Nakita niyang nakatitig ako sa kaniya.

Humawak siya sa dibdib hapang tinatap ito. Kinakabahan na ang baby ko, siya na ata ang sunod.

"..Narito si Karel Christine Bautista para mag-ulat" Ardie said proudly

Si KC na. Ayan na , nagsimula na siya. Sobra akong napaproud sa kaniya. Like, siya yon, si Karel to, si Karel Christine 'to, yung crush ko for 4 years!

"... sa San Isidro Labrador..." KC said and they all laughed. Hindi ko alam kung bakit sila nagtawanan kaya nakinig ako sa pag-uusap nila.

"Ms. Bautista, what happened?" Ms. Lacson said habang nanlalaki ang mata kay KC.

Ako yung kinakabahan para sa best friend ko.

"Ahm, Ms., San Isidro Labrador po yung nasabi ko sa halip na San Isidro National High School" KC replied while giggling.

Nagtawanan ang mga teacher na kasama ni Ms. Lacson habang siya ay naka freeze lang.

.

.

"Tama na! Mamaya na ulit kayo mag practice diyan, meron akong bagong newspapers na dala, ito naman ang asikasuhin niyo." Ms. Lacson said na parang nagagalit? ewan pero dahil kay KC kaya sila nagstop, may pang loko na naman ako sa kaniya, , ,

pero hindi ko siya lolokohin kapag naging kami.

Umupo muna ako sa bleachers ng mga 5 minutes para makapagpahinga ng konti.

at eto lang ako, nag iimagine ng mga pwedeng mangyari kung magiging kame ni KC.

"Sana maging kami in the future" sabi ko ng pabulong sa sarili ko.

"NINO!"

napahinto ako ng mga 5 seconds at lumingon ako sa likod.

ITS KC!!!!

Oh my GOD!!!

Anong sasabihin ko?!!!

Shet! Pano na?!!!

Akala ko ba may gagawin pa sila?!!!

ANONG ISASAGOT KO!!! CAN SOMEONE HELP ME WITH THIS SHT!!!

"Huh?" sabi ko habang nangangatal sa pagsasalita

"Hatdog! Sabi ko nino?!"

"Anong nino?" hanggang ngayon ay nangangatal pa rin ako

"Sino yung sinasabi mo?" pangungulit pa niya

"Na ano?"

"Anlaah!" with Batanguena accent

"Ang sabi ko, sino yung sinasabi mo na sana maging kayo in the future?" dugtong niya

Tumabi siya sa akin.

"Ah-eh-ahh-- haa? m-may s-ssinabi ba akong ganun?" I replied, mukhang nahahalata na niya.

"Wala daw!!!!" 

"Wala nga!"

"Siguro kay Meah no?" 

"Ha? Kay Meah? NO WAY!" sabi ko without hesitation

"Eh sino nga?" pangungulit niya.

"Haa? Wala nga sabi! Bakit wala ka d'on? Wala ka bang gagawin?" ang galing ko! Napalitan ko kaagad ang topic!

Through the StormWhere stories live. Discover now