Prologue

10 4 14
                                    

3rd person's POV.

Naglalakad ako sa pasilyo ng mansyon ng mga klintston ng nakarinig ako ng nag uusap.

"Kamusta ka jan anak?" Tanong ni boss sa kausap niya sa telepono.

Batid kong ang kausap niya ang ang bunsong anak niya, hindi ko pa ito nakikilala dahil hindi ito inilalabas sa publiko, kahit saming mga tauhan ay hindi ito pinapakilala.

Sobrang tago ng katauhan ng mga klintston, sila ang pinakamayamang pamilya, at ang nasa unang ranggo ng mafia. Isa sila sa tinitingala pagdating sa pag aasinta dahil likas ang galing ng mga ito.

Sinasabing mahirap banggain ang mga ito dahil sa taglay ng galing sa paghahanap ng impormasyon. Nasa klintston na lahat ng galing kaya maraming naiinggit sa mga ito.

May sarili silang mga establisyemento, katulad na lamang ng ospital at paaralan para sa mga mafia.

Wala akong masabi sa galing ng pamumuno nyo mga klintston, wag nyong asahan na isa ako sa titingala sainyo. Babagsak din kayo.

*Kring...kring...kring...*
(A/N: basta call yan, hmp.)

"Madam, napatawag ka?" Sabi ko sa taong nasa kabilang linya.

"I just want to know if may nakuha ka ng impormasyon tungkol sa pagkatao ng bunsong anak ni zevan." Sabi niya sakin.

"Wala pa sa ngayon madam, pero sisiguraduhin kong makakakuha din ako at sabay nating pababagsakin ang mga klintston." Paninigurado ko sa kanya ng may halong ngiti.

"Siguraduhin mo lang, dahil kapag pumalpak ka, sa hukay na ang bagsak mo." Huling sinabi niya bago ibaba ang tawag.

"Konting panahon pa madam." Sabi ko sa sarili ko.

Makikinig sana ako sa usapan ng mag ama ngunit wala na ito. Balak ko sang hanapin ngunit may umubo sa likuran ko.

"Bakit ka nandito kyle?" Tanong ni boss zevan sakin, siya si mr.klintston.

"May itatanong lang po sana ako sainyo tungkol sa mga mag eensayo bilang tauhan ng mga klintston." Palusot ko kay boss.

"Iyan nga ba talaga ang pakay mo?" Paninigurado nya.

"Opo boss." Sagot ko sakanya.

"Pumili ka ng taong lolokohin mo, wag ako kyle." Sabi niya sabay kasa ng baril at itinutok ito sakin.

Kinabahan ako dahil alam niya na siguro ang plano namin. Katapusan ko na.

"Hindi na kita tatanungin kung sino ang kausap mo dahil kilalang kilala ko na. Alam mong mabait ako pero traydor ka pa din. Wala akong magagawa kundi patumbahin ka." Sambit niya sabay kalabit sa gatilyo ng baril.

Pagka kalabit niya sa gatilyo ng baril ay naaninag ko ang panganay na anak ni mr.zevan, dumilim na ang mga mata ko at bago ako mawalan ng malay ay narinig ko ang mga salitang sinabi ni zyre.

"Pinagkatiwalaan kita kyle, tinuring kitang kaibigan kahit alam kong traydor ka." Sabi niya.

-----------------------------------------------------------------

Author's note;
Hey wassap yow, prologue palang yan mwehehe diko naman sadyang pumatay, hindi ako yong pumatay, si mr. Zevan yon, hmpp. Sana pagpatuloy niyo ito hanggang dulo alabyu all mwuapps!!

Ace in SpadesWhere stories live. Discover now