Chapter 2
Awake
Sure na sure ako na papunta ako sa faculty ni ma'am Medz and then bigla akong narito na sa likod ng school namin.
Hinarap ko ng mabuti si Vann na kanina pa naghihintay ng tanong ko kung saan ako pupunta.
"Sa faculty ni Ma'am Medz ang punta ko."
Halos mapapikit na naman ako nang hindi lumabas sa bibig ko ang boses sa isip ko.
"Mag cutting class sana ako, pero since nahuli mo na ako." Nagkibit balikat ako. "Detention na naman, tama ba?"
Inunahan ko na siya dahil alam kong iyon din naman ang sasabihin niya. Pero bakit naisip ko kanina na sabihin sakanyang papunta ako kay Ma'am Medz? Tanga ka Narizz?
Ngayon lang ako nagpasalamat na hindi ko muli nasabi iyon. Siyempre alam niyang counseling teacher si Ma'am, malaman pa niyang gusto ko magpa-consult.
Hindi siya nagsalita pero tinitigan niya ako. May nakita pa akong saglit na awa na dumaan sa mga mata niya.
"Gusto mo bang huwag nang pumunta?" Mahinahon niyang tanong. Bahagya akong nagulat sa bigla niyang sinabi. Hindi ko inaasahan iyon.
Because the moment old Narizz gone, kasabay no'n ang pagkawala nang nararamdaman ko sakanya. I think he is not the Vann I knew before o kung tamang sabihin iyon ang gusto kong itatak sa isip ko.
Suddenly, memories flash in my mind. Biglang pumasok sa isip ko ang bonding naming dalawa noon.
Pareho kaming sabay mag review, pareho kaming nagbabasa sa loob ng library. At pareho kaming lumalabas para kumain sa mall kapag tapos na ang exams namin.
Yeah, he's my friend and crush before, I don't know now.
Inalisa ko pa sa isip ko ang sinabi niya bago tumaas ang gilid ng labi ko.
"Pwede ba?" Hamon ko.
Parang natauhan siya sa sinabi ko at napansing napailing siya.
"No," he coldly said.
"Hindi naman pala eh, tss." Mukhang nadismaya ako sa sagot niya nang kaunti. Unti lang naman. Umirap ako sa kawalan.
Bakit ba ang hilig kong umirap? Pero lagi naman ganito reaction ko 'diba?
Hinakbang ko ang mga paa ko at buti naman at gumalaw na ito, kanina ko pa sinusubukan na maglakad pero ayaw niyang gumalaw kanina.
Hindi ako nagpaalam na aalis na at nilagpasan lang siya pero napahinto ako nang maramdaman ko ang mga kamay niya na humawak sa pulsuhan ko.
"'Wag ka munang umalis," pigil niya sa akin kaya napalingon ako sa nagsusumamo niyang mata.
"What's wrong with you Vann? Bitiwan mo 'ko."
Parang natauhan ulit siya kaya naman mabilis niya akong nabitawan.
He coughed a bit bago ulit nagsalita. "Ma'am Lyn is asking us. Puntahan daw natin siya, pagkatapos ng klase natin ngayon."
Tumango naman ako.
"Sige," tipid kong sagot at tinalikuran na siya.
"Your stare are intimidating, para kang si Vans."
"Your stare are intimidating, para kang ai Vans."
Natigilan ako sa bigla nang masabi ko ang salita sa isip ko. First time 'yun ah? Na masabi ko ang salita sa isip ko. I mean, 'yung parang boses sa isip ko.
"Who is Vans?" Narinig kong nagsalitang boses ni Vann sa likod ko. Probably narinig niya.
Wait sino nga ba si Vans? Hindi ko rin alam. Bakit lumabas iyon sa bibig ko?
BINABASA MO ANG
Journey Inside (Stand Alone)
FantasyNarizz Sy is a typical highschool girl, but not a good student. She always do cutting classes, her grades are not higher than what you think and she's also not have a good bond with her family. One day, she started to feel that she was not in her re...