JOURNEY 37

18 1 14
                                        

Chapter 37

Forget

Ito na ang kinakatakot ko... na magiging salungat siya sa desisyon ko.

"V-vans... I can't leave you here. No..." mabilis akong umiling sa kanya. Nagsisimula na akong mapahikbi pero hangga't kaya kong pigilan, ginagawa ko.

Nag-angat ako ng tingin nang maramdaman kong huminto ang sasakyan sa tabi ng kalsada. Narinig ko ang pagbukas at sara ng pinto sa driver seat. Ilang minuto ay narinig ko naman ang pagbukas ng pinto ng back seat sa gilid ko hanggang sa matagpuan ko siyang nasa tabi ko na.

He crouched and leaned closer to me. Dahan dahan niyang kinuha ang kamay ko at mahigpit na hinawakan iyon.

"Ma'am Elice already talk to me, she promised me na hahanap siya ng paraan para mailabas ako rito. We will just have to wait but you two need to go outside."

Sinalubong ko ang mata niya, napapikit pa ako nang malabo pa ang paningin ko dahil sa luha. Tumulo ito sa pisngi ko kaya mabilis kong pinahid paalis. Tumulong pa siya sa pag-alis nito.

"She's not sure about that Vans... wala pa ring kasiguraduhan kung ganoon nga ang mangyayari kapag nakalabas kami. I can't risk you. Ayaw mo ba akong kasama dito?" Nahihirapan kong tanong sa kanya.

"And do you think it is okay for me to risk your life?" Huminto siya sa pag sasalita at umiling. “Just like you, I can't also risk you para lang makasama kita rito. Hindi ba mas maganda nang sumugal ng isa lang ang mawawala kaysa iyong lahat tayo?”

“Pero kung ikaw naman ang mawawala sa akin Vans, mawawalan na rin ng saysay ang buhay ko. You’re my strength, you're my life…”

"Can't you trust ma'am Elice, Riz?" He asked. Hindi ako nakasagot doon.

"If you can't, then ako na lang ang pagkatiwalaan mo, Riz." He said surely.

Napatitig naman ako sa kanya. I'll trust his decision dahil alam kong ikabubuti namin ang desisyon niya.

Pero ang hirap pa rin… dahil walang kasiguraduhan ang lahat ng iyon. Paano kung paglabas namin dito mawalan na talaga ng tuluyan ang bisa ng libro? Ng kuwentong ginawa ko? And kung sakali mang magkaroon, papaano namin mailalabas si Vans dito?

Walang assurance iyon, kaya ang hirap…

O baka naman sinasabi lang niya ito para talaga hindi na ako magpumilit na makasama siya dito?

“Can you trust me, Riz?" Pag-uulit niya ng tanong. So with my eyes locked with his, I slowly nodded.

"Yes..." namamaos kong sagot.

“Then don't be afraid to leave me here. It’s okay… It’s okay.” There, that's his decision, he wants me to leave him here. And saying that it's okay… is killing me.

Because it's never been okay to leave someone alone, knowing that you have a possibility to be trap in here, forever.

Pero wala na akong magagawa, he already made his choice. And it is for me again… dahil ayaw niyang sumugal na pareho kaming mawawala.

Humigpit ang hawak niya sa kamay ko pero tumayo siya at nilahad muli ang kamay sa akin.

“Saan tayo pupunta?” medyo may pagtatakang tanong ko sa kanya.

“The ending is near, let's create beautiful memories here, before you go.” Nakangiti niyang sinabi sa akin.

Kaya walang halong alinlangan ko namang inabot ang kamay niya. Inalalayan niya akong makalabas sa back seat ng kotse bago ako dinala sa passenger seat. Sumakay ako doon at kinabit niya ang seat belt ko bago siya sumakay sa driver seat.

Journey Inside (Stand Alone)✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon