JOURNEY 4

51 4 16
                                        

Chapter

Vans

Short wavy black hair, pouty lips, brown narrow eyes hiding behind those thick eyeglasses, small pointed nose and heart shape face.

That's the face I am staring right now in front of the mirror. Siya ang babaeng nakita ko sa panaginip ko na nasa library.

Hindi ko siya mukha, I am definitely sure that she is not me, hindi siya ang mukha ko.

But I have this feeling that she is also me. That this face belongs to me. I held it and traces every inch of it.

Ibang iba talaga ang reflection nito. Wala akong suot na salamin pero sa repleksiyon ko ay meron? What the heck?

Dahan dahan pa akong lumapit sa salamin para mas lalong pagmasdan ito pero bigla nalang nagbago ulit ang paligid ko.

I groaned nang matagpuan ko ang sarili ko na nakaupo sa hapag, katapat ang magaling kong kuya. Pinagmasdan ko pa siya nang mabuti. Is he really my kuya? Bakit parang hindi ko na maalala ang bonding naming dalawa?

Napadako rin ang tingin ko sa lalaking naghahain sa hapag. Is he really my father? Bakit gusto kong yakapin siya?

Why am I feeling this? The longing to have a father? Parang matagal na akong naghahanap ng kalinga ng ama?

Pinatawad ko na ba siya sa ginawa niya? Mabilis akong umiling. Hindi, hindi.

Narizz, 'wag kang maging marupok.

But I am are not Narizz right? I am Narizzalyn?

Pa'no ko siyang matatanggap kung wala naman akong maalala na memories niya? Pa'no ko matatanggap na isa lang akong character?

I am really confused. Really, sumasakit na ulo ko sa kakaisip.

"Si Vann ang naghatid sa akin kagabi. Lalakadin ko nalang papuntang school." Napatingin ako kay kuya nang magsalita ako.

What? May tinanong ba si kuya?

"So, kaninong bike ang nakita ko sa labas? That's yours, Riz." Ani kuya, mahihimigan din ang amused sa boses niya.

Kumunot naman ang noo ko at lumingon pa sa labas. Natanaw ko nga ang bike sa labas, nakasandal sa bakod namin.

Pano'ng nauwi iyon? Sino ang nag-uwi noon?

"I don't know kung sino nag-uwi no'n. Baka nagdrive mag-isa." Bumaling na ako sa tinapay na nakalagay sa harap ko.

I want to take it kasi nagugutom na rin ako pero hindi ko siya makuha. Ayaw gumalaw ng kamay ko.

"Kagabi may nakita akong lalaki diyan sa labas ng bakod natin. Nakasakay siya sa bike mo. I don't know kung sino pero built ng katawan ni Leon."

Umangat muli ang tingin ko kay kuya nang sabihin niya iyon.

Leon? Inuwi ni Leon ang bike ko? Nagkibit balikat lang si Kuya sa akin at tumayo na.

"Hey son, hindi mo man lang kinain ang umagahan mo," habol ni Papa kay kuya pero hindi na siya nito pinansin.

So ang ending, naiwan kaming dalawa ni Papa sa kusina. Nilingon ko siya at makikita mo ang lungkot sa mukha niya ngayon, na gusto ko na lang magpaiwan at kainin ang inihanda niyang pagkain pero nagsimula na akong tumayo at umalis din nang walang pasabi katulad ni kuya.

Yes, wag mong kakalimutan ang ginawa niya sa inyo. Siya ang dahilan kung bakit nasira ang pamilya namin.

Lumalambot ka na naman Narizz.

Pero natigilan ako, si Narizzalyn kaya ang nakaramdam noon? Pero ako rin siya eh! I groaned.

Kinuha ko ang bike ko sa gilid at bago ko sakyan iyon, I checked the wheels at ang pinadalan noon. Kung si Leon nga ang nagbalik noon baka may plano itong hindi maganda.

Journey Inside (Stand Alone)✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon