LB 1: WHEN SHE CRIES

17 3 0
                                    

"Sayo lang ako umiiyak nang ganito." Pinagmamasdan ko ang babaeng nasa harapan ko ngayon na walang tigil sa pag-hagulgol kanina pa. I lend her my handkerchief and slightly smiled at her.

Kasalukuyan kaming nasa loob ng bar na madalas naming puntahan sa tuwing... ayan, sa tuwing ganiyan siya. Kinuha niya ang inabot kong panyo't nagsimula na namang umiyak. Umiwas ako ng tingin nang tingnan niya ako na tila ba hinihintay ang tugon ko sa isinambit niya.

"Alam ko, Sab. Sawang-sawa na nga ako sa mukha mo, eh. Ang pangit-pangit mo talagang umiyak," mapang-asar kong sambit para pagaanin ang loob niya. Agad naman niyang binato sa akin ang panyo ko na pinagpunasan niya ng mga luha niya't sinamaan ako ng tingin. "Cute," mahinang bulong ko sa sarili ko.

"Alam kong cute ako. Hindi mo pa ipaparinig sa akin, ha."

"Sabi ko 'dugyot'. Hindi ko sinabing cute," at nakita ko na naman ang pag-irap niya.

"Ikaw talaga!" Napailing na lamang ako. Uminom akong muli't tumingin sa mga taong nagsasayawan sa dance floor. Maya-maya'y hinawakan niya ang kamay ko.

"Thank you, Kuya Andi. You're the best talaga." Ngumiti ako nang masaya niyang sambitin iyon sa akin at pinisil-pisil pa ang pisngi ko. Sa tingin ko ay ayos na ulit siya. Ngunit alam ko na ang susunod na sasambitin niya.

"The best ka talagang kuya!" Sabi na nga ba. Natawa ako nang mahina sa isipan ko dahil sa bagay na 'yon. Pero syempre may kasunod pa 'yan.

"Pero, Kuya, mahal ko pa rin siya. Anong gagawin ko?" at muli na naman siyang nalungkot. Umiwas na lamang ako ng tingin at itinuloy ang pag-inom ko.

Hindi katagala'y tumayo na siya na parang aalis na ba. "Saan ka pupunta?" usisa ko't hinawakan muna siya sa palapulsuhan niya.

"Nagtext siya sa akin. Gusto niya raw akong makausap." May kumirot na kung ano sa puso ko nang malaman kong iiwan niya na naman akong mag-isa dito para sa lalaking 'yun. Pero hindi ko na inintindi pa ang nararamdaman ko ngayo't tumayo agad na ipinagtaka niya.

"Oh? Bakit ka tumayo? Sasayaw ka? Hahanap ng chicks?"

"Tsk, ihahatid na kita. Isa ka pa sa iisipin ko kung hahayaan kitang bumyahe mag-isa papunta r'on."

"Pero sabi niya siya na raw ang magsusundo sa akin." Tinitigan ko siya ng seryoso na alam kong nakuha niya naman agad ang ibig kong sabihin tungkol doon.

"Ako na ang maghahatid sayo, Sab. Hindi ako nagtitiwala kay Gray," seryoso kong sambit at kinuha na ang susi ng sasakyan ko. Napansin ko ang pagkatakot niya sa ekspresyong ipinakita ko ngunit tumango rin naman agad ito.

"S-sige, itetext ko na lang siya." Pumasok na kami pareho sa loob ng kotse nang makalabas na kami sa loob ng bar na iyon at nagmaneho na.

2 years gap ang age namin ni Sabbi kaya ganito ang turingan namin sa isa't isa. Parang magtropa.

Alam kong mali itong nararamdaman ko para sa kanya pero mahal ko siya. Mahal ko siya na higit pa sa kapatid, eh. Pero alam kong kahit anong gawin ko, hanggang doon lang kami. Kuya lang ang tingin sa akin ni Sabbi. Isa pa, wala akong planong pagsamantalahan ang relasyong mayroon sa amin ngayon.

"Saan kayo mag-uusap?"

"Sa bahay niya po." Tumango ako sa sinabi niya at tumingin sa relo ko. Alas tres na ng tanghali.

"Hanggang 5:00 pm ka lang."

"Kuya?!"

"Bakit? Mahaba ba ang pag-uusapan niyo para umabot ka pa ng gabi o madaling araw doon?" Nang tingnan ko siya'y nakita ko na naman ang pagkunot ng noo niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 29, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LEFT BEHINDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon