END GAME - PROLOGUE

29 8 2
                                    

PROLOGUE






Lukariah Villamor POV



"Lukariah! Kanina pa kita hinahanap, saan ka ba pumunta?" Salubong sa akin ni Kiana. Ang kababata ko. Hinihingal siyang tumabi sa akin ng upo at pinaypayan ang sarili.

"Bakit ba? Nandito lang naman ako sa tabi ng dagat, kanina pa." Sagot ko at ngumuso.

Pinagmasdan ko ang bawat paghampas ng alon sa buhangin. Magandang tumambay dito dahil sa puting buhangin at kitang-kita rin ang pagkulay asul ng dagat, mas nadepina ang kagandahan ng lugar dahil sa linis nito.

"Oh my gosh! Kanina pa kita hinanap eh, nandito ka lang pala. Alam mo ba na dumaan ako sa Mansyon ng De Lazzari." Utas nito.

Tumingin ako sa kanya at kumunot ang noo. Lumaki ako dito sa Pangasinan, dito nakatira ang Papa ko at si Mama naman ay sa Manila. Mas pinili nilang dito tumira at bumuo ng pamilya dito, with my two Brothers, Kuya Hans and Kuya Yael.

Ang mga De Lazzari ay kilala dito sa amin. They one of the richest family here in Pangasinan, may malaking Farm at Rancho sila, at sa Rancho nagtratrabaho si Mama at Papa, pati na  rin ang mga kuya ko, minsan ay sumasama na rin ako sa kanila.


"Anong meron?" Tanong ko. Ngumisi siya sa akin.


"Halos himatayin na ako friend! Kasi dumating si Faris! Iyong bunsong anak ni Don Clarent! Ang gwapo at ang hot niya!" Tili nito. Nagkibit balikat lamang ako sa sinabi niya.


I know that man, Faris Daegan De Lazzari. Nakikita ko na siya dati pa sa Rancho, sa tuwing bakasyon siya umuuwi dito, at madalian lang iyon, at  nagkakapagtaka naman na ngayong malapit na ang pasukan siya dumating.

"Bakit siya nandito? Diba next week pasukan na." Sinabi ko kay Kiana. Tumawa bigla si Kiana at parang batang excited na magkwento.



"Kasi dito na siya mag-aaral! Sa school natin Lukah," anito na nakapagbigla sa akin.


That's new! Mag-aaral siya dito, eh halatang ayaw 'nun ang probinsya, paano kaya siya makakasurvive? Laking Manila pa naman 'yon. May kapatid naman si Faris pero nasa Manila ang mga ito.


"Huh? Eh ayaw 'nun dito, paano Niya makakayanan." Naguguluhan kong untag.

"Balibalita ay may ginawa daw si Faris na gulo sa Manila kaya pinarusahan Ng Don at dito pinapaaral." Tumikhim ako at tumango.

"At alam mo rin ba na kanina pa kita hinahanap kasi pinapatawag ka ni Tita Sanya!" Dagdag nito.

"Anong nangyari? Bakit ako pinapatawag ni Mama?" Tanong ko. Nagkibit balikat si Kiana.


"Basta! Uwi na Tayo! Baka magalit pa si Tita Sanya." Yaya nito. Agad naman akong tumango sa sinabi niya.

"Tara na." Sambit ko at tinalikuran ang dagat.


Sumabay ng lakad sa akin si Kiana. Ang kayumanggi nitong kulay ay kumikinang sa tama ng sinag ng araw, Ang balat ko naman ay katulad ni Mama, maputi at namumula lang kapag na sinagan ng araw. Mas matangkad sa akin ng kaunti si Kiana, pero hindi naman magkalayo ang hubog ng katawan namin.

"Doon tayo dumaan sa Mansyon ng De Lazzari, baka maabutan natin si Faris na nangangabayo." Aniya. Umiling lamang ako sa kanya at nagpatianod sa hila nito sakin.


Dumating kami sa Rancho ng De Lazzari, nasa maliit na kubo nakasilong ang mga trabahador at nakita kong nakaupo doon si Kuya Hans, siya ang panganay sa amin, sunod si Kuya Yael, at ako.



End GameWhere stories live. Discover now