END GAME - CHAPTER ONE

22 6 2
                                        

CHAPTER ONE



Lukariah Villamor POV



Kanina pa pabalik-balik ang tingin ko sa kalsada, ngayon ang alis namin para sa enroll ni Faris, nagdadalawang-isip parin ako kung sasama ako pero nakakahiya naman kapag tumanggi ako sa request ng Don, kaya naman imbes na magreklamo ay nag-ayos nalang ako para samahan si Faris, Pero paniguradong awkward ang mangyayari mamaya. Hayst.



Sabi ni Mama ay maghintay nalang daw ako sa shed kaya naman nandito na ako. Napabuntong hininga ako at umupo. Napahinto ako sa pagkatulala ng may huminto na itim na SUV, 'nong una ay natakot ako pero ng bumaba ang driver ay doon lang ako kumalma.



"Ma'am pasok na po kayo," Sabi nung driver at binuksan ang SUV, tumango Naman ako, at 'nang paakyat na ako ay nakita ko si Faris na nakaupo sa dulo. He's wearing headphone and black shades. Nag-iwas lamang ako ng tingin at umupo sa unahan.



Ngayon ko lang siya nakita ng malapitan at kahit nakasuot ng shades ay halatang masungit ito at di mamansin. Sinara ng Driver iyong pintuan at pumasok na sa SUV bago ito pinaandar. Tahimik lamang kami, at mas gugustuhin kung tumahimik nalang kaysa kausapin siya.




Pinagmasdan ko lamang ang labas at ang punong dinadaanan namin. Mga ilang minuto ay narating na namin ang School. Binuksan muli ng driver ang pinto at nauna na akong bumaba sa sasakyan.



"Susunduin ko po kayo mamaya Ma'am at Sir." Ani nung driver. Ngumiti Naman ako at tumango.




"Sige ho, mamayang lunch po Manong." Utas ko. Tumango ito at pumasok muli sa SUV. Tumikhim ako. Ngayon kaming dalawa nalang Ang magkasama.



Tumingin ako sa kanya at agad dumapo ang mga mata ko sa abo nitong mga mata. Nag-iwas agad ako ng tingin.



"Tara na, pasok na Tayo." Sabi ko at hindi na siya hinintay pa. Nauna akong naglakad papasok sa School, at bumungad agad sa akin Ang malaking Fields.


Sa gilid ng malaking Fields ay may mga puno at upuan na nakalinya, Doon ako palagi tumatambay tuwing nag-aaral, sa kaliwang bahagi Naman ay merong espasyo ng Court na palaging ginaganapan Ng mga Events, sa gitnang bahagi ay ang mga buildings, limang buildings ang naroon, at magkakaiba ang bawat strands.






May nakita akong mga estudyante Doon at ang iba ay kilala ko at tumatango lamang ako sa kanila, meron pang napapadapo ang tingin sa likuran ko at Alam ko na kung Sino ang tinititigan nila.





Napahinto ako sa paglalakad ng makita ko si Kalum Sullivan, ang captain ng basketball, kasama niya ang mga ka-teams nito at nakatambay sila sa mga nakahilerang Lockers.





Dati ko nang gusto si Kalum, nagsimula iyon noong Nakita ko siyang naglaro ng basketball, hindi ko Alam kung paano pero napapansin ko nalang ang sarili kong namumula sa tuwing nakikita siya, he's handsome and hot, that's a facts on him, Hindi lang naman ako ang may gusto sa kaniya, madami kami, pero kung magpalit siya ng babae ay parang nagpapalit lang rin ng damit.






Shit. Mas lalo siyang naging gwapo at bumagay sa kanya ang kayumanggi nitong kulay. Namula ang pisngi ko at nabalik Lang ako sa realidad Ng may malakas na tikhim na nagmula sa gilid ko. Napatalon ako sa gulat at napatingin Kay Faris na nasa gilid ko na.







"Can we go inside? O dito muna tayo para ipagpatuloy mo ang pagtitig?" Malamig nitong tanong. Kulang na Lang ay umirap ako sa tanong Niya.





"Sige pasok na tayo," panis akong ngumiti sa kanya at nauna muling naglakad. Ang sungit.





Pumasok kami sa loob ng Court at may mga estudyante na naroon. Nakita ko pa si David na isa sa kaibigan ko. Ngumiti ako sa kanya at napadapo ang tingin nito sa likuran ko, nagtatanong ang mga matang pinakita Niya saakin pero umiling lamang ako. Nagpatuloy kami sa paglakad hanggang sa tumigil kami sa Mesa na may nakalagay na mga Forms, may nakaupong matanda Doon at binigay agad sa akin ang isang form.




You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 21, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

End GameWhere stories live. Discover now