Prologue

24 0 0
                                    

"Checkmate."

I heavily sighed and pushed the bottom of my lips as an act of petulant annoyance. Ginulo ko ang mga chest pieces na nakalagay sa chest board, kulay itim at kulay puti.

The knights in black captured one of my pawn. Ako iyong kulay puti, nauna na ngang gumawa ng hakbang, natalo pa. Paulit-ulit na kami rito pero hindi pa rin ako nanalo.

"Bakit ba may larong ganito? Sinasayang lang oras natin!"

He smirked at me. Sid was my only male friend in University of La Eastern, currently taking the same field as mine for I am taking culinary arts.

Tumayo na ako at hinayaan siyang mag-isa na maiwan sa La Eastern's library. Alam kong susunod agad siya sa akin. At tama nga ako.

"Wait lang, Sorrel!" natatawa niyang sabi at pahabol akong sinundan. Suot niya ang mga ngiting tila pinagandang kurba ng isang iskulptor, nanaig sa mga mata ang kagalakan sa pagkapanalo.

Ulol siya.

"Masyado kang seryoso sa laro, ha. Baka ako seryosohin mo rin." Humalakhak siya na parang sa mga pelikula. Sumasabay sa paggalaw ng kaniyang balikat ang kaniyang buhok na tatlong pulgada ang haba, tinatakpan ang kaniyang noo.

"Eh, paano ba naman? Wala pang isang oras, talo na ako!" maktol ko sa kaniya. Diniinan ko pa ang salitang 'talo'.

"Edi 'wag ka ng maglaro, ikaw nag-aaya, e." Sinamaan ko siya ng tingin at dumeretsong maglakad papuntang Cafeteria. As of now, wala pang mga klase, naglilibot lang ang ibang mga estudyante habang hinihintay ang results ng kani-kanilang mga exams.

"Nasaan ba si Iris? Tawagan mo nga," utos ko kay Sid. Madali naman siyang sumunod sa akin at ilang sandali pa'y rinig ko ng kausap niya ang aming babaeng kaibigan.

Sumagi ang mata ko sa isang bulletin board. Marami ang sumisilip sa mga ito kada pagdaan nila, nasisilayan nila ang mga mukha ng estudyanteng iskolar.

I am a scholar here in this university, ULAE. As in Yu-El-Ey-I. For many who read that, ulae. For a salutatorian like me, hindi pa rin madali ang lahat lalo na kapag mahirap ka lang. You need to strive in order to be successful in your chosen field. Kalahati pa rin ng aking total fees ay binabayaran ko.

"Wait. Let me hang up this call, may tumatawag," rinig ko ang pagkausap ni Sid sa kaniyang mamahaling phone. Mabilis niyang pinatay ang tawag at tumanggap ulit ng panibago. Nalaglag ang panga ko nang bigla niya akong iwanan sa maluwang na hallway.

What a damn freakin' rude boy.

Mas lalong umawang ang mga labi ko nang may isang lalaking tila walang pakialam sa paligid ang lumagpas sa akin, bahagyang nabangga niya ang aking balikat dahilan upang muntikan akong matalisod sa sariling paa. Now, I literally believe what I have said in my mind. How rude.

"Excuse me? Hindi sa'yo ang daan na ito, hindi mo yata alam—" Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko at tumingin agad sa likod ko. Why? Dahil umalis na siya! Parang hangin lang akong naiwan sa gitna ng pasilyo na may pailan-ilang estudyanteng dumadaan, kuryosong mata na mga nakamasid sa akin.

Nagmukha akong baliw!

Iritadong hinanap ng mga mata ko ang walang galang na lalaking iyon. Dapat sa kaniya sinasapak nang matauhan. Subalit sa dismaya ko ay wala na akong nakitang pigura ng lalaki na may suot na pulang bandana sa ulo.

Barbie siya? May paheadband na kulay pula?

Inisyu ko na lang siya sa aking isipan.

"Sorrel!" Alam ko na ang sigaw na iyon. Hindi iyon kay Sid, syempre, kay Iris iyon. Namumula ang mga pisngi niya, kulang na lang ay isipin kong may sumampal sa kaniya.

Knight In Shining ArrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon