"Nay, iluluto ko na po ba?"
"Oo, anak. Tandaan mo ang bawat bilin ko sa'yo para mapasarap ang putahe natin ngayong gabi. Nabili mo na ba ang iilang mga sangkap?"
Sunod-sunod akong napalunok. Nanlalamig din ang aking mga kamay, samantalang rinig ko ang pagkabog ng aking dibdib. Who wouldn't be?
"O-Opo, nay. Nakahanda na po lahat sa kusina," sagot ko. She simply nodded then asked again.
"Ang matalim na kutsilyo? Ang bolo?"
Malalim ang itim na itim na mga mata ni Nanay. Bilugan din ito. May matangos na ilong at nangingitim na mga labi. Kulot din ang buhok nito ngunit agad mapapansin ang kaniyang matatalas na mga kuko.
Samantalang ako naman ay may kakaibang mata kumpara sa mga mata ni Nanay na ayon daw rito ay namana ko sa aking pinakamamahal na yumaong ama.
"Naroon na rin po, nay."
Sa aking pagtalikod dala ang mga panggatong ay nakita ko ang sariling mata sa aming salamin. My hazel eyes had brown flecks with specks of dark pigment on it.
Kaiba kay Nanay, my hair was flaunting smoothly behind the length of my shoulders. Natural ang pagkakapantay nito. Habang ang aking mga labi ay tila nalapatan ng pulang-pulang dugo dahil sa angkin nitong kapulahan.
"Simulan mo na..." Naalarma ako ng makarinig ng tunog sa labas.
"W-What's that?"
"Nakatakas! Nakatakas siya! Dali at habulin mo!"
Dahil sa sinabi ni Nanay ay kasingbilis ng kidlat akong tumakbo papalabas ng aming bahay. Abot ko pa ang tahip ng aking dibdib nang makarating sa labas.
I scanned the entire area until my eyes landed to a man who was trying to flew away from my sight. Hinabol ko ito.
"Hey, you!" Mabilis ko itong dinamba. Nabitawan nito ang kaniyang hawak.
Ang kaniyang hawak na manok. Ang alagang manok na ngayon ay kakatayin na namin ni Nanay. My pitiful chicken, Heyn.
"Stealing a damn chicken? Ipasusuplong kita sa pulis! Gusto mo ba 'yon?" Dali-daling tumayo ang lalaki, pilit na tinatakpan ang sarili. Tumayo na rin ako.
"S-Sorry na, miss... m-maawa ka sa'kin—" Nang aktong hihilahin ko ito sa kaniyang kwelyo ay mabilis itong lumayo sa akin. Ilang beses pa itong nadapa sa kaniyang dinaraanan. Lumapag ang aking mga paningin.
"Oh my! Are you still fine, Heyn?" Binuhat ko ang manok ko at sinimulang yakapin. Muntik pa akong mapaluha nang mapagtanto ang maaaring mangyari sa kaniya ngayon.
Again, who wouldn't be? Gagawin lang naman naming ulam ito si Heyn. At hindi ko yata kayang gawin 'yon.
"Kaawa-awang manok. Hayaan mo, hindi ko hahayaang kainin ka namin ngayong gabi. Itatago na lamang kita mula rito..." I caressed his golden, gilded feathers.
Isinilid ko ito sa isang malaking sako hanggang sa ilagay ko na ito sa isang lugar na alam kong tanging siya'y makaliligtas.
---
Marahan kong pinagpagan ang aking kamay mula sa mga ginintuang balahibo mula kay Heyn. Inabot din siguro ng ilang minuto bago ko siya tuluyang mailagay sa sako.
Nagpumiglas pa ito. Ayaw niya bang makaligtas?
I entered our small house with a smile crept on my soft lips but I immediately let it vanished. There was a confusion in my mother's face as she carefully stared at me.
"Nasaan na ang manok, anak?" she asked.
"Heyn po ang pangalan ng manok ko, nay. Heyn..." Hindi siya sumagot.

BINABASA MO ANG
Knight In Shining Arrow
Teen FictionWhen being hit by a golden arrow from the notorious Cupid, they say that you will fall in love with the last person you've saw or met. If you had last met Cupid and got hit by him, would you be inlove with him? Well, not on my case, 'cause I promis...